Add parallel Print Page Options

Isang Pamamahingang Sabat para sa Bayan ng Diyos

Kaya nga, dapat tayong matakot, yamang may nanana­tiling pangako na tayo ay makapasok sa kaniyang kapahingahan. Baka mayroon ilan sa inyo na maaring hindi makapasok.

Sapagkat may ipinangangaral na ebanghelyo sa atin at gayundin sa kanila. Subalit hindi naging kapakina­bangan sa kanila ang salita na ipinangaral. Sapagkat sila na nakinig ay hindi ito sinamahan ng pananampalataya. Sapagkat tayo na mga sumasampalataya ay pumasok sa kapahingahang iyon. Katulad ng sinabi niya:

Kaya nga, sa aking pagkapoot ay sumumpa ako: Kailanman ay hindi sila papasok sa aking kapahingahan.

Gayunman, ang mga gawa ay natapos mula sa pagkakatatag ng sanlibutan.

Read full chapter

Dahil nananatili pang may bisa ang pangakong makapasok sa kanyang kapahingahan, mag-ingat tayo at baka mayroon sa inyo na hindi makapasok doon. Sapagkat tulad ng naranasan natin ay dumating din sa kanila ang Magandang Balita; ngunit ang salitang narinig nila'y hindi nila pinakinabangan, sapagkat hindi nila sinamahan ng pananampalataya ang kanilang pakikinig. Tayong sumampalataya ay pumapasok sa kapahingahang iyon, gaya ng sinabi ng Diyos,

“Sa aking galit ay isinumpa ko,
hindi sila papasok sa kapahingahang ibibigay ko.”

Sinabi ito ng Diyos kahit na natapos na ang mga gawa niya mula nang itatag ang sanlibutan.

Read full chapter