Add parallel Print Page Options

Pananambahan sa Loob ng Tabernakulo na Nasa Lupa

Ngayon nga ang unang tipan ay may mga tuntunin sa pagsamba at mayroon ding isang banal na dako sa lupa.

Ito ay sapagkat ang mga tao ay nagtayo ng isang tabernakulo. Tinawag nila ang unang silid na banal na dako. Dito nila inilalagay ang lagayan ng ilawan, ang mesa at ang tinapay na inilagay sa harap ng Diyos. At sa likuran ng ikalawang tabing ay isang silid na tinatawag nilang kabanal-banalang dako. Ito ay mayroong isang ginintuang dambana ng kamangyang at kaban ng tipan na ang bawat bahagi ay binalot ng ginto. Naglalaman ito ng sisidlang ginto na may lamang mana, ang tungkod ni Aaron na umusbong at ang tapyas ng bato ng tipan. Ang lugar ng kasiya-siyang handog ay nasa ibabaw ng kaban ng tipan at sa ibabaw noon ay kerubin ng kaluwalhatian. Ngunit hindi natin ngayon mapag-usapan ang mga bagay na ito nang isa-isa.

Kapag ang lahat ng bagay ay maihanda na nang ganito, ang mga saserdote ay laging pumapasok sa unang silid upang gampanan ang kanilang paglilingkod. Ngunit ang pinaka­punong-saserdote lang ang pumapasok sa ikalawang silid minsan lang sa isang taon at lagi siyang may dalang dugo. Inihahandog niya ang dugo para sa kaniyang sarili at para sa mga nagawang kasalanan ng mga tao na hindi nila nalalaman. Ito ang ipinakikita ng Banal na Espiritu: Habang ang unang tabernakulo ay naroroon pa, hindi pa binubuksan ng Diyos ang daang patungo sa kabanal-banalang dako. Ito ay pagsasa­larawan para sa kasalu­kuyang panahon kung saan ang mga kaloob at mga hain na kanilang inihandog ay hindi makaka­paglinis ng budhi ng sumasamba. 10 Ang mga ito ay binubuo ng pagkain at inumin at mga natatanging paraan ng paglubog at mga alituntunin ng tao. Iniutos ito ng Diyos hanggang sa panahon na babaguhin niya ang mga bagay.

Ang Dugo ni Cristo

11 Ngunit si Cristo ay naging pinakapunong-saserdote ng magandang mga bagay na darating. Siya ay pumasok sa higit na mahalaga at lalong ganap na tabernakulo na hindi ginawa ng mga kamay ng mga tao at hindi ito bahagi ng nilikhang ito.

12 Pumasok siya, hindi sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing o guya kundi sa pamamagitan ng sarili niyang dugo. At nang maganap na niya ang walang hanggang katubusan, pumasok siya sa kabanal-banalang dako nang minsan lamang at magpakailanman. 13 Ang dugo ng mga toro at ng kambing at ang abo ng dumalagang baka, na iwiniwisik doon sa mga marurumi, ay nagpapabanal sa ikalilinis ng laman. 14 Gaano pa kaya ang dugo ni Jesus na makakapaglinis ng inyong budhi mula sa mga patay na gawa upang maglingkod sa buhay na Diyos. Inihandog niya ang kaniyang sarili sa Diyos nang walang kapintasan sa pamamagitan ng tulong ng walang hanggang Espiritu.

15 Dahil dito, siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan upang matubos niya sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan ang mga lumabag sa unang tipan. Ngayon, ang mga tinawag ng Diyos ay tatanggap ng walang hanggang mana na ipinangako niya.

