Add parallel Print Page Options
'Isaias 1:12-14' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

12 Nang kayo'y magsidating na pakita sa harap ko, sinong humingi nito sa inyong kamay, (A)upang inyong yapakan ang aking mga looban?

13 Huwag na kayong magdala ng mga walang kabuluhang alay; kamangyan ay karumaldumal sa akin; (B)ang bagong buwan, at ang sabbath, ang tawag ng mga kapulungan, (C)hindi ako makapagtitiis ng kasamaan at ng takdang pulong.

14 Ipinagdaramdam ng aking puso ang inyong mga bagong buwan at ang inyong mga takdang kapistahan: mga kabagabagan sa akin; ako'y patá ng pagdadala ng mga yaon.

12 “Nang kayo'y dumating upang tingnan ang aking mukha,
    sinong humiling nito mula sa inyong kamay
    na inyong yurakan ang aking mga bulwagan?
13 Huwag na kayong magdala ng mga walang kabuluhang alay;
    ang insenso ay karumaldumal sa akin.
Ang bagong buwan, ang Sabbath, at ang pagtawag ng mga kapulungan—
    hindi ko na matiis ang kasamaan at ang banal na pagpupulong.
14 Ang aking kaluluwa ay namumuhi sa inyong mga bagong buwan at sa inyong mga takdang kapistahan,
ang mga iyan ay pasanin para sa akin.
    Ako'y pagod na sa pagpapasan ng mga iyan.