Add parallel Print Page Options

31 At narinig ni Jacob ang mga salita ng mga anak ni Laban, na nagsisipagsabi, Kinuha ni Jacob ang lahat ng sa ating ama; at doon sa mga sa ating ama ay tinamo niya ang buong karangalang ito.

At minasdan ni Jacob ang mukha ni Laban, at narito't hindi sumasa kaniyang gaya ng dati.

At sinabi ng Panginoon kay Jacob, Magbalik ka sa lupain ng iyong mga magulang, at sa iyong kamaganakan; at ako'y sasaiyo.

At si Jacob ay nagsugo at tinawag si Raquel at si Lea sa bukid, sa kaniyang kawan,

At sinabi sa kanila, Nakikita ko ang mukha ng inyong ama, na hindi sumasaakin na gaya ng dati; datapuwa't ang Dios ng aking ama ay sumaakin.

At nalalaman ninyo, na ang aking buong lakas ay ipinaglingkod ko sa inyong ama.

At dinaya ako ng inyong ama, at binagong makasangpu ang aking kaupahan; datapuwa't hindi pinahintulutan siya ng Dios, na gawan ako ng masama.

Kung kaniyang sinabing ganito, Ang mga may batik ang magiging kaupahan mo; kung magkagayo'y nanganganak ang lahat ng kawan ng mga may batik: at kung kaniyang sinabing ganito, Ang mga may guhit ang magiging kaupahan mo; kung magkagayo'y ang lahat ng kawan ay manganganak ng mga may guhit.

Ganito inalis ng Dios ang mga hayop ng inyong ama, at ibinigay sa akin.

10 At nangyari, na sa panahong ang kawan ay naglilihi, ay itiningin ko ang aking mga mata, at nakita ko sa panaginip, at narito, ang mga kambing na lalake na nakatakip sa kawan ay mga may guhit, may batik at may dungis.

11 At sinabi sa akin ng anghel ng Dios, sa panaginip, Jacob: at sinabi ko, Narito ako.

12 At kaniyang sinabi, Itingin mo ngayon ang iyong mga mata, tingnan mo na ang lahat ng kambing na natatakip sa kawan ay may guhit, may batik at may dungis: sapagka't aking nakita ang lahat na ginagawa sa iyo ni Laban.

13 Ako ang Dios ng Betel, na doon mo pinahiran ng langis ang batong pinakaalaala, at doon ka gumawa ng panata sa akin: ngayo'y tumindig ka, umalis ka sa lupaing ito, at bumalik ka sa lupaing pinanganakan sa iyo.

14 At nagsisagot si Raquel at si Lea, at sa kaniya'y sinabi, Mayroon pa ba kaming natitirang bahagi o mana sa bahay ng aming ama?

15 Hindi ba inaari niya kaming taga ibang bayan? sapagka't ipinagbili niya kami at kaniyang lubos nang kinain ang aming halaga.

16 Sapagka't ang buong kayamanang inalis ng Dios sa aming ama, ay amin yaon at sa aming mga anak: ngayon nga, gawin mo ang lahat ng sinabi sa iyo ng Dios.

17 Nang magkagayo'y tumindig si Jacob, at pinasakay sa mga kamello ang kaniyang mga anak at ang kaniyang mga asawa;

18 At dinala ang kaniyang lahat na hayop, at ang kaniyang buong pag-aaring tinipon, ang hayop na kaniyang napakinabang, na kaniyang tinipon, sa Padan-aram, upang pumaroon kay Isaac na kaniyang ama, sa lupain ng Canaan.

19 Si Laban nga ay yumaon upang gupitan ang kaniyang mga tupa: at ninakaw ni Raquel ang mga larawang tinatangkilik ng kaniyang ama.

20 At tumanan si Jacob na di nalalaman ni Laban na taga Siria, sa di niya pagbibigay alam na siya'y tumakas.

21 Ganito tumakas si Jacob sangpu ng buong kaniya; at bumangon at tumawid sa ilog Eufrates, at siya'y tumungo sa bundok ng Gilead.

22 At binalitaan si Laban sa ikatlong araw, na tumakas si Jacob.

23 At ipinagsama niya ang kaniyang mga kapatid, at hinabol niyang pitong araw; at kaniyang inabutan sa bundok ng Gilead.

24 At naparoon ang Dios kay Laban na taga Siria, sa panaginip sa gabi, at sa kaniya'y sinabi, Ingatan mong huwag kang magsalita kay Jacob ng mabuti o masama man,

25 At inabutan ni Laban si Jacob, At naitirik na ni Jacob ang kaniyang tolda sa bundok; at si Laban sangpu ng kaniyang mga kapatid ay nagtirik din sa bundok ng Gilead.