16 Sapagkat kung saan naroon ang isang tipan, kinaka­ilangan ang gumawa ng tipan ay mamatay. 17 Sapagkat pagka­matay ng isang tao, ang isang tipan ay magiging mabisa. Habang ang taong gumawa nito ay nabubuhay pa, wala itong bisa. 18 Iyan ang dahilan kung bakit pinagtibay ang unang tipan sa pamamagitan ng dugo. 19 Sapagkat nangusap si Moises sa bawat tuntunin ng kautusan sa lahat ng taong naroroon. Pagkatapos nito ay dinala niya ang dugo ng mga guya at kambing na may kahalong tubig, pulang lana at sanga ng isopo at winisikan niya ang aklat ng kautusan at ang lahat ng taong naroroon. 20 Sinabi niya: Ito ang dugo ng tipan na iniutos ng Diyos para sa inyo. 21 Gayundin naman, winisikan niya ng dugo ang tabernakulo at lahat ng sisidlan na ginamit nila sa paglilingkod. 22 At ayon sa kautusan na halos ang lahat ng bagay ay nalilinis sa pamamagitan ng dugo. Kung walang pagkabuhos ng dugo, walang kapatawaran.

23 Upang malinis nila ang larawan ng mga bagay sa langit, kailangang ihandog nila ang mga ito. Sa kabilang dako naman, ang mga makalangit na bagay ay nangangailangan ng mga haing higit sa mga ito. 24 Sapagkat si Cristo ay hindi pumasok sa kabanal-banalang dako, na ginawa ng mga kamay ng mga tao, na larawan lamang ng tunay na dako. Subalit siya ay pumasok sa langit mismo upang siya ay humarap sa Diyos alang-alang sa atin. 25 Sapagkat hindi na kinakailangang si Cristo ay maghandog ng kaniyang sarili nang madalas katulad ng mga pinakapunong-saserdote na pumapasok sa kabanal-banalang dako sa bawat taon na taglay ang dugo na hindi naman sa kanila. 26 Kung gayon nga, hindi na kinakailangang maghirap siya nang maraming ulit simula pa nang ang sanli­butan ay itinatag. Ngunit upang pawiin niya ang kasalanan sa pamamagitan ng paghahandog ng kaniyang sarili, ngayon siya ay nagpakita minsan lamang sa wakas ng mga kapanahunan. 27 Itinakda na minsan lamang mamatay ang tao at pagkatapos nito ay ang kahatulan. 28 Sa ganoong paraan, upang batahin niya ang mga kasalanan ng marami, inihandog ni Cristo ang kaniyang sarili nang minsan lamang. Siya ay magpapakita sa ikalawang pagkaka­taon doon sa mga masiglang naghihintay sa kaniya hindi upang batahin ang kasalanan kundi para sa kaligtasan.

旧约敬拜的礼仪

旧约有敬拜的礼仪和地上的圣幕。 建成后的圣幕共分两间,外面的一间称为圣所,摆设了灯台、桌子和圣饼。 在第二道幔子后面的那一间叫至圣所, 里面有纯金的香坛和包金的约柜。约柜里珍藏着盛吗哪的金罐、亚伦那根发过芽的手杖和两块刻着十诫的石版, 上面有荣耀的基路伯天使,高展翅膀盖着约柜上面的施恩座。关于这些事,现在不能一一细说。

这些东西都齐备了,祭司们便经常进入圣所,举行敬拜。 可是,只有大祭司有资格每年一次独自进入至圣所,而且每次都要端着血进去,为自己和以色列人的过犯献上。 圣灵借此指明,只要头一个圣幕还在,进入至圣所的路就还没有开启。 这件事是一个象征,告诉现今的世代:所献的礼物和祭物都不能使敬拜的人良心纯全, 10 因为这些不过是关于饮食和各样洁净礼仪的外在规条,等新秩序的时代一到,便不再有效了。

美好新约

11 现在基督已经来到,做了美好新约的大祭司,祂进入了那更伟大、更全备、非人手建造、不属于这个世界的圣幕。 12 祂只进入至圣所一次便完成了永远的救赎,用的不是山羊和牛犊的血,而是自己的血。 13 如果把山羊血、公牛血和母牛犊的灰洒在污秽的人[a]身上,就可以使他们圣洁,身体得到洁净, 14 更何况基督借着永恒的灵把自己毫无瑕疵地献给上帝呢?祂的血岂不更能洗净我们的良心,使我们脱离导致灭亡的行为,以便事奉永活的上帝吗?

