Add parallel Print Page Options

18 Ipanalangin ninyo kami. Natitiyak naming malinis ang aming budhi. At ibig naming mamuhay nang maayos sa lahat ng bagay. 19 Masikap kong ipinamamanhik sa inyo na ipana­langin ninyo ako upang makasama ko kayo sa lalong madaling panahon.

20 Ngayon, ang Diyos ng kapayapaan ang magpapatibay sa inyong bawat gawang mabuti. Siya yaong sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan ang nagbangon muli sa ating Panginoong Jesus mula sa mga patay na siyang Dakilang Pastol ng mga tupa.

Read full chapter