26 At sinabi ni Laban kay Jacob, Anong ginawa mo na tumanan ka ng di ko nalalaman, at dinala mo ang aking mga anak na parang mangabihag sa tabak?

27 Bakit ka tumakas ng lihim, at tumanan ka sa akin; at hindi mo ipinaalam sa akin, upang ikaw ay napagpaalam kong may sayahan at may awitan, may tambol at may alpa;

28 At hindi mo man lamang ipinahintulot sa aking humalik sa aking mga anak na lalake at babae? Ngayon nga'y gumawa ka ng kamangmangan.

29 Nasa kapangyarihan ng aking kamay ang gawan ko kayo ng masama: nguni't ang Dios ng inyong ama ay kinausap ako kagabi, na sinasabi, Ingatan mong huwag kang magsalita kay Jacob ng mabuti o masama man.

30 At ngayon, bagaman iyong inibig yumaon, sapagka't pinagmimithian mong datnin ang bahay ng iyong ama ay bakit mo ninakaw ang aking mga dios?

31 At sumagot si Jacob, at sinabi kay Laban, Sapagka't ako'y natakot: sapagka't sinabi kong baka mo alising sapilitan sa akin ang iyong mga anak.

32 Kaya kung kanino mo masumpungan ang iyong mga dios, ay huwag mabuhay: sa harap ng ating mga kapatid ay iyong kilalanin kung anong mayroon akong iyo, at dalhin mo sa iyo. Sapagka't hindi nalalaman ni Jacob na si Raquel ang nagnakaw.

33 At pumasok si Laban sa tolda ni Jacob, at sa tolda ni Lea, at sa tolda ng dalawang alilang babae, datapuwa't hindi niya nasumpungan; at lumabas sa tolda ni Lea, at pumasok sa tolda ni Raquel.

34 Nakuha nga ni Raquel ang mga larawan, at naisiksik sa mga daladalahan ng kamello at kaniyang inupuan. At inapuhap ni Laban ang buong palibot ng tolda, nguni't hindi niya nasumpungan.

35 At sinabi niya sa kaniyang ama, Huwag magalit ang aking panginoon na ako'y hindi makatindig sa harap mo; sapagka't ako'y mayroon ng kaugalian ng mga babae. At kaniyang hinanap, datapuwa't hindi masumpungan ang mga larawan.

36 At naginit si Jacob at nakipagtalo kay Laban, at sumagot si Jacob, at sinabi kay Laban, Ano ang aking sinalangsang at ang aking kasalanan, upang ako'y habulin mong may pagiinit?

37 Yamang inapuhap mo ang lahat ng aking kasangkapan, anong nasumpungan mong kasangkapan, ng iyong bahay? Ilagay mo rito sa harap ng aking mga kapatid at ng iyong mga kapatid, upang hatulan nila tayong dalawa.

38 Ako'y natira sa iyo nitong dalawang pung taon: ang iyong mga babaing tupa, at ang iyong mga babaing kambing ay hindi nawalan ng kanilang mga anak, at ang mga tupang lalake ng iyong kawan ay hindi ko kinain.

39 Ang nilapa ng mga ganid ay hindi ko dinala sa iyo; ako ang nagbata ng kawalan; sa aking kamay mo hiningi, maging nanakaw sa araw, o nanakaw sa gabi.

40 Ganito nakaraan ako; sa araw ay pinupugnaw ako ng init, at ng lamig sa gabi; at ang pagaantok ay tumatakas sa aking mga mata.

41 Nitong dalawang pung taon ay natira ako sa iyong bahay; pinaglingkuran kitang labing apat na taon dahil sa iyong dalawang anak, at anim na taon dahil sa iyong kawan: at binago mo ang aking kaupahan na makasangpu.

42 Kung hindi sumaakin ang Dios ng aking ama, ang Dios ni Abraham, at ang Katakutan ni Isaac, ay walang pagsalang palalayasin mo ako ngayong walang dala. Nakita ng Dios ang aking kapighatian, ang kapaguran ng aking mga kamay, at sinaway ka niya kagabi.

43 At sumagot si Laban at sinabi kay Jacob, Ang mga anak na babaing ito, ay aking mga anak at itong mga anak ay mga anak ko, at ang mga kawan ay mga kawan ko, at ang lahat ng iyong nakikita ay akin: at anong magagawa ko ngayon sa mga anak kong babae, o sa kanilang mga anak na ipinanganak nila?

