Habakuk 3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Panalangin ni Habakuk
3 Ito ang panalangin ni Propeta Habakuk:[a] 2 “Panginoon, narinig ko po ang tungkol sa inyong mga ginawa, at ako ay lubos na humanga sa inyo. Gawin nʼyong muli sa aming panahon ang ginawa nʼyo noon. At sa araw na ipadama nʼyo ang inyong galit, maawa kayo sa amin.
3 “Ikaw ang Banal na Dios na darating[b] mula sa Teman at sa Bundok ng Paran.[c] At ang inyong kadakilaan ay makikita sa kalangitan, at dahil dito pupurihin kayo ng mga tao sa mundo. 4 Darating kayong kasingliwanag ng araw; may sinag na lumalabas sa inyong mga kamay kung saan nakatago ang inyong kapangyarihan. 5 Darating kayong may dalang mga salot. 6 Kapag tumayo kayo ay nayayanig ang mundo, at kapag tumingin kayo ay nanginginig sa takot ang mga bansa at gumuguho ang sinaunang kabundukan at kaburulan. Ang inyong mga pamamaraan ay mananatili magpakailanman. 7 Nakita kong nagiba ang mga tolda sa Cushan at sa Midian.
8-9 “Panginoon, tulad kayo ng sundalong nakasakay sa karwahe na nagbibigay tagumpay sa labanan. Nakahanda na kayong pumana. Pero sino ang inyong kinapopootan? Ang mga ilog ba at ang mga dagat? Ang mga ilog ba at ang mga dagat? Pinabitak nʼyo ang lupa at lumabas ang tubig. 10 Ang mga bundok ay parang mga tao na nanginig nang makita nila kayo. Umulan nang malakas; umugong ang tubig sa dagat at lumaki ang mga alon. 11 Tumigil ang araw at ang buwan sa kanilang kinaroroonan sa kislap ng nagliliparan nʼyong pana at kumikinang nʼyong sibat.[d]
12 “Sa inyong matinding galit ay tinapakan nʼyo ang mundo at niyurakan ang mga bansa, 13 upang iligtas ang mga taong pinili ninyo. Pinatay nʼyo ang pinuno ng masamang kaharian, at lubusang nilipol ang lahat ng kanyang tagasunod. 14 Tinuhog nʼyo ng sarili niyang sibat ang ulo ng pinuno ng kanyang mga kawal. Ginawa nʼyo ito nang kami ay kanilang salakayin na parang buhawi upang kami ay pangalatin. Sapagkat kagalakan nila na lipulin kaming mga kawawang nagtatago dahil sa takot. 15 Para kayong sundalo na nakasakay sa kabayong nagtatatakbo sa karagatan hanggang sa lumaki ang mga alon.”
16 Sinabi ni Habakuk, “Nang marinig ko ang lahat ng ito, nanginig ang aking buong katawan at nangatal ang aking mga labi dahil sa takot. Nanghina ako at nangatog ang aking mga tuhod. At dahil sa ipinahayag na ito ng Panginoon, matiyaga kong hihintayin ang takdang panahon ng pagpaparusa niya sa mga sumalakay sa amin. 17 Kahit hindi mamunga ang mga puno ng igos, ubas, o ang kahoy ng olibo, at kahit walang anihin sa mga bukirin, at kahit mamatay ang mga alagang hayop sa kanilang mga kulungan, 18 magagalak pa rin ako dahil ang Panginoong Dios ang nagliligtas sa akin. 19 Siya ang nagbibigay sa akin ng kalakasan. Pinalalakas niya ang aking mga paa na tulad ng mga paa ng usa, upang makaakyat ako sa matataas na lugar.”[e]
Footnotes
- 3:1 Sa Hebreo ay may karugtong pang “ayon sa ‘Shigionot’,” na hindi naman malinaw ang ibig sabihin. Maaaring ang ibig sabihin nito ay kung paano aawitin ang nasabing panalangin o kaya, anong instrumento ang gagamitin kapag inawit ito.
- 3:3 darating: o, dumating.
- 3:3 Teman at sa Bundok ng Paran: Itoʼy mga lugar sa gawing timog ng Juda na bahagi ng mga lugar na dinaanan ng mga Israelita noong lumabas sila sa Egipto, kung saan kanilang naranasan ang presensya ng Panginoon.
- 3:11 Ang ibig sabihin, natakpan ng ulap ang araw at ang buwan kaya hindi nadaig ng kanilang liwanag ang liwanag ng kidlat.
- 3:19 sa Hebreo ay may karugtong pang “Sa direktor ng mga mang-aawit: Gamitin ang mga instrumentong may kwerdas.” Tingnan ang footnote sa 3:1.
Habakkuk 3
New International Version
Habakkuk’s Prayer
3 A prayer of Habakkuk the prophet. On shigionoth.[a](A)
2 Lord, I have heard(B) of your fame;
I stand in awe(C) of your deeds, Lord.(D)
Repeat(E) them in our day,
in our time make them known;
in wrath remember mercy.(F)
3 God came from Teman,(G)
the Holy One(H) from Mount Paran.[b](I)
His glory covered the heavens(J)
and his praise filled the earth.(K)
4 His splendor was like the sunrise;(L)
rays flashed from his hand,
where his power(M) was hidden.
5 Plague(N) went before him;
pestilence followed his steps.
6 He stood, and shook the earth;
he looked, and made the nations tremble.
The ancient mountains crumbled(O)
and the age-old hills(P) collapsed(Q)—
but he marches on forever.(R)
7 I saw the tents of Cushan in distress,
the dwellings of Midian(S) in anguish.(T)
8 Were you angry with the rivers,(U) Lord?
Was your wrath against the streams?
Did you rage against the sea(V)
when you rode your horses
and your chariots to victory?(W)
9 You uncovered your bow,
you called for many arrows.(X)
You split the earth with rivers;
10 the mountains saw you and writhed.(Y)
Torrents of water swept by;
the deep roared(Z)
and lifted its waves(AA) on high.
11 Sun and moon stood still(AB) in the heavens
at the glint of your flying arrows,(AC)
at the lightning(AD) of your flashing spear.
12 In wrath you strode through the earth
and in anger you threshed(AE) the nations.
13 You came out(AF) to deliver(AG) your people,
to save your anointed(AH) one.
You crushed(AI) the leader of the land of wickedness,
you stripped him from head to foot.
14 With his own spear you pierced his head
when his warriors stormed out to scatter us,(AJ)
gloating as though about to devour
the wretched(AK) who were in hiding.
15 You trampled the sea(AL) with your horses,
churning the great waters.(AM)
16 I heard and my heart pounded,
my lips quivered at the sound;
decay crept into my bones,
and my legs trembled.(AN)
Yet I will wait patiently(AO) for the day of calamity
to come on the nation invading us.
17 Though the fig tree does not bud
and there are no grapes on the vines,
though the olive crop fails
and the fields produce no food,(AP)
though there are no sheep in the pen
and no cattle in the stalls,(AQ)
18 yet I will rejoice in the Lord,(AR)
I will be joyful in God my Savior.(AS)
19 The Sovereign Lord is my strength;(AT)
he makes my feet like the feet of a deer,
he enables me to tread on the heights.(AU)
For the director of music. On my stringed instruments.
Footnotes
- Habakkuk 3:1 Probably a literary or musical term
- Habakkuk 3:3 The Hebrew has Selah (a word of uncertain meaning) here and at the middle of verse 9 and at the end of verse 13.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

