Genesis 30
Ang Dating Biblia (1905)
30 At nang makita ni Raquel, na hindi siya nagkakaanak kay Jacob, ay nainggit si Raquel sa kaniyang kapatid; at sinabi kay Jacob, Bigyan mo ako ng anak, o kung hindi ay mamamatay ako!
2 At nagningas ang galit ni Jacob laban kay Raquel; at nagsabi, Ako ba'y nasa kalagayan ng Dios, na nagkait sa iyo ng bunga ng bahay-bata?
3 At sinabi niya, Narito ang aking alilang si Bilha, sumiping ka sa kaniya; upang manganak sa ibabaw ng aking mga tuhod, at magkaroon din naman ako ng anak sa pamamagitan niya.
4 At ibinigay niyang asawa si Bilha na kaniyang alila: at sinipingan ni Jacob.
5 At naglihi si Bilha, at nagkaanak kay Jacob, ng isang lalake.
6 At sinabi ni Raquel, Hinatulan ako ng Dios, at dininig din naman ang aking tinig, at binigyan ako ng anak: kaya't pinanganlang Dan.
7 At si Bilhang alila ni Raquel ay naglihi uli at ipinanganak ang kaniyang ikalawang anak kay Jacob.
8 At sinabi ni Raquel, Ako'y nakipagbaka ng malaking pakikipagbaka sa aking kapatid, at ako'y nanaig: at siya'y pinanganlang Nephtali.
9 Nang makita ni Lea, na siya'y hindi na nanganganak, ay kinuha si Zilpa na kaniyang alila at ibinigay na asawa kay Jacob.
10 At si Zilpa na alila ni Lea ay nagkaanak ng isang lalake kay Jacob.
11 At sinabi ni Lea, Kapalaran! at pinanganlang Gad.
12 At ipinanganak ni Zilpa na alila ni Lea, ang kaniyang ikalawang anak kay Jacob.
13 At sinabi ni Lea, Mapalad ako! sapagka't tatawagin akong mapalad ng mga babae: at tinawag niya ang kaniyang pangalan na Aser.
14 At yumaon si Ruben nang panahon ng paggapas ng trigo, at nakasumpong ng mga mandragoras sa bukid, at dinala sa kaniyang inang kay Lea. Nang magkagayo'y sinabi ni Raquel kay Lea, Ipinamamanhik ko sa iyo na bigyan mo ako ng mga mandragoras ng iyong anak.
15 At kaniyang sinabi, Kakaunti pa bang bagay na iyong kinuha ang aking asawa? at ibig mo pa ring kunin ang mga mandragoras ng aking anak? At sinabi ni Raquel, Kaya't sisiping siya sa iyo ngayong gabi, dahil sa mga mandragoras ng iyong anak.
16 At si Jacob ay umuwing galing sa bukid ng hapon, at sinalubong siya ni Lea, at sa kaniya'y sinabi, Sa akin ka dapat sumiping; sapagka't tunay na ikaw ay aking inupahan ng mga mandragoras ng aking anak. At sumiping siya sa kaniya ng gabing yaon.
17 At dininig ng Dios si Lea: at siya'y naglihi at kaniyang ipinanganak kay Jacob ang kaniyang ikalimang anak.
18 At sinabi ni Lea, Ibinigay sa akin ng Dios ang aking kaupahan, sapagka't ibinigay ko ang aking alila sa aking asawa: at kaniyang pinanganlang Issachar.
19 At naglihi uli si Lea, at kaniyang ipinanganak ang kaniyang ikaanim na anak kay Jacob.
20 At sinabi ni Lea, Binigyan ako ng Dios ng isang mabuting kaloob; ngayo'y makikisama na sa akin ang aking asawa, sapagka't nagkaanak ako sa kaniya ng anim na lalake: at kaniyang pinanganlang Zabulon.