44 At ngayo'y halika, gumawa tayo ng isang tipan, ako't ikaw na maging patotoo sa akin at sa iyo.

45 At kumuha si Jacob ng isang bato, at itinindig na pinakaalaala.

46 At sinabi ni Jacob sa kaniyang mga kapatid, Manguha kayo ng mga bato; at kumuha sila ng mga bato at kanilang ginawang isang bunton: at sila'y nagkainan doon sa malapit sa bunton.

47 At pinanganlan ni Laban na Jegarsahadutha, datapuwa't pinanganlan ni Jacob na Galaad.

48 At sinabi ni Laban, Ang buntong ito ay saksi sa akin at sa iyo ngayon. Kaya't ang pangalan niya'y tinawag na Galaad;

49 At Mizpa sapagka't kaniyang sinabi, Bantayan ng Panginoon ako at ikaw, pag nagkakahiwalay tayo.

50 Kung pahirapan mo ang aking mga anak, o kung magasawa ka sa iba bukod sa aking mga anak, ay wala tayong ibang kasama; tingnan mo, ang Dios ay saksi sa akin at sa iyo.

51 At sinabi ni Laban kay Jacob, Narito, ang buntong ito at ang batong pinakaalaalang ito, na aking inilagay sa gitna natin.

52 Maging saksi ang buntong ito, at saksi ang batong ito, na hindi ko lalagpasan ang buntong ito sa dako mo, at hindi mo lalagpasan ang buntong ito at ang batong pinakaalaalang ito sa pagpapahamak sa amin.

53 Ang Dios ni Abraham at ang Dios ni Nachor, ang Dios ng ama nila ay siyang humatol sa atin. At si Jacob ay sumumpa ng ayon sa Katakutan ng kaniyang amang si Isaac.

54 At naghandog si Jacob ng hain sa bundok, at tinawag ang kaniyang mga kapatid upang magsikain ng tinapay: at sila'y nagsikain ng tinapay, at sila'y nagparaan ng buong gabi sa bundok.

55 At bumangong maaga sa kinaumagahan si Laban, at hinagkan ang kaniyang mga anak na lalake at babae, at pinagbabasbasan: at yumaon at umuwi si Laban.

'Genesis 31 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

雅各思念故乡

31 雅各听见拉班的众子谈论,说:“雅各把我们父亲所有的都夺去了,他这一切财物,都是从我们父亲的财产那里得来的。” 雅各也注意到拉班的脸色,对自己不像从前那样了。 那时,耶和华对雅各说:“你要回到你列祖之地,到你的亲族那里去,我必与你同在。” 雅各就派人把拉结和利亚叫到田间的羊群那里去, 对她们说:“我注意到你们父亲的脸色,对我不像从前那样了;但是我父亲的 神与我同在。 我尽了我的力量来服事你们的父亲,这是你们知道的; 你们的父亲却欺骗了我,十次更改了我的工资;但 神不容许他伤害我。 如果他说:‘有斑点的算是你的工资’,羊群所生的全部都有斑点;如果他说:‘有条纹的算是你的工资’,羊群所生的全部有条纹。 这样, 神把你们父亲的牲畜夺来,赐给我了。 10 有一次,羊群交配的时候,我在梦中举目观看,看见爬在母羊身上的公山羊,都是有条纹、有斑点和有花斑的。 11  神的使者在梦中对我说:‘雅各。’我说:‘我在这里。’ 12 他说:‘你举目观看,所有爬在母羊身上的公山羊,都是有条纹、有斑点和有花斑的,因为拉班向你所作的一切,我都看见了。 13 我就是伯特利的 神,你曾经在那里用油膏过石柱,又在那里向我许过愿。现在你要起程,离开这地,回到你的亲族那里去吧。’” 14 拉结和利亚回答雅各,说:“在我们父亲的家里,我们还有可得的分和产业吗? 15 他不是把我们看作外人吗?因为他把我们卖了,吞没了我们的身价。 16  神从我们父亲夺回来的一切财物,都是属于我们和我们的儿女的。现在 神吩咐你的一切,你只管作吧。”

雅各不辞而别

17 于是雅各起来,叫他的儿女和妻子们都骑上骆驼。 18 又赶着他所有的牲畜,带着他所得的一切财物,就是他在巴旦.亚兰所得的一切牲畜,要到迦南地,他父亲以撒那里去。 19 当时拉班剪羊毛去了,拉结就偷了他父亲的神像。 20 雅各瞒着亚兰人拉班(“瞒着亚兰人拉班”直译是“偷了亚兰人拉班的心”),没有告诉拉班他将要逃走。 21 于是,雅各带着他所有的一切逃走了。他起程渡过了大河,面对着基列山走去。

