Add parallel Print Page Options

Sina Cain at Abel

At nakilala ng lalaki si Eva na kanyang asawa, at siya'y naglihi at ipinanganak si Cain, at sinabi, “Nagkaanak ako ng lalaki sa tulong ng Panginoon.”

Kasunod nito ay ipinanganak niya ang kanyang kapatid na si Abel. Si Abel ay tagapag-alaga ng mga tupa at si Cain ay magbubungkal ng lupa.

Sa paglipas ng panahon ay nagdala si Cain ng isang handog sa Panginoon mula sa mga bunga ng lupa.

Nagdala(A) rin si Abel ng mga panganay ng kanyang kawan, ang taba ng mga iyon. At pinahalagahan ng Panginoon si Abel at ang kanyang handog,

subalit hindi niya pinahalagahan si Cain at ang kanyang handog. Galit na galit si Cain, at nagngitngit[a] ang kanyang mukha.

Sinabi ng Panginoon kay Cain, “Bakit ka nagalit at bakit nagngitngit[b] ang iyong mukha?

Kung ikaw ay gumawa ng mabuti, hindi ka ba tatanggapin? At kung hindi ka gumawa ng mabuti, ang kasalanan ang nag-aabang sa pintuan. Ikaw ang nais nito, subalit kailangang madaig mo ito!”

Ang Pagpatay kay Abel

Sinabihan(B) ni Cain ang kanyang kapatid na si Abel, at nangyari nang sila'y nasa parang, tumindig si Cain laban kay Abel na kanyang kapatid, at ito'y kanyang pinatay.

At sinabi ng Panginoon kay Cain, “Nasaan si Abel na iyong kapatid?” At sinabi niya, “Aywan ko! Ako ba'y tagapagbantay ng aking kapatid?”

10 Sinabi(C) niya, “Ano ang ginawa mo? Ang tinig ng dugo ng iyong kapatid ay dumadaing sa akin mula sa lupa.

11 Ngayo'y sinumpa ka mula sa lupa. Ibinuka ng lupa ang bibig nito upang tanggapin ang dugo ng iyong kapatid mula sa iyong kamay.

12 Kapag binungkal mo ang lupa, ito ay di na muling magbibigay sa iyo ng kanyang lakas. Ikaw ay magiging palaboy at pagala-gala sa lupa.”

13 At sinabi ni Cain sa Panginoon, “Ang parusa sa akin ay higit kaysa makakaya ko.

14 Ako ngayo'y itinataboy mo mula sa ibabaw ng lupa, at ako'y maikukubli sa iyong mukha. Ako'y magiging palaboy at pagala-gala, sinumang makakita sa akin ay papatayin ako.”

15 At sinabi sa kanya ng Panginoon, “Hindi! Sinumang pumatay kay Cain ay pitong ulit na gagantihan.” At nilagyan ng Panginoon ng isang tanda si Cain upang huwag siyang patayin ng sinumang makakita sa kanya.

16 At umalis si Cain sa harapan ng Panginoon at nanirahan sa lupain ng Nod, sa silangan ng Eden.

Ang mga Naging Anak ni Cain

17 Sumiping[c] si Cain sa kanyang asawa, at siya'y naglihi at ipinanganak si Enoc. Siya'y nagtayo ng isang lunsod at tinawag ang lunsod ayon sa pangalan ng kanyang anak na si Enoc.

18 Naging anak ni Enoc si Irad; at naging anak ni Irad si Mehujael; at naging anak ni Mehujael si Metusael; at naging anak ni Metusael si Lamec.

19 At si Lamec ay nag-asawa ng dalawa; ang pangalan ng isa'y Ada, at ang pangalan ng ikalawa ay Zilla.

20 Naging anak ni Ada si Jabal. Siya ang ama ng mga naninirahan sa mga tolda at may mga hayop.

21 Ang pangalan ng kanyang kapatid ay Jubal. Siya ang ama ng lahat na tumutugtog ng alpa at plauta.

22 Ipinanganak ni Zilla si Tubal-Cain, ang panday ng lahat na kagamitang patalim na tanso at bakal. At ang kapatid na babae ni Tubal-Cain ay si Naama.

23 At sinabi ni Lamec sa kanyang mga asawa,

“Ada at Zilla, pakinggan ninyo ang aking tinig.
    Kayong mga asawa ni Lamec ay makinig sa aking mga salita.
Pumatay ako ng isang tao, dahil sa pagsugat sa akin,
    at ng isang binata, dahil sa ako'y sinaktan.
24 Kung pitong ulit ipaghihiganti si Cain,
tunay na si Lamec ay pitumpu't pitong ulit.”

Sina Set at Enos

25 Muling nakilala ni Adan ang kanyang asawa at siya'y nanganak ng isang lalaki, at tinawag ang kanyang pangalan na Set; sapagkat kanyang sinabi, “Binigyan ako ng Diyos ng ibang anak na kahalili ni Abel, sapagkat siya'y pinatay ni Cain.”

