Add parallel Print Page Options

10 At sinabi sa kaniya ng Dios, Ang pangalan mo'y Jacob; ang pangalan mo'y (A)hindi na tatawagin pang Jacob (B)kundi Israel ang itatawag sa iyo: at tinawag ang kaniyang pangalan na Israel.

11 At sinabi sa kaniya ng (C)Dios, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat; ikaw ay lumago at dumami ka; (D)isang bansa at isang kapisanan ng mga bansa ang magmumula sa iyo, at mga hari ay lalabas sa iyong balakang;

12 (E)At ang lupaing ibinigay ko kay Abraham at kay Isaac, ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong lahi pagkamatay mo ay ibibigay ko ang lupain.

Read full chapter