Add parallel Print Page Options

Ang(A) pangitain ni Isaias na anak ni Amoz, na kanyang nakita tungkol sa Juda at Jerusalem, sa mga araw nina Uzias, Jotam, Ahaz, at Hezekias, mga hari ng Juda.

Ang Sumbat sa Bayan ng Diyos

Dinggin mo, O langit, at pakinggan mo, O lupa,
    sapagkat nagsalita ang Panginoon:
“Ako'y nag-alaga at nagpalaki ng mga anak,
    ngunit sila'y naghimagsik laban sa akin.
Nakikilala ng baka ang kanyang panginoon,
    at ng asno ang sabsaban ng kanyang panginoon
ngunit ang Israel ay hindi nakakakilala,
    ang bayan ko ay hindi nakakaunawa.”

Ah, bansang makasalanan,
    bayang punô ng kasamaan,
anak ng mga gumagawa ng kasamaan,
    mga anak na gumagawa ng kabulukan!
Tinalikuran nila ang Panginoon,
    hinamak nila ang Banal ng Israel,
    sila'y lubusang naligaw.

Bakit kayo'y hahampasin pa,
    na kayo'y patuloy sa paghihimagsik?
Ang buong ulo ay may sakit,
    at ang buong puso ay nanghihina.
Mula sa talampakan ng paa hanggang sa ulo
    ay walang kagalingan,
kundi mga sugat, mga galos,
    at sariwang latay;
hindi pa naaampat, o natalian man,
    o napalambot man ng langis.

Ang inyong lupain ay giba,
    ang inyong mga lunsod ay tupok ng apoy;
ang inyong lupain ay nilalamon ng mga dayuhan sa inyong harapan;
    iyon ay giba, tulad nang winasak ng mga dayuhan.
At ang anak na babae ng Zion ay naiwang parang kubol sa isang ubasan,
parang kubo sa taniman ng mga pipino,
    parang lunsod na nakubkob.
Malibang(B) ang Panginoon ng mga hukbo
    ay mag-iwan sa atin ng ilang nakaligtas
naging gaya sana tayo ng Sodoma,
    at naging gaya sana tayo ng Gomorra.

10 Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon,
    kayong mga pinuno ng Sodoma!
Makinig kayo sa kautusan ng ating Diyos,
    kayong bayan ng Gomorra!
11 “Ano(C) sa akin ang dami ng inyong mga handog?
    sabi ng Panginoon;
punô na ako sa mga lalaking tupa na handog na sinusunog,
    at ang taba ng mga pinatabang baka;
at ako'y hindi nalulugod sa dugo ng mga toro,
    mga kordero at ng mga kambing na lalaki.

12 “Nang kayo'y dumating upang tingnan ang aking mukha,
    sinong humiling nito mula sa inyong kamay
    na inyong yurakan ang aking mga bulwagan?
13 Huwag na kayong magdala ng mga walang kabuluhang alay;
    ang insenso ay karumaldumal sa akin.
Ang bagong buwan, ang Sabbath, at ang pagtawag ng mga kapulungan—
    hindi ko na matiis ang kasamaan at ang banal na pagpupulong.
14 Ang aking kaluluwa ay namumuhi sa inyong mga bagong buwan at sa inyong mga takdang kapistahan,
ang mga iyan ay pasanin para sa akin.
    Ako'y pagod na sa pagpapasan ng mga iyan.
15 Kapag inyong iniunat ang inyong mga kamay,
    ikukubli ko ang aking mga mata sa inyo;
kahit na marami ang inyong panalangin,
    hindi ako makikinig;
    ang inyong mga kamay ay punô ng dugo.
16 Maghugas kayo ng inyong sarili, maglinis kayo;
    alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa
    sa aking paningin;
tumigil kayo sa paggawa ng kasamaan,
17     matuto kayong gumawa ng mabuti;
inyong hanapin ang katarungan,
    inyong ituwid ang paniniil;
inyong ipagtanggol ang mga ulila,
    ipaglaban ninyo ang babaing balo.

