Add parallel Print Page Options
'Hosea 7 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

“Gusto ko sanang pagalingin ang mga taga-Israel. Pero ang nakikita ko sa kanila[a] ay ang kanilang mga kasamaan. Nandaraya sila, pinapasok ang mga bahay para nakawan, at nanghoholdap sa mga daan. Hindi nila naiisip na hindi ko nakakalimutan ang kanilang mga kasamaan. Hanggang ngayon ay nakatali pa sila sa kanilang mga kasalanan at nakikita kong lahat ito. Napapasaya nila ang kanilang hari at mga pinuno sa kanilang kasamaan at kasinungalingan. Lahat silaʼy mga taksil.[b] Para silang mainit na pugon na ang apoy ay hindi na kailangang paningasin ng panadero mula sa oras ng pagmamasa ng harina hanggang sa itoʼy umalsa. Nang dumating ang kaarawan[c] ng kanilang[d] hari, nilasing nila ang mga opisyal nito. At pati ang hari ay nakipag-inuman na rin sa kanyang mga mapanghusga na mga opisyal. At habang papalapit sila sa hari at sa kanyang mga opisyal para patayin, nagniningas ang kanilang galit na parang mainit na pugon. Bago pa sila sumalakay, magdamag ang kanilang pagtitimpi ng kanilang galit, kaya kinaumagahan para na itong nagniningas na apoy. Galit na galit silang lahat na para ngang nagniningas na pugon. Kaya pinatay nila ang kanilang mga pinuno. Bumagsak lahat ang kanilang mga hari, pero wala ni isa man sa kanila ang humingi ng tulong sa akin.

“Nakikisalamuha ang Israel[e] sa ibang bansa. Silaʼy walang pakinabang tulad ng nilutong manipis na tinapay na nakalimutang baligtarin.[f] Inuubos ng mga taga-ibang bansa ang kanilang kakayahan, pero hindi nila ito namamalayan; katulad sila ng isang tao na pumuputi na ang buhok pero hindi niya ito napapansin. 10 Ang kanilang pagmamataas ay nagpapatunay na dapat silang parusahan. Pero kahit nangyayari ang lahat ng ito sa kanila, hindi pa rin sila nagbalik-loob at lumapit sa akin na kanilang Dios. 11 Para silang kalapati na kaydaling lokohin at walang pang-unawa. Humingi sila ng tulong sa Egipto at Asiria. 12 Pero habang pumaparoon sila, pipigilan[g] ko sila na parang ibon na nahuli sa lambat at hinila pababa. Parurusahan ko sila ayon sa aking sinabi sa kanilang pagtitipon. 13 Nakakaawa sila dahil lumayo sila sa akin. Lilipulin ko sila dahil naghimagsik sila sa akin. Gusto ko sana silang iligtas, pero nagsalita sila ng kasinungalingan tungkol sa akin. 14 Hindi tapat ang kanilang pagtawag sa akin. Umiiyak sila sa kanilang mga higaan at sinasaktan ang sarili[h] habang humihingi ng pagkain at inumin sa mga dios-diosan. 15 Dinisiplina ko sila upang maging matatag, pero nagbalak pa rin sila ng masama laban sa akin. 16 Lumapit sila sa mga bagay na walang kabuluhan.[i] Para silang panang baluktot na walang silbi. Mamamatay sa digmaan ang kanilang mga pinuno dahil wala silang galang kapag nagsasalita. At dahil dito, kukutyain sila ng mga taga-Egipto.

Footnotes

  1. 7:1 kanila: sa Hebreo, Efraim at Samaria. Kumakatawan sila rito sa buong kaharian ng Israel.
  2. 7:4 taksil: o, nangangalunya. Maaari rin na ang ibig sabihin nito ay sumasamba sila sa mga dios-diosan.
  3. 7:5 kaarawan: o, araw ng pagkokorona.
  4. 7:5 kanilang: Ito ang nasa Targum. Sa Hebreo, ating.
  5. 7:8 Israel: sa Hebreo, Efraim. Makikita rin ang salitang Efraim sa Hebreo sa talatang 11. Tingnan ang footnote sa 4:17.
  6. 7:8 nakalimutang baligtarin: Maaaring ang ibig sabihin ay nasunog o hilaw ang kabila.
  7. 7:12 pipigilan: o, lilipulin; o, ipapabihag.
  8. 7:14 sinasaktan ang sarili: Ito ang nasa Septuagint. Sa Hebreo, nagtitipon sila.
  9. 7:16 mga bagay na walang kabuluhan: Ito ang nasa Septuagint at sa Syriac, pero hindi malinaw sa Hebreo. Maaaring ang “mga bagay na walang kabuluhan” ay mga dios-diosan.

When I would have healed Israel, then the iniquity of Ephraim was discovered, and the wickedness of Samaria: for they commit falsehood; and the thief cometh in, and the troop of robbers spoileth without.

And they consider not in their hearts that I remember all their wickedness: now their own doings have beset them about; they are before my face.

They make the king glad with their wickedness, and the princes with their lies.

They are all adulterers, as an oven heated by the baker, who ceaseth from raising after he hath kneaded the dough, until it be leavened.

In the day of our king the princes have made him sick with bottles of wine; he stretched out his hand with scorners.

For they have made ready their heart like an oven, whiles they lie in wait: their baker sleepeth all the night; in the morning it burneth as a flaming fire.

They are all hot as an oven, and have devoured their judges; all their kings are fallen: there is none among them that calleth unto me.

Ephraim, he hath mixed himself among the people; Ephraim is a cake not turned.

Strangers have devoured his strength, and he knoweth it not: yea, gray hairs are here and there upon him, yet he knoweth not.

10 And the pride of Israel testifieth to his face: and they do not return to the Lord their God, nor seek him for all this.

11 Ephraim also is like a silly dove without heart: they call to Egypt, they go to Assyria.

12 When they shall go, I will spread my net upon them; I will bring them down as the fowls of the heaven; I will chastise them, as their congregation hath heard.

13 Woe unto them! for they have fled from me: destruction unto them! because they have transgressed against me: though I have redeemed them, yet they have spoken lies against me.

14 And they have not cried unto me with their heart, when they howled upon their beds: they assemble themselves for corn and wine, and they rebel against me.

15 Though I have bound and strengthened their arms, yet do they imagine mischief against me.

16 They return, but not to the most High: they are like a deceitful bow: their princes shall fall by the sword for the rage of their tongue: this shall be their derision in the land of Egypt.