Hoseas 10:12-14
Ang Biblia, 2001
12 Maghasik(A) kayo para sa inyong sarili ng katuwiran;
mag-ani kayo ng bunga ng kabutihang loob;
bungkalin ninyo ang inyong tiwangwang na lupa,
sapagkat panahon nang hanapin ang Panginoon,
upang siya'y dumating at magpaulan ng katuwiran sa inyo.
13 Kayo'y nag-araro ng kasamaan,
kayo'y nag-ani ng walang katarungan;
kayo'y nagsikain ng bunga ng kasinungalingan.
Sapagkat ikaw ay nagtiwala sa iyong lakad,
at sa dami ng iyong mga mandirigma.
14 Kaya't babangon ang kaguluhan ng digmaan sa iyong mga taong-bayan,
at lahat ng iyong mga muog ay magigiba,
gaya ni Salman na giniba ang Bet-arbel sa araw ng paglalaban:
ang mga ina ay pinagluray-luray na kasama ng kanilang mga anak.
Hosea 10:12-14
Ang Dating Biblia (1905)
12 Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran, magsigapas kayo ayon sa kaawaan; bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran; sapagka't panahon na hanapin ang Panginoon, hanggang sa siya'y dumating, at magdala ng katuwiran sa inyo.
13 Kayo'y nangaghasik ng kasamaan, kayo'y nagsiani ng kasalanan; kayo'y nagsikain ng bunga ng kabulaanan; sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong lakad, sa karamihan ng iyong makapangyarihang lalake.
14 Kaya't babangon ang isang kagulo sa iyong mga bayan, at lahat ng iyong mga katibayan ay magigiba, na gaya ni Salman na gumiba sa Beth-arbel sa kaarawan ng pagbabaka: ang ina ay pinaglurayluray na kasama ng kaniyang mga anak.
Read full chapter
Oseas 10:12-14
Ang Biblia (1978)
12 (A)Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran, magsigapas kayo ayon sa kaawaan; (B)bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran; sapagka't panahon na hanapin ang Panginoon, hanggang sa siya'y dumating, at (C)magdala ng katuwiran sa inyo.
13 Kayo'y nangaghasik ng kasamaan, kayo'y nagsiani ng kasalanan; kayo'y nagsikain ng bunga ng kabulaanan; sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong lakad, sa karamihan ng iyong makapangyarihang lalake.
14 Kaya't babangon ang isang kagulo sa iyong mga bayan, at lahat ng iyong mga katibayan ay magigiba, na gaya ni (D)Salman na gumiba sa Beth-arbel sa kaarawan ng pagbabaka: (E)ang ina ay pinaglurayluray na kasama ng kaniyang mga anak.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