18 “Pumarito kayo ngayon, at tayo'y mangatuwiran sa isa't isa,
    sabi ng Panginoon:
bagaman ang inyong mga kasalanan ay tulad ng matingkad na pula,
    ang mga ito'y magiging mapuputi na parang niyebe;
bagaman ito'y mapulang-mapula,
    ang mga ito'y magiging parang balahibo ng tupa.
19 Kung kayo'y sasang-ayon at magiging masunurin,
    kayo'y kakain ng mabubuting bagay ng lupain;
20 ngunit kung kayo'y magsitanggi at maghimagsik,
    kayo'y lalamunin ng tabak;
    sapagkat ang bibig ng Panginoon ang nagsalita.”

Ang Makasalanang Lunsod

21 Paanong ang tapat na lunsod
    ay naging upahang babae,[a]
    siya na puspos ng katarungan!
Ang katuwiran ay tumatahan sa kanya,
    ngunit ngayo'y mga mamamatay-tao.
22 Ang iyong pilak ay naging dumi,
    ang iyong alak ay nahaluan ng tubig.
23 Ang iyong mga pinuno ay mga rebelde,
    at kasama ng mga mapaghimagsik.
Bawat isa'y nagnanais ng mga suhol,
    at naghahangad ng mga regalo.
Hindi nila ipinagtatanggol ang ulila,
    o nakakarating man sa kanila ang usapin ng babaing balo.

24 Kaya't ang Panginoon, Diyos ng mga hukbo, ang Makapangyarihan ng Israel, ay nagsasabi,
“Ah, aking ibubuhos ang aking poot sa aking mga kaaway,
    at maghihiganti ako sa aking mga kaaway.
25 Aking ibabaling ang aking kamay laban sa iyo,
    at aking sasalaing lubos ang iyong dumi tulad ng lihiya,
    at aalisin ko ang lahat ng iyong tingga.
26 At aking ibabalik ang iyong mga hukom na gaya ng una,
    at ang iyong mga tagapayo na tulad ng pasimula.
Pagkatapos ay tatawagin kang lunsod ng katuwiran,
    ang tapat na lunsod.”

27 Ang Zion ay tutubusin ng katarungan,
    at ang kanyang mga nanunumbalik sa pamamagitan ng katuwiran.
28 Ngunit magkasamang lilipulin ang mga mapaghimagsik at mga makasalanan,
    at silang tumalikod sa Panginoon ay magwawakas.
29 Ngunit ikahihiya mo ang mga punungkahoy
    na inyong kinagigiliwan;
at kayo'y mapapahiya dahil sa inyong piniling mga halamanan.
30 Sapagkat kayo'y magiging parang kahoy[b]
    na ang dahon ay nalalanta,
    at parang halamanan na walang tubig.
31 Ang malakas ay magiging parang bagay na madaling masunog,
    at ang kanyang gawa ay parang kislap,
at kapwa sila magliliyab
    at walang papatay sa apoy.

Footnotes

  1. Isaias 1:21 o babaing nagbibili ng panandaliang aliw .
  2. Isaias 1:30 o ensina .

Ang katigasan ng ulo ng bayan ng Panginoon.

(A)Ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz, na nakita tungkol sa Juda at Jerusalem, sa mga kaarawan ni (B)Uzias, ni (C)Jotham, ni (D)Ahaz, at ni (E)Ezechias, na mga hari sa Juda.

Dinggin mo, Oh langit, (F)at pakinggan mo, Oh lupa, sapagka't sinalita ng Panginoon: Ako'y nagalaga at nagpalaki ng mga bata, at sila'y nanganghimagsik laban sa akin.

(G)Nakikilala ng baka ang kaniyang panginoon, at ng asno ang pasabsaban ng kaniyang panginoon: nguni't ang Israel ay (H)hindi nakakakilala, ang bayan ko ay hindi gumugunita.

Ah bansang salarin, bayang napapasanan ng kasamaan, lahi ng mga manggagawa ng kasamaan, mga anak na nagsisigawa ng kalikuan: pinabayaan nila ang Panginoon, hinamak nila ang Banal ng Israel, sila'y nangapalayo na nagsiurong.