26 Nagkaanak din si Set ng isang lalaki, at tinawag ang kanyang pangalan na Enos. Nang panahong iyon ang mga tao ay nagsimulang tumawag sa pangalan ng Panginoon.

Footnotes

  1. Genesis 4:5 Sa Hebreo ay bumagsak .
  2. Genesis 4:6 Sa Hebreo ay bumagsak .
  3. Genesis 4:17 Sa Hebreo ay nakilala .
'Genesis 4 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Kayini ne Aberi

Adamu n’amanya Kaawa, mukazi we, n’aba olubuto n’azaala Kayini n’agamba nti, “Mukama annyambye nzadde omuntu.” (A)Oluvannyuma n’azaala muganda we Aberi.

Aberi n’aba mulunzi, ye Kayini n’abeera mulimi. (B)Awo ennaku bwe zaayitawo Kayini n’alyoka aleeta ebibala by’ebimera ebyava mu ttaka okubiwaayo eri Mukama. (C)Aberi naye n’aleeta ku baana b’endiga ze ababereberye n’amasavu gaazo. Mukama n’asiima Aberi n’ekiweebwayo kye. Naye teyasiima Kayini wadde ekiweebwayo kye. Awo Kayini n’asunguwala nnyo, n’endabika y’amaaso ge n’ewaanyisibwa.

Mukama n’abuuza Kayini nti, “Osunguwalidde ki? Era n’endabika y’amaaso go lwaki ewaanyisiddwa? (D)Bw’onookolanga obulungi tokkirizibwenga? Naye bw’otokole bulungi ekibi, kiri kumpi naawe, nga kikulindiridde, naye oteekwa okukiwangula.”

Kayini atta Aberi

(E)Kayini n’agamba Aberi muganda we nti, “Tulageko mu nnimiro.” Bwe baali nga bali mu nnimiro Kayini n’agolokokera ku muganda we Aberi, n’amutta.

Awo Mukama n’abuuza Kayini nti, “Muganda wo Aberi ali ludda wa?”

N’amuddamu nti, “Ssimanyi; nze mukuumi wa muganda wange?”

10 (F)Mukama n’amugamba nti, “Okoze ki? Eddoboozi ly’omusaayi gwa muganda wo oguyiyiddwa ku ttaka linkaabirira. 11 Ne kaakano okolimiddwa, era ettaka lyasamye okumira omusaayi gwa muganda wo gwe wasse. 12 Bw’onoolimanga ettaka teriikuwenga bibala byalyo; onoobanga momboze ku nsi.”

13 Kayini n’agamba Mukama nti, “Ekibonerezo kyange kinzitooweredde sikisobola. 14 (G)Laba, ongobye okuva ku nsi ne mu maaso go; era nnaabanga momboze ne buli anandaba ananzita.”

15 (H)Awo Mukama n’amugamba nti, “Nedda si bwe kiri. Buli alitta Kayini ndimuwalana emirundi musanvu.” 16 (I)Kayini n’alyoka ava mu maaso ga Mukama, n’abeera mu nsi ya Enodi ku luuyi olw’ebuvanjuba olwa Adeni.

Abaana ba Kayini

17 (J)Kayini n’amanya mukazi we, n’aba olubuto n’azaala Enoka. Kayini n’azimba ekibuga n’akituuma erinnya lyerimu erya mutabani we Enoka. 18 Enoka n’azaalirwa Iradi ne Iradi n’azaala Mekujeeri, ne Mekujeeri n’azaala Mesuseera, ne Mesuseera n’azaala Lameka.

19 Lameka n’awasa abakazi babiri: omu yali Ada n’omulala nga ye Zira. 20 Ada n’azaala Yabali. Ono ye yali kitaawe w’abo ababeera mu weema nga balunda. 21 Muganda we Yubali, ye yazaala abo abakuba ennanga n’okufuuwa omulere. 22 Zira n’azaala Tubalukayini omuweesi w’eby’ekikomo n’eby’ekyuma. Ne mwannyina wa Tubalukayini nga ye Naama.

23 (K)Lameka n’agamba bakazi be nti,

“Ada ne Zira, muwulire eddoboozi lyange;
    mwe bakazi ba Lameka, muwulirize kye ŋŋamba;
nzise omusajja olw’okunfumita,
    nga muvubuka, olw’okunkuba.
24 (L)Obanga Kayini yawalanirwa emirundi musanvu,
    mazima Lameka wa kuwalanirwa emirundi nsanvu mu musanvu.”

Okuzaalibwa kwa Seezi

25 (M)Awo Adamu n’amanya mukazi we, n’azaala omwana wabulenzi n’amutuuma Seezi, kubanga yayogera nti, “Katonda ampadde omwana omulala mu kifo kya Aberi, Kayini gwe yatta.” 26 (N)Seezi n’azaala omwana owoobulenzi n’amutuuma Enosi.

Mu kiseera ekyo abantu ne batandika okukoowoola erinnya lya Mukama.