拉班追赶雅各

22 到了第三天,有人告诉拉班说雅各逃走了。 23 拉班就带着自己的众兄弟追赶他,追了七日的路程,才在基列山把他们追上了。 24 当天晚上, 神在梦中来到亚兰人拉班那里,对他说:“你要小心,不可与雅各说甚么。” 25 拉班追上了雅各。当时雅各已经在山上支搭了帐棚;拉班和他的众兄弟,也在基列山上支搭了帐棚。 26 拉班对雅各说:“你作的是甚么事呢?你瞒着我,把我的女儿们当作战俘一样带走了。 27 你为甚么暗中逃走,瞒着我不让我知道,使我可以欢欢喜喜地唱歌、击鼓、弹琴给你送行呢? 28 你又不让我与我的外孙和女儿亲吻。你所作的太糊涂了! 29 我本来有能力可以伤害你,但昨天晚上,你们父亲的 神对我说:‘你要小心,不可与雅各说甚么。’ 30 现在你既然渴想你的父家,一定要回去,为甚么又偷我的神像呢?” 31 雅各回答拉班,说:“我逃走,是因为我害怕,我心里想:恐怕你会把你的女儿们从我的手中抢走。 32 至于你的神像,你在谁身上搜出来,那人就不该活着;你当着我们众兄弟面前查一查,如果在我这里有甚么东西是你的,你只管拿去。”原来雅各不知拉结偷了神像。

33 拉班进了雅各的帐棚、利亚的帐棚和两个婢女的帐棚,都没有搜出甚么,于是从利亚的帐棚出来,进了拉结的帐棚。 34 拉结已经把神像放在骆驼的鞍下,自己坐在上面。拉班搜遍了帐棚,但没有搜出甚么。 35 拉结对她父亲说:“求我主不要生气,我不能在你面前起来,因为我正有女人的经期。”这样,拉班彻底搜查了,也搜不出那神像来。

36 雅各就生气,与拉班争吵起来。雅各责问拉班说:“我到底有甚么过犯,有甚么罪恶,你竟这样急速地追赶我呢? 37 你已经搜遍了我所有的家具,你有找到你家的东西没有?可以把它放在这里,在你我的众兄弟面前,让他们可以在你我中间判断一下。 38 这二十年来,我与你在一起;你的母绵羊和母山羊没掉过胎,你羊群中的公羊,我没有吃过。 39 被野兽撕裂的,我没有给你带回来,都是由我自己赔偿;无论白天偷去的,或是黑夜偷的,你都要我负责。 40 我白天受尽炎热,黑夜受尽寒霜,不能入睡;我经常是这样。 41 我这二十年在你的家里,为你的两个女儿服事了你十四年;为你的羊群服事了你六年;你又十次改了我的工资。 42 如果不是我父亲的 神,就是亚伯拉罕的 神,以撒所敬畏的 神,与我同在,你现在必定打发我空手回去。但 神看见了我的苦情和我手中的辛劳,所以他昨天晚上责备了你。”

雅各与拉班立约

43 拉班回答雅各,说:“这些女儿是我的女儿;这些孩子是我的孩子;这些羊群也是我的羊群。其实你眼所见的一切都是我的。但我今日向我的女儿和她们所生的孩子,能作甚么呢? 44 来吧,现在我和你可以立约,作为你我之间的证据。” 45 雅各就拿了一块石头,立作石柱。 46 雅各又对自己的众兄弟说:“你们把石头堆聚起来。”他们就把石头拿来,堆成了一堆。他们又在石堆旁边吃喝。 47 拉班称那石堆为伊迦尔.撒哈杜他,雅各却称那石堆为迦累得。 48 拉班说:“今天这堆石头是你我之间的证据。”因此它名叫迦累得, 49 又名叫米斯巴,因为拉班说:“我们彼此分离以后,愿耶和华在你我中间鉴察。 50 你若苦待我的女儿,或在我的女儿以外,另娶妻子,虽然没有人在我们中间作证,但你要注意, 神就是你我之间的见证人。” 51 拉班又对雅各说:“你看这堆石头,看我在你我之间所竖立的石柱。 52 这堆石头就是证据,这石柱也是证据:我决不越过这石堆到你那里去,你也决不可越过这石堆和石柱,到我这里来害我。 53 但愿亚伯拉罕的 神、拿鹤的 神,就是他们父亲的 神,在我们中间判断。”雅各就指着他父亲以撒所敬畏的 神起誓。 54 雅各又在山上献祭,叫了自己的众兄弟来吃饭。他们吃了饭,就在山上过夜。 55 拉班清早起来,与他的外孙和女儿亲吻,给他们祝福。然后拉班离开那里,回自己的地方去了。(本节在《马索拉文本》为32:1)