Font Size
Hebreo 11:32-34
Ang Salita ng Diyos
Hebreo 11:32-34
Ang Salita ng Diyos
32 Ano pa ang aking masasabi? Sapagkat kukulangin ako ng panahon upang sabihin pa sa inyo ang patungkol kay Gideon, Barak, Samson, Jefta, o ang patungkol kay David at Samuel at mga propeta. 33 Sa pamamagitan ng pananampalataya ay nalupig nila ang mga kaharian, gumawa ng katuwiran, tumanggap sila ng mga pangako at nagpatigil ng mga bibig ng leon. 34 Pinatay nila ang kapangyarihan ng apoy at nakatakas sila sa talim ng tabak. Bagaman sila ay mahihina, tumanggap sila ng kalakasan. Naging malakas sila sa digmaan at dinaig nila ang mga dayuhang hukbo.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International