Add parallel Print Page Options

11 Ninanais namin na ang bawat isa sa inyo ay magpakita ng gayunding pagsusumikap patungo sa lubos na katiyakan ng pag-asa hanggang sa wakas. 12 Hindi namin nais na kayo ay maging tamad kundi inyong tularan sila na sa pamamagitan ng pananam­palataya at pagtitiyaga ay magmamana ng ipinangako ng Diyos.

Ang Pangako ng Diyos ay Tiyak

13 Sapagkat nang mangako ang Diyos kay Abraham, sumumpa siya sa kaniyang sarili yamang wala nang sinumang makakahigit pa na kaniyang mapanumpaan.

Read full chapter