Add parallel Print Page Options

Ang Lahat ng Bansa ay Mapapasama sa Bayan ng Diyos

56 Ang sabi ni Yahweh sa kanyang bayan:

“Panatilihin ang katarungan at gawin ang tama,
sapagkat ang pagliligtas ko'y hindi na magtatagal,
    at ang aking tagumpay ay mahahayag na.
Mapalad ang taong nagsasagawa nito,
    siya na tumatalima sa tuntuning ito.
Iginagalang niya ang Araw ng Pamamahinga,
    at lumalayo sa gawang masama.”

Hindi dapat sabihin ng isang dayuhang nakipagkaisa sa bayan ng Diyos,
    na siya'y hindi papayagan ni Yahweh na makisama sa pagsamba ng kanyang bayan.
Hindi dapat isipin ng mga eunuko na hindi sila karapat-dapat na mapabilang sa bayan ng Diyos
    sapagkat hindi sila magkakaanak.
Ang(A) sabi ni Yahweh:
“Sa mga eunukong gumagalang sa Araw ng Pamamahinga,
    na gumagawa ng mga bagay na nakalulugod sa akin
    at tapat na iniingatan ang aking kasunduan.
Ang pangalan mo'y aalalahanin sa aking Templo at sa gitna ng aking bayan
    nang mas matagal kaysa paggunita sa iyo,
    kung ikaw ay nagkaroon ng mga anak.
Hindi ka malilimot kahit kailan.”

Ito naman ang sabi ni Yahweh sa mga dating dayuhan na ngayo'y kabilang sa kanyang bayan,
    buong pusong naglilingkod sa kanya,
iginagalang ang Araw ng Pamamahinga,
    at matapat na nag-iingat sa kanyang tipan:
“Dadalhin(B) ko kayo sa banal na bundok.
    Ipadarama ko sa inyo ang kagalakan sa aking Templo.
Malulugod ako sa inyong mga handog;
at ang aking tahanan ay tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.”
Ipinangako pa ng Panginoong Yahweh,
    sa mga Israelitang ibinalik niya mula sa pagkatapon,
na marami pa siyang isasama sa kanila
    para mapabilang sa kanyang bayan.

Hinatulan ang mga Pinuno ng Israel

Tinawag ni Yahweh ang ibang mga bansa upang salakayin at wasakin ang kanyang bayan,
    tulad ng pagsalakay ng mababangis na hayop mula sa kagubatan.
10 Ang sabi niya, “Bulag ang mga pinuno na dapat magpaalala sa mga tao.
    Wala silang nalalaman.
Para silang mga asong hindi marunong tumahol.
Ang alam lang nila'y magyabang at mangarap.
    Ang ibig ay laging matulog.
11 Para silang asong gutom,
    walang kabusugan;
sila'y mga pastol na walang pang-unawa.
    Ginagawa nila ang anumang magustuhan
    at walang iniisip kundi sariling kapakanan.
12 Ang sabi nila, “Halikayo, at kumuha kayo ng alak,
    uminom tayo hanggang mayroon.
Mag-iinuman muli tayo bukas
    nang mas marami kaysa ngayon!”

'Isaias 56 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang kabanalan ng pagiingat ng sabbath.

56 Ganito ang sabi ng Panginoon, Kayo'y mangagingat ng kahatulan, at magsigawa ng katuwiran; (A)sapagka't ang aking pagliligtas ay malapit nang darating, at ang aking katuwiran ay mahahayag.

Mapalad ang taong gumagawa nito, at ang anak ng tao na nanghahawak dito; (B)na nangingilin ng sabbath upang huwag lapastanganin, at nagiingat ng kaniyang kamay sa paggawa ng anomang kasamaan.

(C)At huwag ding magsalita ang taga ibang lupa, na nalakip sa Panginoon, na magsasabi, Tunay na ihihiwalay ako ng Panginoon sa kaniyang bayan; at huwag ding magsabi ang bating, Narito, ako'y (D)punong kahoy na tuyo.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga bating na nangingilin ng aking mga sabbath, at pumipili ng mga bagay na nakalulugod sa akin, at nagiingat ng aking tipan:

Sila'y bibigyan ko sa (E)aking bahay at sa loob ng aking mga kuta, ng alaala (F)at pangalan na maigi kay sa mga anak na lalake at babae; aking bibigyan sila ng walang hanggang pangalan, na hindi mapaparam.

Gayon din ang mga taga ibang lupa, na nakikilakip sa Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang maging kaniyang mga lingkod, bawa't nangingilin ng sabbath upang huwag lapastangin, at nagiingat ng aking tipan;

Sila ay dadalhin ko (G)sa aking banal na bundok, at papagkakatuwain ko sila sa aking bahay na dalanginan: (H)ang kanilang mga handog na susunugin at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa aking dambana; (I)sapagka't ang aking bahay ay tatawaging bahay na panalanginan para sa (J)lahat ng mga bayan.

Ang Panginoong Dios (K)na pumipisan ng mga itinapon sa Israel ay nagsasabi, (L)Magpipisan pa ako ng mga iba sa kaniya, bukod sa kaniyang sarili na nangapisan.

Ang mga masasamang pinuno ay pinagwikaan.

Kayong lahat na mga hayop sa parang, kayo'y magsiparitong lumamon, oo, kayong lahat na mga hayop sa gubat.

10 Ang kaniyang mga (M)bantay ay mga bulag, silang lahat ay walang kaalaman; (N)silang lahat ay mga piping aso, sila'y hindi makatahol; mapanaginipin, mapaghiga, maibigin sa pagidlip.

11 Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila'y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga (O)pastor na hindi nangakakaunawa: (P)sila'y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa't isa'y sa kaniyang pakinabang.

12 Kayo'y magsiparito, sabi nila, ako'y magdadala ng alak, at magpatid-uhaw tayo sa matapang na inumin; (Q)at bukas ay magiging gaya ng araw na ito, dakilang araw, na walang kapantay.