Bakit kayo'y (I)hahampasin pa, na kayo'y manganghimagsik ng higit at higit? ang buong ulo ay masakit, at ang buong puso ay nanglulupaypay.

Mula sa talampakan ng paa hanggang sa ulo ay walang kagalingan; kundi mga sugat, at mga pasa, at nangagnananang sugat: hindi nangatikom, o nangatalian man, o nangapahiran man ng langis.

Ang inyong lupain (J)ay giba; ang inyong mga bayan ay sunog ng apoy; ang inyong lupain ay nilalamon ng mga taga ibang lupa sa inyong harapan, at giba, na gaya ng iniwasak ng mga taga ibang lupa.

At ang anak na babae ng Sion ay naiwang parang balag sa isang ubasan, parang pahingahan sa halamanan ng mga pepino, parang bayang nakukubkob.

(K)Kung hindi nagiwan sa atin ng (L)napakakaunting labi ang Panginoon ng mga hukbo, naging gaya sana tayo ng (M)Sodoma, naging gaya sana tayo ng Gomorra.

Niwalang kabuluhan ang forma ng pagsamba.

10 (N)Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon, ninyong mga pinuno ng Sodoma; mangakinig kayo sa kautusan ng ating Dios, kayong bayan ng Gomorra.

11 Sa anong kapararakan (O)ang karamihan ng inyong mga hain sa akin? sabi ng Panginoon: ako'y puno ng mga handog na susunugin na mga lalaking tupa, at ng mataba sa mga hayop na pinataba; at ako'y hindi nalulugod sa dugo ng mga toro, o ng mga kordero o ng mga kambing na lalake.

12 Nang kayo'y magsidating na pakita sa harap ko, sinong humingi nito sa inyong kamay, (P)upang inyong yapakan ang aking mga looban?

13 Huwag na kayong magdala ng mga walang kabuluhang alay; kamangyan ay karumaldumal sa akin; (Q)ang bagong buwan, at ang sabbath, ang tawag ng mga kapulungan, (R)hindi ako makapagtitiis ng kasamaan at ng takdang pulong.

14 Ipinagdaramdam ng aking puso ang inyong mga bagong buwan at ang inyong mga takdang kapistahan: mga kabagabagan sa akin; ako'y patá ng pagdadala ng mga yaon.

15 At pagka inyong iginagawad ang inyong mga kamay, aking (S)ikukubli ang aking mga mata sa inyo: oo, pagka kayo'y nagsisidalangin ng marami, hindi ko kayo didinggin: ang inyong mga kamay ay puno ng dugo.

16 Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan:

17 Mangatuto kayong magsigawa ng mabuti; (T)inyong hanapin ang kahatulan, inyong saklolohan ang napipighati, inyong hatulan ang ulila, ipagsanggalang ninyo (U)ang babaing bao.

18 Magsiparito kayo ngayon, at tayo'y magkatuwiranan, (V)sabi ng Panginoon: (W)bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng tupa,

19 Kung kayo'y magkusa at mangagmasunurin, kayo'y magsisikain ng buti ng lupain:

20 Nguni't kung kayo'y magsitanggi at manganghimagsik, kayo'y lilipulin ng tabak: sapagka't sinalita ng (X)bibig ng Panginoon.

Ang Sion ay makasalanan, nguni't sa huli ay maliligtas.

21 Ano't ang tapat na bayan ay naging tila (Y)patutot! noong una siya'y puspos ng kahatulan! katuwiran ay tumatahan sa kaniya, nguni't ngayo'y mga mamamatay tao.

22 Ang iyong pilak ay naging dumi, ang iyong alak ay nahaluan ng tubig.

23 (Z)Ang iyong mga pangulo ay mapanghimagsik, at mga kasama ng mga tulisan; bawa't isa'y (AA)umiibig ng mga suhol, at naghahangad ng mga kabayaran: (AB)hindi nila hinahatulan ang ulila, o pinararating man sa kanila ang usap ng babaing bao.

24 Kaya't sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, ng Makapangyarihan ng Israel, Ah kukuhang sulit ako sa aking mga kaalit, at manghihiganti ako sa aking mga kaaway.

