Add parallel Print Page Options

Ang Tagumpay ni Yahweh Laban sa mga Bansa

63 “Sino(A) itong dumarating na buhat sa Edom,
    buhat sa Bozra na ang maringal na kasuotan ay kulay pula?
Sino ang magiting na lalaking ito
    na kung lumakad ay puno ng kasiglahan?
Ako ang nagbabadya ng tagumpay;
    ang kalakasan ko'y sapat na upang kayo ay iligtas.”

“Bakit pula ang iyong suot?
    Tulad ng damit ng nagpipisa ng ubas upang gawing alak?”
Ang(B) sagot ni Yahweh: “Pinisa ko ang mga bansa na parang ubas,
    wala man lang tumulong sa akin;
tinapakan ko sila sa tindi ng aking galit,
    kaya natigmak sa dugo ang aking damit.
Nagtakda na ako ng araw upang maghiganti,
    sapagkat dumating na ang panahon ng aking pagliligtas.
Ako'y(C) naghanap ng makakatulong
    ngunit walang nakita kahit isa;
ako'y pinalakas ng aking galit,
    at mag-isa kong nakamit ang pagtatagumpay.
Sa tindi ng aking galit ay dinurog ko ang mga bansa,
    aking ibinuhos ang kanilang mga dugo sa lupa.”

Ang Kabutihan ni Yahweh sa Israel

Aking sasaysayin ang pag-ibig ni Yahweh na hindi nagmamaliw;
    pupurihin ko siya sa lahat ng bagay na kanyang ginawa para sa atin.
Tunay na kanyang pinagpala ang bayang Israel,
    dahil sa kahabagan niya at wagas na pag-ibig.
Sinabi ni Yahweh, “Sila ang bayan ko na aking hinirang,
    kaya hindi nila ako pagtataksilan.”
Iniligtas niya sila
    sa kapahamakan at kahirapan.
Hindi isang anghel,
    kung hindi si Yahweh mismo ang nagligtas sa kanila;
iniligtas sila dahil sa pag-ibig niya't habag,
    na sa simula pa ay kanya nang ipinakita.

10 Ngunit sa kabila nito, sila'y naghimagsik
    at pinighati nila ang kanyang banal na Espiritu;
dahil doon naging kaaway nila si Yahweh.
11 Pagkatapos, naalala nila ang panahon ni Moises,
    ang lingkod ni Yahweh.
Ang tanong nila, “Nasaan na si Yahweh, na nagligtas sa mga pinuno ng kanyang bayan nang sila'y tumawid sa Dagat ng mga Tambo?
Nasaan na si Yahweh, na nagbigay ng kanyang banal na Espiritu kay Moises?
12 Sa(D) pangalan ni Yahweh, hinawi ni Moises ang tubig ng dagat,
    kaya ang Israel doon ay naligtas.
At siya ay natanyag sa lahat para sa kanyang sarili.”
13 Natawid nila ang karagatan sa tulong ni Yahweh,
    parang kabayong matatag na hindi nabuwal.
14 Kung paanong ang kawan ay dinadala sa sariwang pastulan,
    ang Espiritu[a] ni Yahweh ang nagbigay ng kapahingahan sa kanyang bayan,
at sila'y ginabayan upang siya ay maparangalan.

Dalangin para sa Tulong ni Yahweh

15 Magmula sa langit tunghayan mo kami, Yahweh,
    at iyong pagmasdan mula sa iyong dakila at banal na trono.
Saan ba naroon ang malasakit mo at kapangyarihan?
    Pag-ibig mo at kahabagan,
    huwag kaming pagkaitan.
16 Kung walang nagawa sa amin si Jacob at Abraham,
ikaw lamang, Yahweh, ang aming pag-asa at Amang aasahan;
    tanging ikaw lamang ang nagliligtas ng aming buhay.
17 Bakit ba, O Yahweh, kami'y tinulutang maligaw ng landas,
    at ang puso nami'y iyong hinayaang maging matigas?
Balikan mo kami at iyong kaawaan,
    mga lingkod mo na tanging iyo lamang.
18 Kami, na iyong banal na bayan ay sandaling itinaboy ng mga kaaway;
    winasak nila ang iyong santuwaryo.
19 Ang turing mo sa amin ay parang hindi mo pinamahalaan;
    ang nakakatulad ay mga nilalang na di nakaranas na iyong pagharian.

Footnotes

  1. Isaias 63:14 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .
'Isaias 63 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang paghihiganti ng Panginoon sa mga bansa.