21 At pagkatapos ay nanganak siya ng babae, at kaniyang pinanganlang Dina.
22 At naalala ng Dios si Raquel, at dininig ng Dios, at binuksan ang kaniyang bahay-bata.
23 At siya'y naglihi at nanganak ng lalake; at kaniyang sinabi, Inalis ng Dios sa akin ang kakutyaan ko:
24 At kaniyang tinawag ang pangalan niya na Jose, na sinasabi, Dagdagan pa ako ng Panginoon ng isang anak.
25 At nangyari, nang maipanganak ni Raquel si Jose, na sinabi ni Jacob kay Laban, Papagpaalamin mo ako upang ako'y makaparoon sa aking dakong tinubuan at sa aking lupain.
26 Ibigay mo sa akin ang aking mga asawa at ang aking mga anak, na siyang kadahilanan ng ipinaglingkod ko sa iyo, at papagpaalamin mo ako: sapagka't talastas mo ang paglilingkod na ipinaglingkod ko sa iyo.
27 At sinabi sa kaniya ni Laban, Kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa harap ng iyong mga mata, matira ka: aking napagkilala, na pinagpala ako ng Panginoon dahil sa iyo.
28 At kaniyang sinabi, Sabihin mo sa akin ang iyong kaupahan, at ibibigay ko sa iyo.
29 At sinabi niya sa kaniya, Nalalaman mo kung paanong pinaglingkuran kita, at kung anong lagay ng iyong mga hayop dahil sa akin.
30 Sapagka't kakaunti ang tinatangkilik mo bago ako dumating, at naging isang karamihan; at pinagpala ka ng Panginoon saan man ako pumihit; at ngayo'y kailan naman ako maghahanda ng sa aking sariling bahay?
31 At sa kaniya'y sinabi, Anong ibibigay ko sa iyo? At sinabi ni Jacob, Huwag mo akong bigyan ng anoman: kung ito'y iyong gawin sa akin, ay muli kong papastulin at aalagaan ang iyong kawan.
32 Dadaanan ko ang lahat mong kawan ngayon, na aking ihihiwalay doon ang lahat ng batikbatik at may dungis, at ang lahat na maitim sa mga tupa, at ang may dungis at batikbatik sa mga kambing: at siyang magiging aking kaupahan.
33 Gayon ako sasagutan ng aking katuwiran sa haharapin, pagparito mo, tungkol sa aking kaupahan, na nasa harap mo; yaong lahat na walang batik at walang dungis sa mga kambing, at hindi maitim sa mga tupa, na masusumpungan sa akin, ay maibibilang mong nakaw.
34 At sinabi ni Laban, Narito, mangyari nawa ayon sa iyong sabi.
35 At inihiwalay ni Laban ng araw ding yaon ang mga lalaking kambing na may batik at may dungis, at ang lahat ng babaing kambing na may batik at may dungis, lahat ng mayroong kaunting puti, at lahat ng maitim sa mga tupa, at ibinigay sa mga kamay ng kaniyang mga anak;
36 At siya'y naglakad ng tatlong araw ang pagitan kay Jacob; at pinakain ni Jacob ang nalabi sa mga kawan ni Laban.
37 At kumuha si Jacob ng mga sanga ng alamo, at almendro at kastano; at pinagbabakbakan ng mga batik na mapuputi, at kaniyang pinalitaw na gayon ang puti na nasa mga sanga.
38 At kaniyang inilagay ang mga sangang kaniyang binakbakan sa mga bangbang, sa harap ng kawan, sa mga pinagpapainuman; na pinaparoonan ng mga kawan upang uminom; at nangaglilihi pagka nagsisiparoon upang uminom.
39 At nangaglilihi ang mga kawan sa harap ng mga sanga at nanganganak ang mga kawan ng mga may guhit, may batik at may dungis.
40 At ang mga korderong ito ay inihihiwalay ni Jacob, at inihaharap ang kawan sa dakong may batik, at ang lahat ng maitim sa kawan ni Laban; sa kaniyang ibinukod ang mga kawan niya rin, at hindi isinama sa kawan ni Laban.
