Add parallel Print Page Options

At ang lobo ay tatahang (A)kasama ng kordero, at ang leopardo ay mahihigang kasiping ng batang kambing; at ang guya, at ang batang leon, at ang patabain na magkakasama; at papatnubayan sila ng munting bata.

At ang baka at ang oso ay manginginain; ang kanilang mga anak ay mahihigang magkakasiping: at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka.

At ang batang pasusuhin ay maglalaro sa lungga ng ahas, at isusuot ng batang kahihiwalay sa suso ang kaniyang kamay sa lungga ng ulupong.

Hindi sila magsisipanakit (B)o magsisipanira man sa aking buong banal na bundok: sapagka't (C)ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng Panginoon, gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.

Read full chapter

Ang tipan ng kapayapaan.

25 At (A)ako'y makikipagtipan sa kanila ng tipan ng kapayapaan, at (B)aking papawiin ang mga masamang hayop sa lupain; at (C)sila'y magsisitahang tiwasay sa ilang, at mangatutulog sa mga gubat.

Read full chapter