Genesis 7
Ang Dating Biblia (1905)
7 At sinabi ng Panginoon kay Noe, Lumulan ka at ang iyong buong sangbahayan sa sasakyan; sapagka't ikaw ay aking nakitang matuwid sa harap ko sa panahong ito.
2 Sa bawa't malinis na hayop ay kukuha ka ng tigpipito, ng lalake at ng kaniyang babae; at sa mga hayop na hindi malinis ay dalawa, ng lalake at ng kaniyang babae;
3 Gayon din naman sa mga ibon sa himpapawid tigpipito, ng lalake at ng babae; upang ingatang binhing buhay sa ibabaw ng buong lupa.
4 Sapagka't pitong araw pa, at pauulanan ko na ang ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi, at aking lilipulin ang lahat ng may buhay na aking nilikha sa balat ng lupa.
5 At ginawa ni Noe ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Panginoon.
6 At may anim na raang taon si Noe nang ang baha ng tubig ay dumagsa sa ibabaw ng lupa.
7 At lumulan sa sasakyan si Noe at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang asawa, at ang mga asawa ng kaniyang mga anak, dahil sa tubig ng baha.
8 Sa mga hayop na malinis, at sa mga hayop na hindi malinis, at sa mga ibon at sa bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa,
9 Ay dalawa't dalawang dumating kay Noe sa sasakyan, na lalake at babae ayon sa iniutos ng Dios kay Noe.
10 At nangyari na pagkaraan ng pitong araw, na ang tubig ng baha ay umapaw sa ibabaw ng lupa.
11 Sa ikaanim na raang taon ng buhay ni Noe, nang ikalawang buwan, sa ikalabing pitong araw ng buwan, nang araw ding yaon, ay nangasira ang lahat ng bukal ng lubhang kalaliman, at ang mga durungawan ng langit ay nabuksan.
12 At umulan sa ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi.
13 Nang araw ding yaon, ay lumulan sa sasakyan si Noe, at si Sem, at si Cham, at si Japhet, na mga anak ni Noe, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kaniyang mga anak na kasama nila;
14 Sila, at ang bawa't hayop gubat ayon sa kanikanilang uri, at lahat ng hayop na maamo ayon sa kanikanilang uri, at bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikanilang uri, at bawa't ibon ayon sa kanikanilang uri, lahat ng sarisaring ibon.
15 At nagsidating kay Noe sa sasakyan na dalawa't dalawa, ang lahat ng hayop na may hinga ng buhay.
16 At ang mga nagsilulan, ay lumulang lalake at babae, ng lahat na laman, gaya ng iniutos sa kaniya ng Dios: at kinulong siya ng Panginoon.
17 At tumagal ang baha ng apat na pung araw sa ibabaw ng lupa; at lumaki ang tubig at lumutang ang sasakyan, at nataas sa ibabaw ng lupa.
18 At dumagsa ang tubig at lumaking mainam sa ibabaw ng lupa; at lumutang ang sasakyan sa ibabaw ng tubig.
19 At dumagsang lubha ang tubig sa ibabaw ng lupa: at inapawan ang lahat na mataas na bundok na nasa silong ng buong langit.
20 Labing limang siko ang lalim na idinagsa ng tubig; at inapawan ang mga bundok.
21 At namatay ang lahat ng lamang gumagalaw sa ibabaw ng lupa, ang mga ibon at gayon din ang hayop, at ang hayop gubat, at ang bawa't nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa, at ang bawa't tao.
22 Ang bawa't may hinga ng diwa ng buhay sa kanilang ilong, lahat na nasa lupang tuyo ay namatay.
23 At nilipol ang bawa't may buhay na nasa ibabaw ng lupa, ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; at sila'y nalipol sa lupa: at ang natira lamang, ay si Noe at ang mga kasama niya sa sasakyan.
24 At tumagal ang tubig sa ibabaw ng lupa, ng isang daan at limang pung araw.
Genesis 7
Ang Biblia (1978)
7 At sinabi ng Panginoon kay Noe, (A)Lumulan ka at ang iyong buong sangbahayan sa sasakyan; (B)sapagka't ikaw ay aking nakitang matuwid sa harap ko sa panahong ito.
2 Sa bawa't malinis na (C)hayop ay kukuha ka ng tigpipito, ng lalake at ng kaniyang babae; at sa mga hayop na hindi malinis ay dalawa, ng lalake at ng kaniyang babae;
3 Gayon din naman sa mga ibon sa himpapawid tigpipito, ng lalake at ng babae; upang ingatang binhing buhay sa ibabaw ng buong lupa.
4 Sapagka't pitong araw pa, at pauulanan ko na ang ibabaw ng lupa ng (D)apat na pung araw at apat na pung gabi, at aking lilipulin ang lahat ng may buhay na aking nilikha sa balat ng lupa.
5 (E)At ginawa ni Noe ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Panginoon.
Pagsakay sa Daong.
6 At may anim na raang taon si Noe nang ang baha ng tubig ay dumagsa sa ibabaw ng lupa.
7 At lumulan sa sasakyan si Noe at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang asawa, at ang mga asawa ng kaniyang mga anak, dahil sa tubig ng baha.
8 Sa mga hayop na malinis, at sa mga hayop na hindi malinis, at sa mga ibon at sa bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa,
9 Ay dalawa't dalawang dumating kay Noe sa sasakyan, na lalake at babae ayon sa iniutos ng Dios kay Noe.
Pagbuhos ng Baha.
