Hebreo 8:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Si Cristo ang Ating Punong Pari
8 Ito ang ibig kong sabihin: Mayroon na tayo ngayong punong pari na nakaupo sa kanan ng trono ng Kataas-taasang Dios sa langit. 2 Naglilingkod siya bilang punong pari sa Pinakabanal na Lugar na hindi tao ang gumawa kundi ang Panginoon mismo. 3 Ang bawat punong pari ay itinalagang mag-alay ng mga handog at kaloob, kaya kailangan na may ihandog din ang punong pari natin.
Read full chapter
Mga Hebreo 8:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Tagapamagitan ng mas Mabuting Tipan
8 Ito (A) ang buod ng aming sinasabi: Tayo ay mayroong gayong Kataas-taasang Pari na nakaupo sa kanan ng trono ng Kamahalan sa kalangitan. 2 Bilang pari, siya'y tagapaglingkod sa Dakong Banal, sa tunay na tabernakulong itinayo ng Panginoon at hindi ng tao. 3 Dahil itinalaga ang bawat Kataas-taasang Pari upang maghandog ng mga kaloob at ng mga alay, kailangan din na ang ating Kataas-taasang Pari ay magkaroon ng ihahandog.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.