25 At aking ibabalik ang aking kamay sa iyo, at aking lilinising lubos ang naging dumi mo, at aalisin ko ang iyong lahat na tingga:

26 At aking papananauliin ang iyong mga hukom na gaya ng una, at ang iyong mga kasangguni na gaya ng pasimula: (AC)pagkatapos ay tatawagin ka Ang bayan ng katuwiran, ang tapat na bayan.

27 Ang Sion ay tutubusin ng kahatulan, at ng katuwiran ang kaniyang mga nahikayat.

28 Nguni't ang pagkalipol ng mga mananalangsang at ng mga makasalanan ay magkakapisan, at silang nagtatakuwil sa Panginoon ay mangalilipol.

29 Sapagka't kanilang ikahihiya ang (AD)mga encina na inyong ninasa, at kayo'y mangalilito dahil sa (AE)mga halamanan na inyong pinili.

30 Sapagka't kayo'y magiging parang (AF)encina na ang dahon ay nalalanta, at parang halamanan na walang tubig.

31 At ang malakas ay magiging parang taling estopa, at ang kaniyang gawa ay parang alipato; at kapuwa sila (AG)magliliyab, at walang papatay sa apoy.

Ang aklat na itoʼy tungkol sa ipinahayag ng Dios kay Isaias na anak ni Amoz. Tungkol ito sa Juda at Jerusalem noong magkakasunod na naghari sa Juda sina Uzia, Jotam, Ahaz, at Hezekia.

Ang Makasalanang Bansa

Pakinggan ninyo langit at lupa, dahil sinabi ng Panginoon, “Inalagaan koʼt pinalaki ang mga Israelita na aking mga anak, pero nagrebelde sila sa akin. Kahit ang mga bakaʼy kilala ang kanilang tagapag-alaga,[a] at ang mga asnoʼy alam kung saang sabsaban sila pinapakain ng nagmamay-ari sa kanila, pero ang mga mamamayan kong Israelita ay hindi nakakakilala sa akin.”

Sila ay bansang makasalanan, mga taong punong-puno ng kasamaan, lahi ng mga gumagawa ng masama at mapaminsala. Itinakwil nila at kinutya ang Panginoon, ang Banal na Dios ng Israel, at siyaʼy tinalikuran nila.

Mga taga-Israel, bakit patuloy kayong nagrerebelde? Gusto pa ba ninyong maparusahan? Para kayong tao na puro sugat ang ulo at ang pusoʼy puno ng sakit. Mula ulo hanggang talampakan, walang bahagi na walang sugat, pasa at pamamaga. Hindi ito nahuhugasan, o nabebendahan, o nagagamot.

Hindi na mapakinabangan ang inyong bansa; sinunog ng mga dayuhan ang mga lungsod ninyo. Kitang-kita ninyong sinasamsam nila ang mga bunga ng inyong pananim. Sinisira nila ang inyong lupain hanggang sa hindi na mapakinabangan. Walang natira kundi ang Jerusalem.[b] Para itong silungan sa isang ubasan o isang kubol sa taniman ng mga pipino na mag-isang nakatayo, at para ring lungsod na pinalibutan ng kaaway. Kung ang Panginoong Makapangyarihan ay hindi nagtira ng ilan sa atin, natulad na sana tayo sa Sodom at Gomora.

10 Kayong mga pinuno at mga mamamayan ng Jerusalem na katulad ng mga taga-Sodom at Gomora, pakinggan ninyo ang salita at kautusan ng Panginoon na ating Dios. 11 Sinabi niya, “Balewala sa akin ang napakarami ninyong handog. Sawang-sawa na ako sa inyong mga handog na sinusunog – ang mga tupa at ang mga taba ng mga pinatabang hayop. Hindi ako nalulugod sa dugo ng mga toro, tupa at mga kambing. 12 Sino ang nag-utos sa inyo na dalhin ang lahat ng ito kapag sumasamba kayo sa akin? Sino ang nag-utos sa inyong tumapak sa aking templo? 13 Tigilan nʼyo na ang pagdadala ng mga handog na walang silbi. Nasusuklam ako sa amoy ng mga insenso ninyo. Hindi ko na matiis ang mga pagtitipon nʼyo kapag Pista ng Pagsisimula ng Buwan at kapag Araw ng Pamamahinga, dahil kahit na nagtitipon kayo, gumagawa kayo ng kasamaan. 14 Nasusuklam ako sa inyong mga Pista ng Bagong Buwan at sa iba pa ninyong mga pista. Sobra-sobra na! Hindi ko na ito matiis!

