Add parallel Print Page Options

Si Jose at ang Kanyang mga Kapatid

37 Si Jacob ay nanatili sa Canaan, sa lupaing tinirhan ng kanyang ama. Ito ang kasaysayan ng sambahayan ni Jacob:

Nang si Jose ay labimpitong taon na, nag-aalaga siya ng kawan kasama ng kanyang mga kapatid sa ama, ang mga anak nina Bilha at Zilpa, na mga asawang-lingkod ng kanyang ama. Alam niya ang masasamang gawain ng kanyang mga kapatid kaya't ang mga ito'y isinumbong niya sa kanilang ama.

Mas mahal ni Israel si Jose kaysa ibang mga anak, sapagkat matanda na siya nang ito'y isinilang. Iginawa niya ito ng damit na mahaba at may manggas.[a] Nang mahalata ng mga kapatid ni Jose na mas mahal siya ng kanilang ama, kinamuhian siya ng mga ito at ayaw siyang pakisamahang mabuti.

Minsan, nanaginip si Jose at lalong namuhi ang mga kapatid niya nang ito'y ikuwento niya sa kanila. Sabi ni Jose, “Napanaginipan ko, na tayo ay nasa bukid at nagbibigkis ng trigo. Tumayo ang aking binigkis at yumukod sa paligid nito ang inyong mga binigkis.”

“Ano! Ang ibig mo bang sabihin ay maghahari ka sa amin?” tanong nila. At lalo silang nagalit kay Jose.

Nanaginip muli si Jose at isinalaysay sa kanyang mga kapatid ang ganito: “Nakita ko sa aking panaginip na ang araw, ang buwan at labing-isang bituin ay yumuko sa aking harapan.”

10 Sinabi rin niya ito sa kanyang ama, at ito'y nagalit din sa kanya.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ng ama. “Kami ng iyong ina't mga kapatid ay yuyuko sa harapan mo?” 11 Inggit(A) na inggit kay Jose ang kanyang mga kapatid. Inisip-isip namang mabuti ng kanyang ama ang mga bagay na ito.

Ipinagbili si Jose at Dinala sa Egipto

12 Isang araw, nasa Shekem ang mga kapatid ni Jose at pinapastol doon ang kawan ng kanilang ama. 13 Sinabi ni Israel kay Jose, “Gumayak ka at sumunod sa iyong mga kapatid.”

“Opo,” tugon ni Jose.

14 Sinabi pa ng kanyang ama, “Tingnan mo kung sila'y nasa mabuting kalagayan. Pagkatapos, bumalik ka agad at nang malaman ko.” Lumakad nga si Jose mula sa libis ng Hebron at nakarating sa Shekem. 15 Sa kanyang paglalakad, nakita siya ng isang lalaki at tinanong kung anong hinahanap niya.

16 “Hinahanap ko po ang aking mga kapatid na nagpapastol ng aming kawan,” sagot niya. “Saan ko po kaya sila makikita?”

17 Sinabi ng lalaki, “Umalis na sila at ang dinig ko'y sa Dotan pupunta.” Sumunod si Jose at natagpuan nga roon ang mga kapatid.

18 Malayo pa'y natanaw na siya ng mga ito. Nagkaisa silang patayin siya. 19 Sinabi nila, “Ayan na ang mahilig managinip! 20 Patayin natin siya at ihulog sa balon, at sabihing siya'y sinila ng mabangis na hayop. Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa kanyang mga panaginip.”

21 Narinig ito ni Ruben at binalak niyang iligtas si Jose. Sabi niya, “Huwag, huwag nating patayin. 22 Huwag natin siyang pagbuhatan ng kamay; ihulog na lamang natin sa balon.” Sinabi niya ito, sapagkat ang balak niya ay iligtas ang kapatid at dalhin ito sa kanyang ama. 23 Paglapit ni Jose, hinubad nila ang mahabang damit nito na may manggas,[b] 24 at inihulog sa isang tuyong balon.

25 Habang sila'y kumakain, may natanaw silang pangkat ng mga Ismaelitang mula sa Gilead. Ang kanilang mga kamelyo ay may kargang mga gagawing pabango na dadalhin sa Egipto. 26 Sinabi ni Juda sa kanyang mga kapatid, “Wala tayong mapapala kung papatayin natin ang ating kapatid. 27 Mabuti pa'y ipagbili na lamang natin siya sa mga Ismaelita kaysa ating saktan! Siya'y kapatid din natin, laman ng ating laman at dugo ng ating dugo.” At sila'y nagkasundo. 28 Kaya't(B) nang may dumaraang mga mangangalakal na Midianita, iniahon nila si Jose at ipinagbili sa halagang dalawampung pirasong pilak. At si Jose'y dinala ng mga Ismaelita sa Egipto.

29 Pagbalik ni Ruben sa balon, nakita niyang wala na roon si Jose. Sa laki ng kanyang pagdaramdam, pinunit niya ang kanyang damit. 30 Lumapit siya sa kanyang mga kapatid at ang sabi, “Wala na sa balon si Jose! Ano ang gagawin ko ngayon?”

31 Nagpatay sila ng kambing at itinubog sa dugo nito ang hinubad na damit ni Jose. 32 Pagkatapos, dinala nila ito sa kanilang ama at sinabi, “Nakita po namin ang damit na ito, tingnan nga ninyo kung ito nga ang sa mahal ninyong anak.”

