Add parallel Print Page Options

Ang mga Naging Anak ni Adan(A)

Ito(B) ang aklat ng mga salinlahi ni Adan. Nang lalangin ng Diyos ang tao, siya ay nilalang sa wangis ng Diyos.

Lalaki(C) at babae silang nilalang, at sila'y binasbasan at tinawag na Adan ang kanilang pangalan, nang araw na sila'y lalangin.

Nabuhay si Adan ng isandaan at tatlumpung taon, at nagkaanak ng isang lalaki na kanyang wangis, ayon sa kanyang larawan, at tinawag ang kanyang pangalan na Set.

Ang mga naging araw ni Adan pagkatapos na maipanganak si Set ay walong daang taon; at nagkaanak pa siya ng mga lalaki at mga babae.

Ang lahat ng mga araw ng naging buhay ni Adan ay siyamnaraan at tatlumpung taon at siya'y namatay.

Nabuhay si Set ng isandaan at limang taon at naging anak niya si Enos.

Nabuhay si Set pagkatapos na maipanganak si Enos ng walong daan at pitong taon at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

Ang lahat na naging araw ni Set ay siyamnaraan at labindalawang taon at siya'y namatay.

Nabuhay si Enos ng siyamnapung taon at naging anak niya si Kenan.

10 Si Enos ay nabuhay pagkatapos na maipanganak si Kenan ng walong daan at labinlimang taon at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

11 Ang lahat na naging araw ni Enos ay siyamnaraan at limang taon at siya'y namatay.

12 Nabuhay si Kenan ng pitumpung taon at naging anak niya si Mahalalel.

13 Nabuhay si Kenan pagkatapos na maipanganak si Mahalalel ng walong daan at apatnapung taon, at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

14 Ang lahat na naging araw ni Kenan ay siyamnaraan at sampung taon at siya'y namatay.

15 Nabuhay si Mahalalel ng animnapu't limang taon at naging anak niya si Jared.

16 At nabuhay si Mahalalel pagkatapos na maipanganak si Jared ng walong daan at tatlumpung taon, at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

17 Ang lahat na naging araw ni Mahalalel ay walong daan at siyamnapu't limang taon at siya'y namatay.

18 Nabuhay si Jared ng isandaan at animnapu't dalawang taon at naging anak niya si Enoc.

19 Nabuhay si Jared pagkatapos na maipanganak si Enoc ng walong daang taon, at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

20 Ang lahat na naging araw ni Jared ay siyamnaraan at animnapu't dalawang taon at siya'y namatay.

21 Nabuhay si Enoc ng animnapu't limang taon at naging anak niya si Matusalem.

22 Lumakad si Enoc na kasama ng Diyos, pagkatapos na maipanganak si Matusalem ng tatlong daang taon, at nagkaanak pa siya ng mga lalaki at mga babae.

23 At ang lahat na naging araw ni Enoc ay tatlong daan at animnapu't limang taon.

24 Lumakad(D) si Enoc na kasama ng Diyos; at hindi na siya natagpuan sapagkat siya'y kinuha ng Diyos.

25 Nabuhay si Matusalem ng isandaan at walumpu't pitong taon at naging anak niya si Lamec.

26 Nabuhay si Matusalem pagkatapos na maipanganak si Lamec ng pitong daan at walumpu't dalawang taon at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

27 Ang lahat na naging araw ni Matusalem ay siyamnaraan at animnapu't siyam na taon at siya'y namatay.

28 Nabuhay si Lamec ng isandaan at walumpu't dalawang taon at nagkaanak ng isang lalaki.

29 Tinawag niya ang kanyang pangalan na Noe, na sinabi, “Ito ang magbibigay sa atin ng ginhawa mula sa ating gawa at sa pagpapagod ng ating mga kamay, dahil sa lupang sinumpa ng Panginoon.”

30 Nabuhay si Lamec pagkatapos na maipanganak si Noe ng limang daan at siyamnapu't limang taon at nagkaanak pa ng mga lalaki at mga babae.

31 Ang lahat na naging araw ni Lamec ay pitong daan at pitumpu't pitong taon at namatay.

32 Nang si Noe ay may limang daang taon, naging anak niya sina Sem, Ham, at Jafet.

Ang mga Lahi ni Adan(A)

Ito ang kasaysayan na isinulat tungkol sa pamilya ni Adan.

Nang likhain ng Dios ang tao, ginawa niya itong kawangis niya. Nilikha niya ang lalaki at babae, at binasbasan niya sila at tinawag na “tao.”

Nang 130 taong gulang na si Adan, isinilang ang kanyang anak na kawangis niya. Pinangalanan niya itong Set. Matapos isilang si Set, nabuhay pa si Adan ng 800 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Namatay siya sa edad na 930.

Nang 105 taong gulang na si Set, isinilang ang anak niyang lalaki na si Enosh. Matapos isilang si Enosh, nabuhay pa si Set ng 807 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Namatay siya sa edad na 912.

Nang 90 taong gulang na si Enosh, isinilang ang anak niyang lalaki na si Kenan. 10 Matapos isilang si Kenan, nabuhay pa si Enosh ng 815 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 11 Namatay siya sa edad na 905.

12 Nang 70 taong gulang na si Kenan, isinilang ang anak niyang lalaki na si Mahalalel. 13 Matapos isilang si Mahalalel, nabuhay pa si Kenan ng 840 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 14 Namatay siya sa edad na 910.

15 Nang 65 taong gulang na si Mahalalel, isinilang ang anak niyang lalaki na si Jared. 16 Matapos isilang si Jared, nabuhay pa si Mahalalel ng 830 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 17 Namatay siya sa edad na 895.

18 Nang 162 taong gulang na si Jared, isinilang ang anak niyang lalaki na si Enoc. 19 Matapos isilang si Enoc, nabuhay pa si Jared ng 800 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 20 Namatay siya sa edad na 962.

21 Nang 65 taong gulang na si Enoc, isinilang ang anak niyang lalaki na si Metusela. 22-24 Matapos isilang si Metusela, nabuhay pa si Enoc ng 300 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Nang panahong iyon, malapit ang relasyon ni Enoc sa Dios. Nasa 365 taong gulang siya nang siyaʼy nawala, dahil kinuha siya ng Dios.[a]

25 Nang 187 taong gulang na si Metusela, isinilang ang anak niyang lalaki na si Lamec. 26 Matapos isilang si Lamec, nabuhay pa si Metusela ng 782 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 27 Namatay siya sa edad na 969.

28 Nang 182 taong gulang na si Lamec, isinilang ang isa niyang anak na lalaki. 29 Sinabi niya, “Ang anak kong ito ay makakatulong sa mga kahirapan natin dahil sa pagsumpa ng Panginoon sa lupa, kaya papangalanan ko siyang Noe.”[b] 30 Matapos isilang si Noe, nabuhay pa si Lamec ng 595 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. 31 Namatay siya sa edad na 777.

32 Nang 500 taong gulang na si Noe, isinilang ang mga anak niyang lalaki na sina Shem, Ham, at Jafet.

Footnotes

  1. 5:22-24 dahil kinuha siya ng Dios: kahit hindi pa siya namamatay.
  2. 5:29 Noe: Maaaring ang ibig sabihin, makakatulong; o, nagpapalakas.
'Genesis 5 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.