At nakilala ng lalake si Eva na kaniyang asawa; at siya'y naglihi at ipinanganak si Cain, at sinabi, Nagkaanak ako ng lalake sa tulong ng Panginoon.

At sa muli ay ipinanganak ang kaniyang kapatid na si Abel. At si Abel ay tagapagalaga ng mga tupa; datapuwa't si Cain ay mangbubukid ng lupa.

At nangyari nang lumalakad ang panahon ay nagdala si Cain ng isang handog na mga bunga ng lupa sa Panginoon.

At nagdala rin naman si Abel ng mga panganay ng kaniyang kawan at ng mga taba ng mga yaon. At nilingap ng Panginoon si Abel at ang kaniyang handog:

Datapuwa't hindi nilingap si Cain at ang kaniyang handog. At naginit na mainam si Cain, at namanglaw ang kaniyang mukha.

At sinabi ng Panginoon kay Cain, Bakit ka naginit? at bakit namanglaw ang iyong mukha?

Kung ikaw ay gumawa ng mabuti, di ba ikaw mamarapatin? at kung hindi ka gumawa ng mabuti, ay nahahandusay ang kasalanan sa pintuan: at sa iyo'y pahihinuhod ang kaniyang nasa, at ikaw ang papanginoonin niya.

At yao'y sinabi ni Cain sa kaniyang kapatid na kay Abel. At nangyari, nang sila'y nasa parang ay nagtindig si Cain laban kay Abel na kaniyang kapatid, at siya'y kaniyang pinatay.

At sinabi ng Panginoon kay Cain, Saan naroon si Abel na iyong kapatid? At sinabi niya, Aywan ko: ako ba'y tagapagbantay sa aking kapatid?

10 At sinabi niya, Anong iyong ginawa? ang tinig ng dugo ng iyong kapatid ay dumadaing sa akin mula sa lupa.

11 At ngayo'y sinumpa ka sa lupa na siyang nagbuka ng bibig na tumanggap sa iyong kamay ng dugo ng iyong kapatid;

12 Pagbubukid mo ng lupa, ay di na ibibigay mula ngayon sa iyo ang kaniyang lakas; ikaw ay magiging palaboy at hampas-lupa sa lupa.

13 At sinabi ni Cain sa Panginoon, Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko.

14 Narito, ako'y iyong itinataboy ngayon mula sa ibabaw ng lupa, at sa iyong harapan ay magtatago ako; at ako'y magiging palaboy at hampaslupa; at mangyayari, na sinomang makasumpong sa akin ay papatayin ako.

15 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Dahil dito'y sinomang pumatay kay Cain ay makapitong gagantihan. At nilagyan ng Panginoon ng isang tanda si Cain, baka siya'y sugatan ng sinomang makakasumpong sa kaniya.

16 At umalis si Cain sa harapan ng Panginoon at tumahan sa lupain ng Nod, sa silanganan ng Eden.

17 At nakilala ni Cain ang kaniyang asawa, at siya'y naglihi at ipinanganak si Enoc: at siya'y nagtayo ng isang bayan at tinawag ang bayan ayon sa pangalan ng kaniyang anak, Enoc.

18 At naging anak ni Enoc si Irad; at naging anak ni Irad si Mehujael; at naging anak ni Mehujael si Metusael; at naging anak ni Metusael si Lamec.

19 At si Lamec ay nagasawa ng dalawa; ang pangalan ng isa'y Ada, at ang pangalan ng ikalawa ay Zilla.

20 At naging anak ni Ada si Jabal: na siyang naging magulang ng nangagsisitahan sa mga tolda at may mga hayop.

21 At ang pangalan ng kaniyang kapatid ay Jubal: na siyang naging magulang ng lahat na tumutugtog ng alpa at ng flauta.

22 At tungkol kay Zilla, ay ipinanganak naman niya si Tubal-Cain na mamamanday ng lahat na kagamitang patalim na tanso at bakal: at ang kapatid na babae ni Tubal-Cain ay si Naama.

23 At sinabi ni Lamec sa kaniyang mga asawa: Ada at Zilla pakinggan ninyo ang aking tinig: Kayong mga asawa ni Lamec ay makinig ng aking salaysay: Sapagka't pumatay ako ng isang tao, dahil sa ako'y sinugatan, At ng isang binata, dahil sa ako'y hinampas.

24 Kung makapitong gagantihan si Cain, tunay na si Lamec ay makapitong pung pito.

25 At nakilalang muli ni Adam ang kaniyang asawa; at nanganak ng isang lalake, at tinawag ang kaniyang pangalan na Set; sapagka't aniya'y binigyan ako ng Dios ng ibang anak na kahalili ni Abel; sapagka't siya'y pinatay ni Cain.

26 At nagkaanak naman si Set ng isang lalake; at tinawag ang kaniyang pangalan na Enos. Noon ay pinasimulan ng mga tao ang pagtawag sa pangalan ng Panginoon.