33 Nakilala niya agad ang damit. “Kanya nga ito! Pinatay ng mabangis na hayop ang anak ko! Pihong nagkaluray-luray ang kanyang katawan.” 34 Sinira ni Jacob ang suot niyang damit, at nagsuot ng damit-panluksa. Ipinagluksa niya nang mahabang panahon ang nangyari sa kanyang anak. 35 Inaliw siya ng lahat niyang mga anak ngunit patuloy ang kanyang pamimighati. Sinabi niya, “Mapupunta ako sa daigdig ng mga patay na nagdadalamhati dahil sa pagkawala ng aking anak.” Patuloy siyang nagluksa dahil kay Jose.

36 Samantala, pagdating sa Egipto, ipinagbili si Jose ng mga Midianita kay Potifar, isang punong kawal ng Faraon at kapitan ng mga tanod sa palasyo.

Footnotes

  1. Genesis 37:3 damit na mahaba at may manggas: o kaya'y damit na maraming kulay .
  2. Genesis 37:23 damit nito na may manggas: o kaya'y damit na maraming kulay .
'Genesis 37 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Joseph dreams of power

37 Jacob lived in the land of Canaan where his father was an immigrant. This is the account of Jacob’s descendants. Joseph was 17 years old and tended the flock with his brothers. While he was helping the sons of Bilhah and Zilpah, his father’s wives, Joseph told their father unflattering things about them. Now Israel loved Joseph more than any of his other sons because he was born when Jacob was old. Jacob had made for him a long[a] robe. When his brothers saw that their father loved him more than any of his brothers, they hated him and couldn’t even talk nicely to him.

Joseph had a dream and told it to his brothers, which made them hate him even more. He said to them, “Listen to this dream I had. When we were binding stalks of grain in the field, my stalk got up and stood upright, while your stalks gathered around it and bowed down to my stalk.”

His brothers said to him, “Will you really be our king and rule over us?” So they hated him even more because of the dreams he told them.

Then Joseph had another dream and described it to his brothers: “I’ve just dreamed again, and this time the sun and the moon and eleven stars were bowing down to me.”

10 When he described it to his father and brothers, his father scolded him and said to him, “What kind of dreams have you dreamed? Am I and your mother and your brothers supposed to come and bow down to the ground in front of you?” 11 His brothers were jealous of him, but his father took careful note of the matter.

Joseph’s brothers take revenge

12 Joseph’s brothers went to tend their father’s flocks near Shechem. 13 Israel said to Joseph, “Aren’t your brothers tending the sheep near Shechem? Come, I’ll send you to them.”

And he said, “I’m ready.”

14 Jacob said to him, “Go! Find out how your brothers are and how the flock is, and report back to me.”

So Jacob sent him from the Hebron Valley. When he approached Shechem, 15 a man found him wandering in the field and asked him, “What are you looking for?”

16 Joseph said, “I’m looking for my brothers. Tell me, where are they tending the sheep?”

17 The man said, “They left here. I heard them saying, ‘Let’s go to Dothan.’” So Joseph went after his brothers and found them in Dothan.

18 They saw Joseph in the distance before he got close to them, and they plotted to kill him. 19 The brothers said to each other, “Here comes the big dreamer. 20 Come on now, let’s kill him and throw him into one of the cisterns, and we’ll say a wild animal devoured him. Then we will see what becomes of his dreams!”

21 When Reuben heard what they said, he saved him from them, telling them, “Let’s not take his life.” 22 Reuben said to them, “Don’t spill his blood! Throw him into this desert cistern, but don’t lay a hand on him.” He intended to save Joseph from them and take him back to his father.

23 When Joseph reached his brothers, they stripped off Joseph’s long robe, 24 took him, and threw him into the cistern, an empty cistern with no water in it. 25 When they sat down to eat, they looked up and saw a caravan of Ishmaelites coming from Gilead, with camels carrying sweet resin, medicinal resin, and fragrant resin on their way down to Egypt. 26 Judah said to his brothers, “What do we gain if we kill our brother and hide his blood? 27 Come on, let’s sell him to the Ishmaelites. Let’s not harm him because he’s our brother; he’s family.” His brothers agreed. 28 When some Midianite traders passed by, they pulled Joseph up out of the cistern. They sold him to the Ishmaelites for twenty pieces of silver, and they brought Joseph to Egypt.

29 When Reuben returned to the cistern and found that Joseph wasn’t in it, he tore his clothes. 30 Then he returned to his brothers and said, “The boy’s gone! And I—where can I go now?”

31 His brothers took Joseph’s robe, slaughtered a male goat, and dipped the robe in the blood. 32 They took the long robe, brought it to their father, and said, “We found this. See if it’s your son’s robe or not.”

33 He recognized it and said, “It’s my son’s robe! A wild animal has devoured him. Joseph must have been torn to pieces!” 34 Then Jacob tore his clothes, put a simple mourning cloth around his waist, and mourned for his son for many days. 35 All of his sons and daughters got up to comfort him, but he refused to be comforted, telling them, “I’ll go to my grave mourning for my son.” And Joseph’s father wept for him. 36 Meanwhile the Midianites had sold Joseph to the Egyptians, to Potiphar, Pharaoh’s chief officer, commander of the royal guard.

Footnotes

  1. Genesis 37:3 LXX many-colored