41 At nangyari, na kailan ma't maglilihi ang mga malakas sa kawan, ay inilalagay ni Jacob ang mga sanga sa harap ng mga mata ng kawan sa mga bangbang, upang sila'y papaglihihin sa gitna ng mga sanga.
42 Datapuwa't pagka ang kawan ay mahina ay hindi niya inilalagay, kaya't ang mahina ay nagiging kay Laban at ang malakas ay kay Jacob.
43 At ang lalake ay lumagong mainam; at nagkaroon ng malalaking kawan, at ng mga aliping babae at lalake, at ng mga kamelyo at ng mga asno.
Genesis 30
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
30 Si Raquel ay hindi pa rin nagbubuntis, kaya nainggit siya kay Lea. Sinabi niya kay Jacob, “Bigyan mo ako ng anak dahil kung hindi, mamamatay talaga ako!”
2 Nagalit si Jacob sa kanya at sinabi, “Bakit, Dios ba ako? Siya ang nagpasya na hindi ka magkaanak.”
3 Sinabi ni Raquel, “Kung ganoon, sumiping ka kay Bilha na alipin ko para kahit sa pamamagitan niya magkaroon din ako ng anak.”
4 Kaya ibinigay niya si Bilha kay Jacob bilang asawa, at sumiping si Jacob kay Bilha.
5 Dumating ang panahon, nabuntis si Bilha at nanganak ng lalaki. 6 Sinabi ni Raquel, “Kinuha na ng Dios ang aking kahihiyan. Tinugon niya ang panalangin ko dahil binigyan niya ako ng isang anak na lalaki.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Dan.[a]
7 Muling nagbuntis si Bilha na alipin ni Raquel at nanganak ng lalaki na pangalawang anak nila ni Jacob. 8 Sinabi ni Raquel, “Napakahigpit ng labanan namin bilang magkapatid, at nagtagumpay ako.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Naftali.[b]
9 Nang hindi na magkaanak si Lea, pinasipingan niya kay Jacob ang alipin niyang si Zilpa. 10 Nabuntis si Zilpa at nanganak ng lalaki. 11 Sinabi ni Lea, “Parang pinalad ako.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Gad.[c]
12 Muling nanganak si Zilpa ng lalaki na pangalawang anak nila ni Jacob. 13 Sinabi ni Lea, “Lubha akong nasisiyahan! Ngayon tatawagin ako ng mga babae na masiyahin.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Asher.[d]
14 Anihan ng trigo noon, pumunta si Reuben sa bukid at may nakita siyang tanim na mandragora. Kumuha siya ng bunga nito at dinala sa ina niyang si Lea. Pagkakita noon ni Raquel ay sinabi niya kay Lea, “Bigyan mo rin ako ng mandragora na dinala ng anak mo.”
15 Pero sumagot si Lea, “Hindi ka pa ba kontento na kinuha mo ang asawa ko? Ngayon, kukunin mo pa ang mandragora ng anak ko?”
Sinabi ni Raquel, “Kung bibigyan mo ako ng mandragora pasisipingin ko si Jacob sa iyo ngayong gabi.”
16 Mag-aagaw dilim na nang dumating si Jacob mula sa bukid, sinalubong siya ni Lea at sinabi, “Kailangang sa akin ka sumiping ngayong gabi, dahil binayaran na kita kay Raquel ng mandragora na dala ng anak ko.” Kaya sumiping si Jacob kay Lea nang gabing iyon.
