Add parallel Print Page Options

29 Huwag(A) mo munang ipagdiwang, bayang Filistia,
    ang pagkabali ng pamalong inihampas sa iyo,
sapagkat sa lahi ng ahas maaaring lumitaw ang ulupong,
    at mag-aanak ito ng lumilipad na dragon.
30 Ang mga mahihirap ay bibigyan ko ng pagkain,
    at ang mga nangangailanga'y panatag na mamamahinga;
pababayaan kong mamatay ng gutom ang iyong lahi,
    at lilipulin ko ang matitira.

31 Manangis kayo buong bayan, managhoy ang lahat ng mga lunsod ninyo;
    manginig kayo sa takot, Filistia.
Pumapailanlang ang alikabok mula sa dakong hilaga,
    sapagkat dumarating na ang matatapang na kawal.

Read full chapter

Ang Pahayag ni Yahweh tungkol sa mga Filisteo

47 Ito(A) ang pahayag na tinanggap ni Jeremias kay Yahweh tungkol sa mga Filisteo bago sinalakay ni Faraon ang Gaza:

“Tumataas ang tubig sa hilaga,
    at babaha, ito'y aapaw sa buong lupain;
magpapasaklolo ang mga tao,
    maghihiyawan sa matinding takot.
Maririnig ang ingay ng yabag ng mga kabayo,
    ang paghagibis ng mga karwahe!
Hindi na maaalala ng mga magulang ang kanilang mga anak;
    manghihina ang kanilang mga kamay,
sapagkat dumating na ang araw ng pagkawasak ng mga Filisteo.
Ang pinakahuling magtatanggol sa Tiro at Sidon ay babagsak;
    sapagkat lilipulin ni Yahweh ang mga Filisteo,
    ang nalabi sa baybayin ng Caftor.
Parang kinalbo ang Gaza;
    pinatahimik ang Ashkelon.
    Hanggang kailan magluluksa ang mga Filisteo?
Kailan pa magpapahinga ang tabak ni Yahweh?
Lumigpit ka na sa kaluban, at doon manahimik!
Paano naman itong mapapahinga?
    Hindi pa tapos ang gawaing itinakda sa kanya ni Yahweh
laban sa Ashkelon at sa kapatagang malapit sa dagat;
    doon nakatakda ang gawain nito.”

Read full chapter

Ang Pahayag Laban sa mga Filisteo

15 Ito(A) naman ang ipinapasabi ni Yahweh sa mga Filisteo: “Pinaghigantihan mo ang Israel at ibig mong lipulin dahil sa matagal na ninyong alitan. 16 Dahil dito, paparusahan ko kayo. Lilipulin ko ang mga taga-Creta pati ang naninirahan sa baybay-dagat. 17 Paparusahan ko sila nang mabigat bilang paghihiganti, at madarama nila ang tindi ng aking galit. Sa gayon, malalaman nilang ako si Yahweh.”

Read full chapter

“Ano(A) (B) ang ginagawa ninyo sa akin, kayong mga taga-Tiro, Sidon at Filistia? Sinusuhulan ba ninyo ako bilang kapalit ng isang bagay? Kung gayon, mabilis ko kayong gagantihan! Kinuha ninyo ang aking pilak, ginto at mga kayamanan at dinala ang mga ito sa inyong mga templo.[a] Binihag ninyo at inilayo sa kanilang bayan ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem at ipinagbili sa mga Griego. Pauuwiin ko na sila mula sa mga dakong pinagtapunan ninyo sa kanila. Ipararanas ko naman sa inyo ang ginawa ninyo sa kanila. Ipagbibili ko ang inyong mga anak sa mga taga-Juda upang ipagbili naman nila sa mga Sabeo.” Iyan ang sinabi ni Yahweh.

Read full chapter

Footnotes

  1. Joel 3:5 mga templo: o kaya'y mga palasyo .

Hahatulan ang mga Bansa sa Paligid ng Israel

Walang(A) matitira sa lunsod ng Gaza,
    at walang matitira sa lunsod ng Ashkelon.
Ang mga taga-Asdod ay palalayasin sa katanghaliang-tapat,
    at itataboy ang mga taga-Ekron.
Kahabag-habag kayong naninirahan sa mga baybay-dagat,
    kahabag-habag kayo, mga Queretita!
Ang salita ni Yahweh ay laban sa iyo,
    O taga-Canaan, lupain ng mga Filisteo;
    lilipulin kong lahat ang inyong mga mamamayan.
At ang baybay-dagat ay magiging pastulan,
    tahanan ng mga pastol at silungan ng mga kawan.
Ang baybay-dagat ay titirhan
    ng mga hindi namatay sa lahi ni Juda;
    doon sila magpapastol,
at pagsapit ng gabi, sila'y matutulog sa mga bahay sa Ashkelon.
Sapagkat makakasama nila si Yahweh na kanilang Diyos
    at ibabalik ang kanilang mga kayamanan.

Read full chapter

“Makikita(A) ito ng Ashkelon at siya ay mangingilabot. Manginginig rin sa takot ang Gaza, at mawawalan ng pag-asa ang Ekron. Mawawalan ng hari ang Gaza at wala nang maninirahan pa sa Ashkelon. Paghaharian ng mga dayuhan ang Asdod. Ibabagsak ko ang palalong Filistia. Hindi na sila kakain ng dugo o anumang ipinagbabawal na pagkain. Ang matitira ay mapapabilang sa aking bayan at ituturing na isa sa mga angkan ni Juda. Ang mga taga-Ekron ay mapapabilang din sa aking bayan, tulad ng nangyari sa mga Jebuseo.

Read full chapter