15 因此,祂是新约的中保,借着死亡救赎了触犯旧约的人,好叫那些蒙召的人得到所应许的永恒基业。

16 凡是遗嘱[b],必须等到立遗嘱的人死了以后才能生效。 17 如果立遗嘱的人依然健在,遗嘱就不能生效。 18 正因如此,连立旧约也需要用血才能生效。 19 摩西依照律法向犹太人颁布所有诫命之后,便用红色的羊毛和牛膝草蘸了牛犊和山羊的血以及水,洒在律法书和百姓身上, 20 说:“这是上帝用来与你们立约的血。” 21 他又照样把血洒在圣幕和所有用来献祭的器具上。 22 根据律法,几乎所有的器具都要用血来洁净,因为若不流血,罪就得不到赦免。

23 既然仿照天上的样式所造的器具需要用祭牲的血来洁净,天上的原物当然要用更美的祭物来洁净。 24 因为基督并非进入了人手所造的圣所,那只是真圣所的缩影,祂是进入了天堂,替我们来到上帝面前。 25 祂在天上不必一次又一次地把自己献上,好像那些大祭司年年都带着牛羊的血进入至圣所。 26 否则,自创世以来,祂不知道要受难多少次了。但如今在这世代的末期,祂只一次献上自己,便除去了人的罪。 27 按着定命,人人都有一死,死后还有审判。 28 同样,基督为了承担世人的罪,也曾一次献上自己。祂还要再来,不是来除罪,而是来拯救那些热切等候祂的人。

Footnotes

  1. 9:13 污秽的人”指在犹太人的宗教礼仪上被视为不洁净的人。
  2. 9:16 遗嘱”希腊文和“约”是同一个字。

Ang Panlupa at ang Panlangit na mga Santuwaryo

Ngayon, maging ang unang tipan ay mayroong mga alituntunin sa pagsamba at banal na dako para sa pagsamba dito sa lupa. Itinayo (A) ang tabernakulo na may dalawang bahagi. Sa unang bahagi ay naroroon ang ilawan, ang hapag, at ang mga tinapay na handog; tinatawag ito na Dakong Banal. Sa (B) kabila ng ikalawang tabing ay ang silid na tinatawag na Dakong Kabanal-banalan. Nasa (C) silid na ito ang gintong dambana ng insenso at ang Kaban ng Tipan na nababalutan ng ginto. Nasa loob ng Kaban ang sisidlang-ginto na may lamang manna, ang namulaklak na tungkod ni Aaron, at ang mga tapyas ng bato na kinasusulatan ng tipan. Naroon sa (D) ibabaw ng kaban ang mga maluwalhating kerubin. Ang mga pakpak nila ay lumililim sa luklukan ng habag. Hindi na natin mapag-uusapan ang mga ito ng isa-isa. Pagkatapos (E) maihanda ang lahat tulad nito, ang mga pari ay patuloy na pumapasok sa unang silid upang gampanan ang kanilang banal na tungkulin. Ngunit (F) ang Kataas-taasang Pari lamang ang pumapasok sa ikalawang silid, at ito'y minsan lamang sa isang taon. Hindi niya kinaliligtaang magdala ng dugo bilang handog para sa kanyang kasalanan at sa mga kasalanang di-sinasadyang nagawa ng taong-bayan. Sa pamamagitan nito, itinuturo ng Banal na Espiritu na ang daan patungo sa Dakong Kabanal-banalan ay hindi pa naihahayag, habang nakatayo pa ang unang tabernakulo. Sumasagisag ito sa kasalukuyang panahon, na nagpapakita na ang mga kaloob at ang mga alay na ihinahandog ay hindi makapaglilinis sa budhi ng sumasamba. 10 Ang mga ito ay tungkol lamang sa mga pagkain at mga inumin at iba't ibang uri ng seremonya ng paglilinis,[a] mga alituntunin tungkol sa katawan na ipinatutupad hanggang dumating ang panahon ng pagbabago ng lahat ng bagay.

