Hoseas 11
Ang Biblia, 2001
Nananabik ang Diyos sa Pagbabalik ng Suwail na Bayan
11 Nang(A) bata pa ang Israel, minahal ko siya,
at mula sa Ehipto ay tinawag ko ang aking anak.
2 Habang lalo ko silang tinatawag
ay lalo naman silang lumalayo sa akin
sila'y patuloy na nag-aalay sa mga Baal,
at nagsusunog ng mga kamanyang sa mga diyus-diyosan.
3 Gayunma'y ako ang nagturo sa Efraim na lumakad;
kinalong ko sila sa aking mga bisig;
ngunit hindi nila nalaman na pinagaling ko sila.
4 Akin silang pinatnubayan ng panali ng tao,
ng mga panali ng pag-ibig.
Sa kanila ako'y naging gaya
ng nag-aalis ng pamingkaw sa kanilang mga panga;
at ako'y naglagay ng pagkain sa harap nila.
5 Sila'y hindi babalik sa lupain ng Ehipto;
ngunit ang Asiria ang magiging hari nila,
sapagkat sila'y tumangging manumbalik sa akin.
6 Ang tabak ay magngangalit sa kanilang mga lunsod,
at tutupukin ang mga halang sa kanilang mga pintuan,
at lalamunin sila dahil sa kanilang sariling mga pakana.
7 Ang bayan ko ay mahilig lumayo sa akin.
Bagaman tumatawag sila sa Kataas-taasan,
walang sinumang nagtataas sa kanya.
8 Paano(B) kitang pababayaan, O Efraim?
Paano kita itatakuwil, O Israel?
Paano kita gagawing tulad ng Adma?
Paano kita ituturing na tulad ng Zeboim?
Ang aking puso ay nabagbag sa loob ko,
ang aking habag ay nagningas.
9 Hindi ko igagawad ang aking mabangis na galit,
hindi ako babalik upang wasakin ang Efraim;
sapagkat ako'y Diyos, at hindi tao;
ang Banal sa gitna mo;
at hindi ako darating na may poot.
10 Sila'y lalakad nang ayon sa Panginoon,
siya'y uungal na parang leon; kapag siya'y umungal,
ang kanyang mga anak ay darating na nanginginig mula sa kanluran.
11 Sila'y darating na nanginginig na parang mga ibon mula sa Ehipto,
at parang mga kalapati mula sa lupain ng Asiria;
at ibabalik ko sila sa kanilang mga tahanan, sabi ng Panginoon.
Ang Kasinungalingan at Pang-aapi ng Efraim
12 Pinalibutan ako ng Efraim ng kasinungalingan,
at ng sambahayan ni Israel ng daya;
ngunit ang Juda ay lumalakad pa ring kasama ng Diyos,
at tapat pa rin sa Banal.
Hosea 11
Ang Dating Biblia (1905)
11 Nang bata pa ang Israel, aking minahal siya, at tinawag kong aking anak mula sa Egipto.
2 Lalo silang tinawag ng mga propeta, ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila: sila'y nangaghahain sa mga Baal, at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan.
3 Gayon ma'y aking tinuruan ang Ephraim na lumakad; aking kinalong sila sa aking mga bisig; nguni't hindi nila kinilala na aking pinagaling sila.
4 Akin silang pinatnubayan ng mga tali ng tao, ng mga panali ng pag-ibig; at ako'y naging sa kanila'y parang nagaalis ng paningkaw sa kanilang mga panga; at ako'y naglagay ng pagkain sa harap nila.
5 Sila'y hindi babalik sa lupain ng Egipto; kundi ang taga Asiria ay magiging kanilang hari, sapagka't sila'y nagsisitangging manumbalik sa akin.
6 At ang tabak ay lalagak sa kanilang mga bayan, at susupukin ang kanilang mga halang, at lalamunin sila, dahil sa kanilang sariling mga payo.
7 At ang aking bayan ay mahilig ng pagtalikod sa akin: bagaman kanilang tinatawag siya na nasa itaas, walang lubos na magtataas sa kaniya.
8 Paanong pababayaan kita, Ephraim? paanong itatakuwil kita, Israel? paanong gagawin kitang parang Adma? paanong ilalagay kitang parang Zeboim? ang aking puso ay nabagbag sa loob ko, ang aking mga habag ay nangagalab.
9 Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.
10 Sila'y magsisilakad ng ayon sa Panginoon, na siyang uungal, na parang leon; sapagka't siya'y uungal, at ang mga anak ay magsisidating na nanginginig na mula sa kalunuran.
11 Sila'y darating na nanginginig na parang ibon na mula sa Egipto, at parang kalapati na mula sa lupain ng Asiria; at aking patatahanin sila sa kanilang mga bahay, sabi ng Panginoon.
12 Kinukulong ako ng Ephraim ng kabulaanan sa palibot, at ng sangbahayan ni Israel sa pamamagitan ng daya; nguni't ang Juda'y nagpupuno pang kasama ng Dios, at tapat na kasama ng Banal.
Oseas 11
Ang Biblia (1978)
Nananabik ang Panginoon sa naliligaw niyang bayan.
11 (A)Nang bata pa ang Israel, aking minahal siya, at (B)tinawag kong aking anak mula (C)sa Egipto.
2 Lalo (D)silang tinawag ng mga propeta, ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila: sila'y nangaghahain (E)sa mga Baal, at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan.
3 Gayon ma'y aking tinuruan ang Ephraim (F)na lumakad; (G)aking kinalong sila sa aking mga bisig; nguni't hindi nila kinilala na aking pinagaling sila.
4 Akin silang pinatnubayan (H)ng mga tali ng tao, ng mga panali ng pag-ibig; at ako'y naging sa kanila'y parang nagaalis ng paningkaw sa kanilang mga panga; at ako'y naglagay ng pagkain sa harap nila.
5 Sila'y hindi babalik sa lupain ng Egipto; (I)kundi ang taga Asiria ay magiging kanilang hari, sapagka't sila'y nagsisitangging manumbalik sa akin.
6 At ang tabak ay lalagak sa kanilang mga bayan, at susupukin ang kanilang mga halang, at lalamunin sila, (J)dahil sa kanilang sariling mga payo.
7 At ang aking bayan ay mahilig ng pagtalikod sa akin: bagaman kanilang tinatawag siya na nasa itaas, walang lubos na magtataas sa kaniya.
8 (K)Paanong pababayaan kita, Ephraim? paanong itatakuwil kita, Israel? (L)paanong gagawin kitang parang Adma? paanong ilalagay kitang parang (M)Zeboim? ang aking puso ay nabagbag sa loob ko, ang aking mga habag ay nangagalab.
9 Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: (N)sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.
10 Sila'y magsisilakad ng ayon sa Panginoon, na siyang uungal, na parang leon; sapagka't (O)siya'y uungal, at ang mga anak ay magsisidating na nanginginig na (P)mula sa kalunuran.
11 Sila'y darating na nanginginig na parang ibon na mula sa Egipto, at parang kalapati na mula sa lupain ng Asiria; (Q)at aking patatahanin sila sa kanilang mga bahay, sabi ng Panginoon.
12 Kinukulong ako ng Ephraim ng kabulaanan sa palibot, at ng sangbahayan ni Israel sa pamamagitan ng daya; nguni't ang Juda'y nagpupuno pang kasama ng Dios, at tapat na kasama ng Banal.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
