Add parallel Print Page Options

Ginahasa si Dina

34 Minsan, si Dina, ang anak na dalaga ni Jacob kay Lea, ay dumalaw sa ilang kababaihan sa lupaing iyon. Nakita siya ni Shekem, anak na binata ni Hamor na isang Hivita at pinuno sa lupaing iyon. Sapilitan siyang isinama nito at ginahasa. Ngunit napamahal na nang husto kay Shekem si Dina at sinikap niyang suyuin ito. Sinabi ni Shekem sa kanyang ama na lakaring mapangasawa niya ang dalaga.

Nalaman ni Jacob na pinagsamantalahan ni Shekem ang kanyang anak, ngunit hindi muna siya kumibo sapagkat nagpapastol noon ng baka ang kanyang mga anak na lalaki. Nagpunta naman si Hamor kay Jacob upang makipag-usap. Siya namang pagdating ng mga anak na lalaki ni Jacob mula sa kaparangan. Nabigla sila nang mabalitaan ang nangyari sa kapatid, at gayon na lamang ang kanilang galit dahil sa ginawa ni Shekem. Ito'y itinuring nilang isang paglapastangan sa buong angkan ni Jacob. Sinabi ni Hamor, “Yaman din lamang na iniibig ni Shekem si Dina, bakit hindi pa natin sila ipakasal? Magkaisa na tayo! Hayaan nating mapangasawa ng aming mga binata ang inyong mga dalaga, at ng aming mga dalaga ang inyong mga binata. 10 Sa gayo'y maaari na kayong manatili dito sa aming lupain. Maaari kayong tumira kung saan ninyo gusto; maaari kayong maghanapbuhay at magkaroon ng ari-arian.”

11 Nakiusap ding mabuti si Shekem sa ama at mga kapatid ni Dina. Sinabi niya, “Pagbigyan na po ninyo ang aking hangarin, at humiling naman kayo ng kahit anong gusto ninyo. 12 Sabihin po ninyo kung ano ang dote na dapat kong ibigay at kung magkano pa ang kailangan kong ipagkaloob sa inyo, makasal lamang kami.”

13 Dahil sa paglapastangan kay Dina, mapanlinlang ang pagsagot ng mga anak na lalaki ni Jacob sa mag-amang Hamor at Shekem. 14 Sinabi nila, “Malaking kahihiyan namin kung hindi tuli ang mapapangasawa ng aming kapatid. 15 Papayag lamang kami kung ikaw at ang lahat ng mga lalaking nasasakupan ninyo ay magpapatuli. 16 Pagkatapos, maaari na ninyong mapangasawa ang aming mga dalaga at ang inyo nama'y mapapangasawa namin. Magiging magkababayan na tayo at mamumuhay tayong magkakasama. 17 Kung di kayo sasang-ayon, isasama na namin si Dina at aalis na kami.”

18 Pumayag naman ang mag-amang Hamor at Shekem. 19 Hindi na sila nag-aksaya ng panahon sapagkat napakalaki ng pag-ibig ni Shekem kay Dina. Si Shekem ay iginagalang ng lahat sa kanilang sambahayan.

20 Sa may pintuan ng lunsod, tinipon ng mag-ama ang lahat ng lalaki sa Shekem. Sinabi nila, 21 “Napakabuting makisama ng mga dayuhang dumating dito sa atin. Dito na natin sila patirahin, maluwang din lamang ang ating lupain. Pakasalan natin ang kanilang mga dalaga at sila nama'y gayon din. 22 Ngunit mangyayari lamang ito kung ang ating mga kalalakihan ay patutuli na tulad nila. 23 Sa gayon, ang kanilang ari-arian, mga kawan at bakahan ay mapapasaatin. Sumang-ayon na tayong mamuhay silang kasama natin.” 24 Sumang-ayon naman sa panukalang ito ang mga lalaki, at silang lahat ay nagpatuli.

25 Nang ikatlong araw na matindi pa ang kirot ng sugat ng mga tinuli, kinuha nina Simeon at Levi na mga kapatid ni Dina, ang kanilang tabak at pinagpapatay ang mga lalaki roon na walang kamalay-malay. 26 Pinatay nila pati ang mag-amang Hamor at Shekem, at itinakas si Dina. 27 Pagkatapos ng pagpatay sinamsam naman ng ibang mga anak ni Jacob ang mahahalagang ari-arian doon. Ginawa nila ito dahil sa panghahalay sa kanilang kapatid na babae. 28 Sinamsam nila pati mga kawan, mga baka, mga asno at lahat ng mapapakinabangan sa bayan at sa bukid. 29 Dinala nilang lahat ang mga kayamanan, binihag ang mga babae't mga bata, at walang itinirang anuman.

