Add parallel Print Page Options

Sinabi ni Hamor, “Yaman din lamang na iniibig ni Shekem si Dina, bakit hindi pa natin sila ipakasal? Magkaisa na tayo! Hayaan nating mapangasawa ng aming mga binata ang inyong mga dalaga, at ng aming mga dalaga ang inyong mga binata. 10 Sa gayo'y maaari na kayong manatili dito sa aming lupain. Maaari kayong tumira kung saan ninyo gusto; maaari kayong maghanapbuhay at magkaroon ng ari-arian.”

Read full chapter
'Genesis 34:8-10' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Subalit nagsalita si Hamor sa kanila, na sinasabi, “Ang puso ng aking anak na si Shekem ay nasasabik sa iyong anak. Hinihiling ko sa inyo na ipagkaloob ninyo siya sa kanya upang maging asawa niya.

Magsipag-asawa kayo sa amin; ibigay ninyo sa amin ang inyong mga anak na babae, at ibibigay namin sa inyo ang aming mga anak na babae.

10 Kayo'y maninirahang kasama namin, at ang lupain ay magiging bukas sa inyo. Mangalakal kayo at magkaroon kayo ng mga pag-aari dito.”

Read full chapter

At nakiusap si Hamor sa kanila, na sinasabi, Ang kaluluwa ni Sichem na aking anak ay sumasa iyong anak; ipinamamanhik ko sa inyo na ipagkaloob ninyo sa kaniya na maging asawa niya.

At magsipagasawa kayo sa amin; ibigay ninyo sa amin ang inyong mga anak na babae, at ibibigay namin sa inyo ang aming mga anak na babae.

10 At tatahan kayong kasama namin; (A)at ang lupain ay sasa harap ninyo; tumahan kayo (B)at mangalakal kayo riyan at (C)magkaroon kayo ng mga pagaari riyan.

Read full chapter