11 Ngunit nang dumating si Cristo bilang Kataas-taasang Pari ng mabubuting bagay na dumating na, pumasok siya sa mas dakila at mas sakdal na tabernakulo na hindi gawa ng mga kamay ng tao, samakatuwid ay hindi bahagi ng sangnilikhang ito. 12 Minsan lamang siya pumasok sa Dakong Kabanal-banalan, at ang bisa nito'y magpakailanman. Sa kanyang pagpasok, hindi dugo ng mga kambing at ng mga toro ang kanyang ihinandog, kundi ang kanyang sariling dugo, at dahil dito ay nakamit natin ang walang hangang katubusan. 13 Sapagkat (G) kung nakapaglilinis ng pagkatao ang dugo ng mga kambing at ng mga toro, kasama ang abo ng dumalagang baka, kung ang mga ito ay iwiniwisik sa mga taong itinuturing na marumi upang sila’y gawing malinis, 14 higit ang nagagawa ng dugo ni Cristo! Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay walang dungis na ihinandog niya ang kanyang sarili sa Diyos, upang linisin ang ating mga budhi mula sa mga gawang patay upang tayo'y maglingkod sa Diyos na buháy.

15 At dahil dito, si Cristo ang tagapamagitan ng isang bagong tipan. Dahil sa kanyang kamatayan na tumutubos sa mga tao mula sa mga paglabag na nagawa nila noong sila'y nasa ilalim pa ng unang tipan, ang mga tinawag ay tatanggap ng ipinangakong pamanang walang hanggan. 16 Kapag mayroong kasulatan ng tipan, kailangang patunayan na patay na ang gumawa nito. 17 Nagkakabisa lamang ang tipan kapag ang gumawa nito ay namatay na.Wala itong bisa habang buháy pa ang tao na gumawa nito. 18 Maging ang unang tipan ay hindi pinagtibay nang walang dugo. 19 Sapagkat (H) pagkatapos sabihin ni Moises sa buong bayan ang lahat ng sinasabi ng Kautusan na dapat nilang gawin, kumuha siya ng dugo ng baka at ng mga kambing, na may tubig at gamit ang mapulang balahibo at isopo ay winisikan niya ang aklat at ang buong bayan. 20 Kasabay nito ay kanyang sinabi, “Ito ang dugo ng tipan na ipinag-utos ng Diyos sa inyo.” 21 Sa gayon ding paraan, winisikan (I) din ni Moises ng dugo ang tabernakulo at ang lahat ng mga kasangkapang ginagamit sa pagsamba. 22 Sa (J) katunayan, itinatakda ng Kautusan na halos lahat ng bagay ay dapat linisin sa pamamagitan ng dugo, at kung walang pagdanak ng dugo ay walang kapatawaran ng mga kasalanan.

Ang Alay na Nag-aalis ng Kasalanan

23 Kaya't kailangan na ang mga larawan ng mga bagay na panlangit ay linisin sa pamamagitan ng ganitong mga alay. Ngunit ang mga bagay sa kalangitan ay dapat linisin sa pamamagitan ng mga handog na mas mabuti kaysa mga ito. 24 Sapagkat si Cristo ay mismong sa langit pumasok at hindi sa santuwaryong gawa ng mga kamay ng tao, na larawan lamang ng mga tunay na bagay. Ngayo'y nasa harap siya ng Diyos upang dumulog para sa atin. 25 Naroon siya hindi upang ihandog ng maraming ulit ang kanyang sarili, hindi tulad ng Kataas-taasang Pari ng mga Judio na pumapasok sa Dakong Kabanal-banalan taun-taon at may dalang dugo na hindi naman sa kanya. 26 Sapagkat kung ihahandog niya ang kanyang sarili taun-taon, kailangan siyang paulit-ulit na maghirap mula pa nang lalangin ang sanlibutan. Subalit ngayon, minsanan siyang nagpakita sa pagtatapos ng panahon upang pawiin ang kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanyang sarili. 27 Itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom. 28 Gayundin (K) naman, minsanang ihinandog si Cristo upang pasanin ang kasalanan ng marami. Magpapakita siya sa ikalawang pagkakataon, hindi na upang pasanin ang kasalanan, kundi upang iligtas ang mga sabik na naghihintay sa kanya.

Footnotes

  1. Mga Hebreo 9:10 paglilinis: Sa Griyego, bautismo.