30 Sinabi ni Jacob kina Simeon at Levi, “Binigyan ninyo ako ng napakalaking suliranin. Ngayon, kamumuhian ako ng mga Cananeo at Perezeo. Kapag nagkaisa silang salakayin tayo, wala tayong sapat na tauhang magtatanggol; maaari nilang lipulin ang aking sambahayan.”

31 Ngunit sila'y sumagot, “Hindi po kami makakapayag na ituring na isang masamang babae ang aming kapatid.”

Pinagsamantalahan si Dina

34 Si Dina na anak ni Lea, na ipinanganak nito kay Jacob, ay lumabas upang tingnan ang mga babae ng lupaing iyon.

Nang makita siya ni Shekem, anak ni Hamor na Heveo na siyang pinuno sa lupain, kanyang kinuha siya at sapilitang sinipingan.

Siya[a] ay napalapit kay Dina, na anak ni Jacob at kanyang inibig ang dalaga, at nangusap sa kanya na may pagmamahal.

Kaya't si Shekem ay nagsalita sa kanyang amang si Hamor, na sinasabi, “Kunin mo para sa akin ang dalagang ito upang maging asawa ko.”

Nabalitaan nga ni Jacob na pinagsamantalahan ni Shekem[b] ang kanyang anak na si Dina; subalit ang kanyang mga anak na lalaki ay kasama ng mga hayop niya sa parang kaya't nanatiling tahimik si Jacob hanggang sa sila'y nakarating.

Lumabas si Hamor na ama ni Shekem upang makipag-usap kay Jacob,

nang ang mga anak na lalaki ni Jacob ay magsiuwi mula sa parang. Nang ito'y kanilang mabalitaan, galit na galit ang mga lalaki, sapagkat gumawa si Shekem ng kalapastanganan sa Israel sa pamamagitan ng pagsiping sa anak ni Jacob, sapagkat ang gayong bagay ay di-nararapat gawin.

Subalit nagsalita si Hamor sa kanila, na sinasabi, “Ang puso ng aking anak na si Shekem ay nasasabik sa iyong anak. Hinihiling ko sa inyo na ipagkaloob ninyo siya sa kanya upang maging asawa niya.

Magsipag-asawa kayo sa amin; ibigay ninyo sa amin ang inyong mga anak na babae, at ibibigay namin sa inyo ang aming mga anak na babae.

10 Kayo'y maninirahang kasama namin, at ang lupain ay magiging bukas sa inyo. Mangalakal kayo at magkaroon kayo ng mga pag-aari dito.”

11 Sinabi rin ni Shekem sa ama ni Dina at sa kanyang mga kapatid, “Makatagpo sana ako ng biyaya sa inyong paningin at ang hingin ninyo sa akin ay aking ibibigay.

12 Humingi kayo sa akin ng kahit anong bigay-kaya at regalo na nais ninyo at aking ibibigay ayon sa sinabi ninyo sa akin; subalit ibigay ninyo sa akin ang dalaga upang maging asawa ko.”

13 At nagsisagot na may pandaraya ang mga anak na lalaki ni Jacob kina Shekem at Hamor na kanyang ama, sapagkat kanyang pinagsamantalahan si Dina na kanilang kapatid.

14 Sinabi nila sa kanila, “Hindi namin magagawang ibigay ang aming kapatid sa isang hindi tuli; sapagkat ito'y kahihiyan namin.

15 Sa ganitong paraan lamang kami papayag: kung kayo'y magiging gaya namin, na ang lahat ng lalaki sa inyo ay tuliin.

16 Pagkatapos ay ibibigay namin sa inyo ang aming mga anak na babae, at makikisama kami sa inyong mga anak na babae, at maninirahan kami sa inyo, at magiging isang bayan.

17 Subalit kung ayaw ninyo kaming pakinggan na kayo'y matuli, ay kukunin namin ang aming anak na babae at kami ay aalis.”

18 Nasiyahan sa kanilang mga salita si Hamor at ang kanyang anak na si Shekem.

19 Hindi nag-atubili ang binata na gawin iyon, sapagkat nalugod siya sa anak na babae ni Jacob. Si Shekem[c] ay ang pinakamarangal sa buong sambahayan ng kanyang ama.

20 Kaya't si Hamor at ang anak niyang si Shekem ay pumunta sa pintuang-bayan ng kanilang lunsod, at sila'y nagsalita sa mga tao sa kanilang lunsod, na sinasabi,

21 “Ang mga taong ito ay mabuting makitungo sa atin; kaya't hayaan natin silang manirahan sa lupain at magsipangalakal sila riyan, sapagkat ang lupain ay sapat ang laki para sa kanila. Ipakasal natin ang ating mga anak sa kanilang mga anak na babae, at ating ibigay sa kanila ang ating mga anak na babae.

