Isaias 12:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi ako matatakot: (A)sapagka't ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.
3 Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan.
4 At (B)sa araw na yao'y inyong sasabihin, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan, (C)ipahayag ninyo ang kaniyang mga gawa sa mga bayan, sabihin ninyo na ang kaniyang pangalan ay marangal.
Read full chapter
Isaias 12:2-4
Ang Biblia, 2001
2 “Ang(A) Diyos ay aking kaligtasan;
ako'y magtitiwala, at hindi ako matatakot
sapagkat ang Panginoong Diyos ay aking kalakasan at awit;
at siya'y naging aking kaligtasan.”
3 Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan.
4 At sa araw na iyon ay inyong sasabihin,
“Magpasalamat kayo sa Panginoon,
kayo'y tumawag sa kanyang pangalan,
ipaalam ninyo ang kanyang mga gawa sa mga bansa,
ipahayag ninyo na ang kanyang pangalan ay marangal.
Isaias 12:2-4
Ang Dating Biblia (1905)
2 Narito, Dios ay aking kaligtasan; ako'y titiwala, at hindi ako matatakot: sapagka't ang Panginoon si Jehova ay aking kalakasan at awit; at siya'y naging aking kaligtasan.
3 Kaya't kayo'y iigib ng tubig na may kagalakan sa mga balon ng kaligtasan.
4 At sa araw na yao'y inyong sasabihin, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan, ipahayag ninyo ang kaniyang mga gawa sa mga bayan, sabihin ninyo na ang kaniyang pangalan ay marangal.
Read full chapter
Isaiah 12:2-4
King James Version
2 Behold, God is my salvation; I will trust, and not be afraid: for the Lord Jehovah is my strength and my song; he also is become my salvation.
3 Therefore with joy shall ye draw water out of the wells of salvation.
4 And in that day shall ye say, Praise the Lord, call upon his name, declare his doings among the people, make mention that his name is exalted.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.