15 “Kapag mananalangin kayo hindi ko kayo papansinin. Kahit paulit-ulit pa kayong manalangin hindi ko kayo pakikinggan dahil marami kayong pinatay na tao. 16 Linisin ninyo ang inyong sarili. Tigilan na ninyo ang paggawa ng kasamaan sa aking harapan. 17 Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti at pairalin ang katarungan. Sawayin ninyo ang mga nang-aapi[c] at ipagtanggol ninyo ang karapatan ng mga ulila at mga biyuda.”

18 Sinabi pa ng Panginoon, “Halikayoʼt pag-usapan natin ito. Kahit gaano man karumi ang inyong mga kasalanan, lilinisin ko iyan para maging malinis kayo. 19 Kung susunod lang kayo sa akin ay pagpapalain ko kayo.[d] 20 Pero kung patuloy kayong magrerebelde, tiyak na mamamatay kayo.”

Mangyayari nga ito dahil sinabi ng Panginoon.

Ang Makasalanang Lungsod

21 Tingnan ninyo ang lungsod ng Jerusalem. Matapat ito noon, pero ngayoʼy para nang babaeng bayaran. Datiʼy mga taong matuwid ang mga nakatira rito, pero ngayon ay mga mamamatay-tao. 22 Jerusalem, datiʼy mahalaga ka tulad ng pilak, pero ngayon ay wala ka nang silbi. Noon para kang mamahaling alak, pero ngayon ay para ka nang alak na may halong tubig. 23 Ang mga pinuno moʼy mga suwail at kasabwat ng mga magnanakaw. Gusto nila palagi ng suhol, at nanghihingi ng mga regalo. Hindi nila ipinagtatanggol ang karapatan ng mga ulila at hindi rin nila pinapakinggan ang daing ng mga biyuda.

24 Kaya sinabi ng Panginoon, ang Makapangyarihang Dios ng Israel, “Gagaan ang kalooban ko kapag naparusahan ko na kayong mga taga-Jerusalem na aking mga kaaway. 25 Parurusahan ko kayo para magbago kayo, katulad ng pilak na dinadalisay sa apoy. 26 Muli ko kayong bibigyan ng mga pinuno at mga tagapayo, katulad noong una. At ang lungsod ninyo ay tatawaging lungsod ng mga matuwid at tapat na mga tao.”

27 Magsisisi ang mga tao sa Jerusalem,[e] at ito ay ililigtas ng Dios at magiging matuwid ang pagtrato ng mga pinuno sa lahat ng mga mamamayan. 28 Pero lilipulin niya ang mga suwail at mga makasalanan, ang mga taong tumalikod sa Panginoon.

29 Mapapahiya kayo na mga taga-Jerusalem dahil sa pagsamba ninyo sa mga puno ng ensina at sa mga sagradong halamanan. 30 Matutulad kayo sa isang nalalantang puno ng ensina, at sa isang halamanang hindi nadidiligan. 31 Ang mga makapangyarihan sa inyo ay magiging katulad ng tuyong kahoy na madaling masunog, at ang masasama nilang gawa ay magiging parang tilamsik ng apoy na susunog sa kanila. Walang makakapatay sa apoy na iyon.

Footnotes

  1. 1:3 ang kanilang tagapag-alaga: sa Hebreo, ang mga nagmamay-ari sa kanya.
  2. 1:8 Jerusalem: sa Hebreo, anak na babae ng Zion.
  3. 1:17 Sawayin ninyo ang mga nang-aapi: o, Tulungan ninyo ang mga inaapi.
  4. 1:19 pagpapalain ko kayo: o, makakakain kayo ng pinakamagandang ani ng lupain.
  5. 1:27 Jerusalem: sa Hebreo, Zion.