22 Sa ganito lamang paraan sila papayag na tumirang kasama natin, upang maging isang bayan: na patuli ang lahat ng lalaki sa atin, na gaya naman nila na mga tuli.

23 Di ba magiging atin ang kanilang mga baka at ang kanilang mga pag-aari at ang lahat nilang hayop? Sumang-ayon lamang tayo sa kanila at sila ay mabubuhay na kasama natin.”

24 At pinakinggan si Hamor at si Shekem na kanyang anak ng lahat na lumabas sa pintuan ng kanyang lunsod. Kaya't ang lahat ng lalaki na lumabas sa pintuan ng kanyang lunsod ay tinuli.

25 Sa ikatlong araw, nang mahapdi pa ang mga sugat ng mga tinuli, ang dalawa sa mga anak ni Jacob, sina Simeon at Levi, na mga kapatid ni Dina, ay kumuha ng kanilang tabak, palihim na pumasok sa bayan, at kanilang pinatay ang lahat ng mga lalaki.

26 Kanilang pinatay si Hamor at si Shekem na kanyang anak sa pamamagitan ng tabak, at kanilang kinuha si Dina sa bahay ni Shekem, at nagsialis.

Nilooban ang Shekem

27 Nagtungo ang mga anak na lalaki ni Jacob sa mga pinatay, at kanilang sinamsaman ang bayan, sapagkat pinagsamantalahan ang kanilang kapatid.

28 Kinuha nila ang kanilang mga kawan, mga bakahan, mga asno, at anumang nasa bayan, at nasa parang.

29 Sinamsam nila ang kanilang buong kayamanan, ang lahat ng kanilang mga anak at mga asawa at lahat na nasa bahay.

30 Sinabi ni Jacob kina Simeon at Levi, “Ako'y inyong binagabag, na gawin akong kasuklamsuklam sa mga nakatira sa lupain, sa mga Cananeo at mga Perezeo. Iilan lamang ang aking tauhan at sila ay magtitipon laban sa akin, at ako'y kanilang sasalakayin, at ang aking sambahayan ay pupuksain.”

31 Subalit sinabi nila, “Ang amin bang kapatid ay ituturing na parang isang masamang babae?”

Footnotes

  1. Genesis 34:3 Sa Hebreo ay Ang kanyang kaluluwa .
  2. Genesis 34:5 Sa Hebreo ay niya .
  3. Genesis 34:19 Sa Hebreo ay Siya .

34 At lumabas si (A)Dina na anak ni Lea, na ipinanganak nito kay Jacob, upang tingnan ang mga anak na babae ng lupaing yaon.

At siya'y nakita ni Sichem, anak ni Hamor, na Heveo, na prinsipe sa lupain; at siya'y kinuha at sumiping sa kaniya, at siya'y pinangayupapa.

At inilakip niya ang kaniyang kaluluwa kay Dina, na anak ni Jacob at kaniyang sininta ang dalaga, (B)at nakiusap ng kalugodlugod sa dalaga.

(C)At si Sichem ay nagsalita sa kaniyang amang kay Hamor, na sinabi, Ipakamit mo sa akin ang dalagang ito na maging asawa ko.

Nabalitaan nga ni Jacob na dinahas ang kaniyang anak na si Dina; at ang kaniyang mga anak ay nasa kasamahan ng mga hayop niya sa parang: at tumahimik si Jacob hanggang sa sila'y dumating.

At nilabas ni Hamor na ama ni Sichem si Jacob upang makiusap sa kaniya.

At ang mga anak ni Jacob ay nagsiuwi mula sa parang nang kanilang mabalitaan: at nangagdamdam ang mga lalake, at (D)nagningas ang kanilang galit, (E)sapagka't gumawa ng kaululan sa Israel, na sinipingan ang anak ni Jacob; (F)bagay na di nararapat gawin.

At nakiusap si Hamor sa kanila, na sinasabi, Ang kaluluwa ni Sichem na aking anak ay sumasa iyong anak; ipinamamanhik ko sa inyo na ipagkaloob ninyo sa kaniya na maging asawa niya.

At magsipagasawa kayo sa amin; ibigay ninyo sa amin ang inyong mga anak na babae, at ibibigay namin sa inyo ang aming mga anak na babae.

10 At tatahan kayong kasama namin; (G)at ang lupain ay sasa harap ninyo; tumahan kayo (H)at mangalakal kayo riyan at (I)magkaroon kayo ng mga pagaari riyan.