63 Sino ito na nanggagaling sa Edom, na (A)may mga kasuutang tinina mula sa Bosra? itong maluwalhati sa kaniyang suot, na lumalakad sa di kawasang lakas? Ako na nagsasalita ng katuwiran, makapangyarihang magligtas.

Bakit ka mapula sa (B)iyong kasuutan, at ang iyong damit ay gaya niyaong yumayapak sa alilisan ng alak?

Aking niyapakang magisa ang alilisan ng alak; (C)at sa mga bayan ay walang isang sumasa akin: oo, aking niyapakan siya sa aking galit, at aking niyurakan sila sa aking kapusukan; at ang kanilang dugong buháy ay pumilansik sa aking mga suot, at natigmak ang buong suot ko.

Sapagka't ang kaarawan (D)ng panghihiganti ay nasa aking puso, at ang taon ng (E)aking mga tinubos ay dumating.

At ako'y lumingap, at (F)walang tumulong; at ako'y namangha na walang umalalay: (G)kaya't iniligtas ako ng aking sariling kamay; at ang aking kapusukan, ay umalalay sa akin.

At aking niyapakan ang mga bayan sa aking galit, at nilango ko sila sa aking kapusukan, at ibinubo sa lupa ang kanilang dugong buhay.

Ang kagandahang-loob ng Panginoon noong una ay inalaala.

Aking babanggitin ang mga kagandahang-loob ng Panginoon, at ang mga kapurihan ng Panginoon, ayon sa lahat na ipinagkaloob ng Panginoon sa amin, at ang malaking kabutihan na kaniyang ginawa sa sangbahayan ni Israel na kaniyang ginawa sa kanila ayon sa kaniyang mga kaawaan, at ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.

Sapagka't kaniyang sinabi, Tunay, sila'y aking bayan, mga anak na hindi magsisigawang may kasinungalingan: sa gayo'y siya'y naging Tagapagligtas sa kanila.

(H)Sa lahat nilang kadalamhatian ay nagdadalamhati siya, at iniligtas sila (I)ng anghel na nasa kaniyang harapan: sa kaniyang pagibig at sa kaniyang pagkaawa ay tinubos niya (J)sila; at kaniyang kinilik (K)sila at kinalong silang lahat noong araw.

10 (L)Nguni't sila'y nanganghimagsik, (M)at namanglaw ang kaniyang banal na Espiritu: kaya't siya'y naging kaaway nila, at siya rin ang nakipaglaban sa kanila.

11 (N)Nang magkagayo'y inalaala niya ang mga araw nang una, si Moises at ang kaniyang bayan, na sinasabi, Saan nandoon siya na nagahon (O)sa kanila mula sa dagat, na kasama ng mga pastor ng kaniyang kawan? saan nandoon siya na kumakasi ng kaniyang banal na Espiritu sa kanila?

12 Na inaakbayan ng kaniyang maluwalhating bisig ang kanang kamay ni Moises? (P)na humawi ng tubig sa harap nila, upang gawan ang kaniyang sarili ng walang hanggang pangalan?

13 Na pumatnubay sa kanila sa mga kalaliman, na parang isang kabayo sa ilang, upang sila'y huwag mangatisod?

14 Kung paanong ang kawan na bumababa sa libis, ay pinapagpapahinga ng Espiritu ng Panginoon: gayon mo pinatnubayan ang iyong bayan, upang gawan mo ang iyong sarili ng maluwalhating pangalan.

15 Tumungo ka mula sa langit, at tumingin ka, (Q)mula sa tahanan ng iyong kabanalan at ng iyong kaluwalhatian: saan nandoon ang iyong sikap at ang iyong mga makapangyarihang gawa? (R)ang iyong pagmamagandang-loob at ang iyong mga habag ay iniurong mo sa akin.

16 Sapagka't ikaw (S)ay aming Ama, bagaman hindi kami kinilala ni Abraham, at hindi kami kilala ng Israel: ikaw, Oh Panginoon, ay aming Ama, aming Manunubos na mula sa walang pasimula ay siya mong pangalan.

17 Oh Panginoon; bakit mo (T)kami iniligaw na inihiwalay sa iyong mga daan, at (U)pinapagmatigas mo ang aming puso na inihiwalay sa takot sa iyo? (V)Ikaw ay magbalik dahil sa iyong mga lingkod, na mga lipi ng iyong mana.

18 Inaring sangdali lamang (W)ng iyong banal na bayan: niyapakan ng aming mga kaaway ang iyong santuario.

19 Kami ay naging gaya ng hindi mga pinagpunuan kailan man, gaya ng hindi nangatawag sa iyong pangalan.