Isaias 1:14-16
Ang Dating Biblia (1905)
14 Ipinagdaramdam ng aking puso ang inyong mga bagong buwan at ang inyong mga takdang kapistahan: mga kabagabagan sa akin; ako'y pata ng pagdadala ng mga yaon.
15 At pagka inyong iginagawad ang inyong mga kamay, aking ikukubli ang aking mga mata sa inyo: oo, pagka kayo'y nagsisidalangin ng marami, hindi ko kayo didinggin: ang inyong mga kamay ay puno ng dugo.
16 Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan:
Read full chapter
Isaias 1:14-16
Ang Biblia (1978)
14 Ipinagdaramdam ng aking puso ang inyong mga bagong buwan at ang inyong mga takdang kapistahan: mga kabagabagan sa akin; ako'y patá ng pagdadala ng mga yaon.
15 At pagka inyong iginagawad ang inyong mga kamay, aking (A)ikukubli ang aking mga mata sa inyo: oo, pagka kayo'y nagsisidalangin ng marami, hindi ko kayo didinggin: ang inyong mga kamay ay puno ng dugo.
16 Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan:
Read full chapter
Isaias 1:14-16
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
14 Nasusuklam ako sa inyong mga Pista ng Bagong Buwan at sa iba pa ninyong mga pista. Sobra-sobra na! Hindi ko na ito matiis!
15 “Kapag mananalangin kayo hindi ko kayo papansinin. Kahit paulit-ulit pa kayong manalangin hindi ko kayo pakikinggan dahil marami kayong pinatay na tao. 16 Linisin ninyo ang inyong sarili. Tigilan na ninyo ang paggawa ng kasamaan sa aking harapan.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®