Add parallel Print Page Options

26 Kung gayon nga, hindi na kinakailangang maghirap siya nang maraming ulit simula pa nang ang sanli­butan ay itinatag. Ngunit upang pawiin niya ang kasalanan sa pamamagitan ng paghahandog ng kaniyang sarili, ngayon siya ay nagpakita minsan lamang sa wakas ng mga kapanahunan. 27 Itinakda na minsan lamang mamatay ang tao at pagkatapos nito ay ang kahatulan. 28 Sa ganoong paraan, upang batahin niya ang mga kasalanan ng marami, inihandog ni Cristo ang kaniyang sarili nang minsan lamang. Siya ay magpapakita sa ikalawang pagkaka­taon doon sa mga masiglang naghihintay sa kaniya hindi upang batahin ang kasalanan kundi para sa kaligtasan.

Read full chapter