10 At nangyari na pagkaraan ng pitong araw, na ang tubig ng baha ay umapaw sa ibabaw ng lupa.
11 Sa ikaanim na raang taon ng buhay ni Noe, nang ikalawang buwan, sa ikalabing pitong araw ng buwan, nang araw ding yaon, ay nangasira ang (F)lahat ng bukal ng lubhang kalaliman, at ang mga (G)durungawan ng langit ay nabuksan.
12 At umulan sa ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi.
13 Nang araw ding yaon, ay lumulan sa sasakyan si Noe, at si Sem, at si Cham, at si Japhet, na mga anak ni Noe, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kaniyang mga anak na kasama nila;
14 Sila, at ang bawa't hayop gubat ayon sa kanikanilang uri, at lahat ng hayop na maamo ayon sa kanikanilang uri, at bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikanilang uri, at bawa't ibon ayon sa kanikanilang uri, lahat ng sarisaring ibon.
15 (H)At nagsidating kay Noe sa sasakyan na dalawa't dalawa, ang lahat ng hayop na may hinga ng buhay.
16 At ang mga nagsilulan, ay lumulang lalake at babae, ng lahat na laman, (I)gaya ng iniutos sa kaniya ng Dios: at kinulong siya ng Panginoon.
17 (J)At tumagal ang baha ng apat na pung araw sa ibabaw ng lupa; at lumaki ang tubig at lumutang ang sasakyan, at nataas sa ibabaw ng lupa.
18 At dumagsa ang tubig at lumaking mainam sa ibabaw ng lupa; at lumutang ang sasakyan sa ibabaw ng tubig.
19 At dumagsang lubha ang tubig sa ibabaw ng lupa: at inapawan ang lahat na mataas na bundok na nasa silong ng buong langit.
20 Labing limang siko ang lalim na idinagsa ng tubig; at inapawan ang mga bundok.
21 (K)At namatay ang lahat ng lamang gumagalaw sa ibabaw ng lupa, ang mga ibon at gayon din ang hayop, at ang hayop gubat, at ang bawa't nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa, at ang bawa't tao.
22 Ang bawa't may (L)hinga ng diwa ng buhay sa kanilang ilong, lahat na nasa lupang tuyo ay namatay.
23 At nilipol ang bawa't may buhay na nasa ibabaw ng lupa, ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; at sila'y nalipol sa lupa: (M)at ang natira lamang, ay si Noe at ang mga kasama niya sa sasakyan.
24 At tumagal ang tubig sa ibabaw ng lupa, ng isang daan at limang pung araw.
創世記 7
Revised Chinese Union Version (Traditional Script) Shen Edition
洪水
7 耶和華對挪亞說:「你和你的全家都要進入方舟,因為在這世代中,我看你在我面前是個義人。 2 凡潔淨的牲畜,你要各取七公七母;不潔淨的牲畜,你要各取一公一母; 3 天空的飛鳥也要各取七公七母,為了要留種,活在全地面上。 4 因為再過七天,我要降雨在地上四十晝夜,把我所造的一切生物從地面上除滅。」 5 挪亞就遵照耶和華吩咐他的去做。
6 當洪水[a]在地上氾濫的時候,挪亞已六百歲。 7 挪亞同他的兒子、妻子和媳婦都進入方舟,躲避洪水。 8 潔淨的牲畜和不潔淨的牲畜,飛鳥及所有爬行在土地上的, 9 都一對一對,有公有母,到挪亞那裏,進入方舟,正如 神所吩咐挪亞的。 10 過了七天,洪水氾濫在地上。
11 挪亞六百歲那一年的二月十七日,就在那一天,大深淵的泉源都裂開,天上的窗戶也敞開了, 12 四十晝夜有大雨降在地上。 13 正在那日,挪亞和他的兒子閃、含、雅弗,以及挪亞的妻子和三個媳婦,都一同進入方舟。 14 他們和一切走獸,各從其類;一切牲畜,各從其類;地上爬的一切爬行動物,各從其類;一切的鳥,就是一切有翅膀的飛禽,各從其類; 15 凡有生命氣息的血肉之軀,都一對一對到挪亞那裏,進入方舟。 16 凡有血肉的,都一公一母進入方舟,正如 神所吩咐挪亞的。耶和華就把他關在方舟裏。
17 洪水在地上氾濫四十天,水往上漲,使方舟浮起,方舟就從地上漂起來。 18 水勢洶湧,在地上大大上漲,方舟在水面上漂蕩。 19 水勢在地上極其浩大,普天下所有的高山都淹沒了。 20 水勢洶湧,比山高出十五肘,山嶺都淹沒了。 21 凡有血肉在地上行動的,就是飛鳥、牲畜、走獸和地上成羣的羣聚動物,以及所有的人,都死了。 22 在乾地上凡鼻孔裏有生命氣息的都死了。 23 耶和華除滅了地面上各類的生物,包括人和牲畜、爬行動物,以及天空的飛鳥;他們就都從地上除滅了,只剩下挪亞和那些與他同在方舟裏的。 24 水勢洶湧,在地上共一百五十天。
Footnotes
- 7.6 「洪水」:原文是「洪水的水」。
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
和合本修訂版經文 © 2006, 2010, 2017 香港聖經公會。蒙允許使用。 Scripture Text of Revised Chinese Union Version © 2006, 2010, 2017 Hong Kong Bible Society. www.hkbs.org.hk/en/ Used by permission.
