Add parallel Print Page Options

Ang Kasalanan ng Israel

22 Sinabi ni Yahweh,
“Ngunit ikaw, Israel, ang lumimot sa akin;
    at ayaw mo na akong sambahin.
23 Hindi ka na nagdadala ng mga tupang sinusunog bilang handog;
    hindi mo na ako pinaparangalan sa pamamagitan ng iyong mga hain.
Hindi kita pinilit na maghandog sa akin,
    o pinahirapan man sa pagsusunog ng insenso.
24 Hindi mo ako ibinili ng mabangong insenso
    o kaya'y hinandugan man lang ng taba ng hayop.
Sa halip ay gumawa ka ng maraming kasalanan,
    pinahirapan mo ako sa iyong kasamaan.

25 “Gayunman, ako ang Diyos
    na nagpatawad sa iyong mga kasalanan;
hindi ko na aalalahanin pa ang iyong mga kasalanan.
26 Magharap tayo sa hukuman,
    patunayan mong ikaw ay may katuwiran.
27 Nagkasala sa akin ang kauna-unahan mong ninuno,
    gayon din ang iyong mga pinuno.
28 Ang aking santuwaryo ay nilapastangan ng iyong mga pinuno,[a]
    kaya pinabayaan kong mawasak ang Israel,
    at mapahiya ang aking bayan.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Isaias 43:28 Ang…pinuno: Sa ibang manuskrito'y Nilapastangan ko ang mga pinuno ng aking santuwaryo .