Hisgalus 8
Orthodox Jewish Bible
8 And when the SEH, (Lamb, SHEMOT 12:3; YESHAYAH 53:7 Moshiach) opened the chotam hashevi’i (seventh seal), there was silence in Shomayim about half an hour.
2 And I saw the shivat hamalachim (seven angels) who stand before Hashem, and there were given to them shivah shofarot.
3 And another malach came and stood at the Mizbe’ach (altar), having a golden mikteret (fire pan), and there was given to him much ketoret (incense, TEHILLIM 141:2) to offer with the tefillos (prayers) of all the Kadoshim at the golden Mizbe’ach before the Kes (Throne). [SHEMOT 30:1-6]
4 And the smoke of the ketoret ascended with the tefillos of the Kadoshim out of the hand of the malach (angel) before Hashem. [TEHILLIM 141:2]
5 And the malach has taken the mikteret and filled it from the eish (fire) of the Mizbe’ach (altar) and he threw it down to ha’aretz, and there were thunders and sounds and lightning and an earthquake. [VAYIKRA 16:12,13]
6 And the shivat hamalachim (seven angels) having the shiva shofarot prepared themselves that they might sound the shofarot.
7 And harishon sounded his shofar; and there came barad (hail) and eish (fire) having been mingled with dahm and it was thrown to ha’aretz, and a third of ha’aretz was burned up, and a third of the etzim (trees) was burned up and all green grass was burned up. [YECHEZKEL 38:22]
8 And the malach hasheyni (second angel) sounded his shofar; and as it were a great mountain with eish (fire) burning was thrown into the yam (sea), and a third of the yam became dahm [YIRMEYAH 51:25]
9 And a third of the living yetzurim hayam (creatures of the sea) died, and a third of the ships were destroyed.
10 And the malach hashlishi (third angel) sounded his shofar; and there fell out of Shomayim a kokhav gadol (great star) blazing as a torch and it fell on a third of the rivers and on the wells of mayim (water). [YESHAYAH 14:12]
11 And the name of the kokhav (star) is said to be "Wormwood," and a third of the mayim became bitter wormwood, and many of the Bnei Adam died from the mayim because the mayim were made bitter. [YIRMEYAH 9:15, 23:15]
12 And the malach harevi’i (fourth angel) sounded his shofar; and a third of the shemesh (sun) was struck and a third of the levanah (moon) and a third of the kokhavim (stars), that a third of them might be darkened, and the yom (day) could not appear, and likewise the lailah (night). [SHEMOT 10:21-23; YECHEZKEL 32:7]
13 And I saw, and I heard one nesher (eagle) flying in midair, saying with a kol gadol (loud voice), Oy, oy, oy to the ones dwelling on ha’aretz (the earth), because of the remaining blasts of the shofar of the shloshet hamalachim (three angels) being about to sound.
Pahayag 8
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Ikapitong Tatak
8 Nang buksan ng Kordero ang ikapitong tatak, nagkaroon ng katahimikan sa langit nang halos kalahating oras. 2 At nakita ko ang pitong anghel na nakatayo sa harap ng Diyos, at binigyan sila ng pitong trumpeta.
3 (A) Isa pang anghel na may dalang gintong lalagyan ng insenso ang dumating at tumayo sa dambana. Binigyan siya ng maraming insenso upang kanyang ialay kasama ang mga panalangin ng lahat ng banal sa gintong dambanang nasa harap ng trono. 4 At ang usok ng mga insenso, kasama ang mga panalangin ng mga banal, ay umakyat sa harapan ng Diyos mula sa kamay ng anghel. 5 (B) Kinuha ng anghel ang lalagyan ng insenso at pinuno ito ng apoy mula sa dambana at itinapon ito sa lupa. Noon di'y kumulog, nagkaingay, kumidlat at lumindol.
Ang Pitong Trumpeta
6 (C) Ang pitong anghel na may pitong trumpeta ay humanda upang hipan ang mga ito.
7 Hinipan (D) ng unang anghel ang kanyang trumpeta, at nagkaroon ng yelo at apoy, na may halong dugo. Itinapon ang mga ito sa lupa. Nasunog ang ikatlong bahagi ng lupa at ng mga puno. Ang lahat ng luntiang damo ay nasunog din.
8 Hinipan ng ikalawang anghel ang kanyang trumpeta, at itinapon sa dagat ang isang tulad ng malaking bundok na nagliliyab sa apoy. 9 Naging dugo ang ikatlong bahagi ng dagat, namatay ang ikatlong bahagi ng may buhay sa ilalim ng dagat, at nawasak ang ikatlong bahagi ng mga barko.
10 Hinipan (E) ng ikatlong anghel ang kanyang trumpeta, at isang malaking bituin ang nahulog mula sa langit, nagliliyab na parang isang sulo. Nahulog ito sa ikatlong bahagi ng mga ilog at sa mga bukal ng tubig. 11 (F) Halamang Mapait ang pangalan ng bituin. Naging mapait ang ikatlong bahagi ng mga tubig. Maraming tao ang namatay dahil sa tubig, sapagkat ito'y naging mapait.
12 Hinipan (G) ng ikaapat na anghel ang kanyang trumpeta, at tinamaan ang ikatlong bahagi ng araw, ng buwan, at ng mga bituin, kaya't nagdilim ang ikatlong bahagi ng kanilang liwanag. Nabawasan din ang ikatlong bahagi ng liwanag at ang maghapon at magdamag.
13 Tumingin ako, at narinig ko ang isang agilang sumisigaw habang lumilipad sa himpapawid, “Kaylagim, kaylagim, kaylagim ng sasapitin ng mga naninirahan sa lupa dahil sa iba pang mga trumpeta na hihipan ng tatlo pang anghel!”
Copyright © 2002, 2003, 2008, 2010, 2011 by Artists for Israel International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