犹大王乌西雅、约坦、亚哈斯和希西迦执政期间,亚摩斯的儿子以赛亚看到了以下有关犹大和耶路撒冷的异象。

上帝责备叛逆的子民

诸天啊,请听!
大地啊,要侧耳听!
耶和华说:
“我把孩子抚育成人,
他们竟然背叛我。
牛认识主人,
驴也认得主人的槽,
以色列却不认识,
我的子民却不明白。”

唉!你们这罪恶的民族,
恶贯满盈的百姓,
作恶的子孙,
败坏的儿女!
你们背弃耶和华,
藐视以色列的圣者,
与祂疏远。

你们为什么一再叛逆?
你们还要受责打吗?
你们已经头破血流,
身心疲惫。
你们已经体无完肤,
从头到脚伤痕累累,
伤口没有清洗,
没有包扎,也没有敷药。

你们的土地荒凉,
城邑化为灰烬。
你们亲眼目睹自己的田园被外族人侵吞、毁坏、变成不毛之地。
仅存的锡安[a]城也像葡萄园里的草棚、
瓜田中的茅舍、
被困无援的孤城。
若不是万军之耶和华让我们一些人存活,
我们早就像所多玛和蛾摩拉一样灭亡了。

10 你们这些“所多玛”的首领啊,
要聆听耶和华的话!
你们这些“蛾摩拉”的百姓啊,
要侧耳听我们上帝的训诲!
11 耶和华说:
“你们献上许多祭物,对我有什么用呢?
我厌烦公绵羊的燔祭和肥畜的脂肪,
我不喜欢公牛、羊羔和公山羊的血。

12 “你们来敬拜我的时候,
谁要求你们带着这些来践踏我的院宇呢?
13 不要再带毫无意义的祭物了。
我憎恶你们烧的香,
厌恶你们的朔日[b]、安息日和大会。
你们又作恶又举行庄严的聚会,
令我无法容忍。
14 我憎恶你们的朔日及其他节期,
它们成了我的重担,
令我厌倦。
15 你们举手祷告,我必掩面不理。
即使你们祷告再多,
我也不会听,
因为你们双手沾满鲜血。
16 你们要洗净自己,
停止作恶,
不要让我再看见你们的恶行。
17 你们要学习行善,
追求正义,
帮助受欺压的,
替孤儿辩护,
为寡妇申冤。”
18 耶和华说:
“来吧,我们彼此理论!
你们的罪虽如猩红,
也必洁白如雪;
你们的罪虽如绯红,
也必白如羊毛。
19 如果你们愿意听从,
就必享用这地方的美好出产。
20 如果你们执意叛逆,
就必丧身刀下。”
这是耶和华亲口说的。
21 耶路撒冷啊,
你这忠贞的妻子竟变成了妓女!
你从前充满公平,
是公义之家,
现在却住着凶手。
22 你曾经像银子,现在却像渣滓;
曾经像美酒,现在却像搀了水的酒。
23 你的首领是叛逆之徒,
与盗贼为伍,
个个收受贿赂,
贪图好处,
不为孤儿辩护,
不替寡妇申冤。

24 所以,主——万军之耶和华,
以色列的大能者说:
“我要向我的敌人报仇雪恨。
25 我必攻击你,
用碱炼净你的渣滓,
除尽你的杂质。
26 我必像从前一样赐你审判官和谋士。
之后,你必被称为公义之城、
忠信之邑。”

27 耶和华必因祂的公正救赎锡安,
必因祂的公义拯救城中悔改的人。
28 但叛逆之辈和犯罪之徒必遭毁灭,
背弃耶和华的人必灭亡。
29 你们必因在橡树下,
在你们选择的园子里祭拜偶像而蒙羞。
30 你们必像枯萎的橡树,
又如无水的园子。
31 你们中间有权势的人必因他们的恶行而遭毁灭,
好像火花点燃枯木,无人能救。

Footnotes

  1. 1:8 锡安”又称“耶路撒冷”。
  2. 1:13 朔日”即每月初一。