11 At sinabi ni Sichem sa ama ni Dina, at sa mga kapatid niya, Makásundo nawa ako ng biyaya sa inyong mga mata at ang sabihin ninyo sa akin ay aking ibibigay.

12 (J)Hingin ninyo sa akin ang walang bilang na bigay-kaya at kaloob, at aking ibibigay ayon sa sabihin ninyo sa akin; ipagkaloob lamang ninyo sa akin ang dalaga na maging asawa ko.

13 At nagsisagot na may pagdaraya ang mga anak ni Jacob kay Sichem at kay Hamor na kaniyang ama, at sila'y nagsalitaan, sapagka't kaniyang dinahas si Dina na kanilang kapatid.

14 At sinabi niya sa kanila, Hindi namin magagawa ito, na ibigay ang aming kapatid sa isang hindi tuli; (K)sapagka't isang kasiraan ng puri namin.

15 Sa ganitong paraan lamang papayag kami sa inyo: kung kayo'y magiging gaya namin, na mangatuli ang lahat ng lalake sa inyo;

16 Ay ibibigay nga namin sa inyo ang aming mga anak na babae, at makikisama kami sa inyong mga anak na babae, at tatahan kami sa inyo, at tayo'y magiging isa lamang bayan.

17 Datapuwa't kung ayaw ninyo kaming pakinggan, na kayo'y mangatuli; ay dadalhin nga namin ang aming anak na babae at kami ay yayaon.

18 At ang kanilang mga salita ay kinalugdan ni Hamor at ni Sichem, na anak ni Hamor.

19 At hindi iniliban ng binata ang paggawa niyaon, sapagka't nalugod siya sa anak na babae ni Jacob: (L)at siya ang pinarangalang higit sa buong sangbahayan ng kaniyang ama.

20 At si Hamor at si Sichem na kaniyang anak ay napasa (M)pintuang-bayan ng kanilang bayan, at sila'y nakiusap sa mga tao sa kanilang bayan, na sinasabi.

21 Ang mga taong ito ay tahimik sa atin; kaya't magsitahan sila sa lupain (N)at magsipangalakal sila riyan; sapagka't narito, ang lupain, ay may malabis na kaluwangan sa kanila; tayo'y makisama sa kanilang mga anak na babae, at ating ibigay sa kanila ang ating mga anak.

22 Sa ganito lamang paraan papayagan tayo ng mga taong iyan, sa pagtahan sa atin, na maging isa lamang bayan, kung patuli ang lahat ng lalake sa atin, na gaya naman nila na mga tuli.

23 Di ba magiging atin ang kanilang mga baka at ang kanilang mga pagaari at ang lahat nilang hayop? Atin lamang silang payagan, at tatahan sa atin.

24 At pinakinggan si Hamor at si Sichem na kaniyang anak, ng lahat na lumalabas sa pintuan ng kaniyang bayan; at ang (O)lahat ng lalake ay nagtuli, ang lahat ng lumalabas sa pintuan ng kaniyang bayan.

Ipinaghiganti si Dina ni Simeon at ni Levi.

25 At nangyari, nang ikatlong araw, nang sila'y nangasasaktan, na ang dalawa sa mga anak ni Jacob, si (P)Simeon at si Levi, na mga kapatid ni (Q)Dina, na kumuha ang bawa't isa ng kaniyang tabak, at sila'y lihim na pumasok sa bayan, at kanilang pinatay ang lahat ng mga lalake.

26 At kanilang pinatay si Hamor at si Sichem na kaniyang anak, sa talim ng tabak, at kanilang kinuha si Dina sa bahay ni Sichem, at sila'y nagsialis.

Nilooban ang Sichem.

27 Nagsiparoon ang mga anak ni Jacob sa mga patay, at kanilang sinamsaman ang bayan, sapagka't kanilang dinahas ang kapatid nila.

28 Kinuha nila ang kanilang mga kawan at ang kanilang mga bakahan, at ang kanilang mga asno, at ang nasa bayan, at ang nasa parang;

29 At ang kanilang buong yaman, at ang lahat ng kanilang mga anak, at mga asawa, ay dinala nilang bihag at samsam, sa makatuwid baga'y lahat na nasa bahay.

30 At sinabi ni Jacob kay Simeon at kay Levi, Ako'y inyong (R)binagabag, na pinapaging mapagtanim ninyo ako sa mga tumatahan sa lupain, sa mga Cananeo, at sa mga Pherezeo; (S)at akong may kaunting tao, ay magpipisan sila laban sa akin, at ako'y sasaktan nila; at lilipulin ako at ang aking sangbahayan.

31 At kanilang sinabi, Aariin ba niya ang aming kapatid na parang isang patutot?

'Genesis 34 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.