17 Sinagot ng Dios ang panalangin ni Lea at siyaʼy nabuntis. Nanganak siya ng lalaki na ikalimang anak nila ni Jacob. 18 Sinabi ni Lea, “Ginantimpalaan ako ng Dios dahil ibinigay ko ang alipin ko sa aking asawa.” Kaya pinangalanan niya ang kanyang anak na Isacar.[e]
19 Muling nabuntis si Lea at nanganak ng lalaki na ikaanim nilang anak ni Jacob. 20 Sinabi niya, “Binigyan ako ng Dios ng mabuting regalo. Pararangalan na ako nito ngayon ng asawa ko dahil nabigyan ko na siya ng anim na anak na puro lalaki.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Zebulun.[f]
21 Hindi nagtagal nanganak si Lea ng babae at pinangalanan niyang Dina.
22 Hindi rin kinalimutan ng Dios si Raquel. Sinagot niya ang kanyang panalangin na magkaanak din siya. 23 Nagbuntis siya at nanganak ng lalaki. Sinabi niya, “Inalis ng Dios ang aking kahihiyan.” Kaya pinangalanan niya ang sanggol na Jose[g] dahil sinabi niya, 24 “Nawaʼy bigyan ako ng Panginoon ng isa pang anak.”
Ang Kasunduan ni Jacob at ni Laban
25 Pagkatapos na ipanganak ni Raquel si Jose, sinabi ni Jacob kay Laban, “Pahintulutan nʼyo akong makauwi sa lugar namin. 26 Ibigay nʼyo sa akin ang mga asawa ko, na ipinaglingkod ko sa inyo, at ang mga anak ko, dahil babalik na ako sa amin. Nalalaman nʼyo kung paano ako naglingkod sa inyo.”
27 Sumagot si Laban, “Kung maaari huwag muna. Ayon sa pagpapahula ko, nalaman ko na pinagpala ako ng Panginoon dahil sa iyo. 28 Sabihin mo lang kung magkano ang ibabayad ko sa iyo at babayaran kita.”
29 Sinabi ni Jacob, “Alam mo kung paano ako naglingkod sa inyo at kung paano dumami ang mga hayop ninyo dahil sa pag-aalaga ko. 30 Nang dumating ako rito, kakaunti pa lang ang mga hayop nʼyo, pero ngayon ay napakarami na, dahil pinagpala kayo ng Panginoon dahil sa akin. Ngayon, dapat na sigurong magsumikap ako para sa sarili kong sambahayan.”
31 Nagtanong si Laban, “Ano ba ang gusto mong ibayad ko sa iyo?”
Sumagot si Jacob, “Huwag nʼyo na lang po akong bayaran. Ipagpapatuloy ko ang pag-aalaga sa mga hayop ninyo kung papayag kayo sa kundisyon ko: 32 Titingnan ko ngayon ang mga hayop nʼyo at kukunin ko ang itim na mga tupa at batik-batik na mga kambing. Iyon na lang ang pinakabayad nʼyo sa akin. 33 Darating ang araw, malalaman nʼyo kung maaasahan ako o hindi kung susuriin nʼyo ang mga hayop na ibinayad sa akin. Kung may makita po kayong kambing na hindi batik-batik o tupa na hindi itim, ituring nʼyo na ninakaw ko ito.”
34 Sumagot si Laban, “Kung ganyan ang gusto mo, payag ako.”
35 Pero nang araw ding iyon, ibinukod ni Laban ang mga batik-batik na kambing na lalaki at babae, pati ang mga itim na tupa. Pinaalagaan niya ito sa mga anak niyang lalaki. 36 Ibinukod niya ito kay Jacob sa layo na tatlong araw kung lalakarin. Ang naiwang mga hayop ay ang binabantayan ni Jacob.
37 Kumuha si Jacob ng mga sanga ng almendro, abilyano, at kastanyo, at binalat-balatan niya ito. Pero hindi niya lubos na binalatan, kaya may batik-batik na puti kapag tiningnan ang mga sanga. 38-39 Inilagay niya ang mga sangang iyon sa harapan ng painuman ng mga hayop para makita ng mga ito kapag iinom sila. Doon sa harapan ng mga sanga nagkakastahan[h] ang mga kambing kapag umiinom sila. Batik-batik ang mga anak nila kapag nanganganak sila. 40 Pero iba ang ginawa ni Jacob sa mga tupa: Habang nagkakastahan ang mga hayop na ito, pinapaharap niya sila sa mga batik-batik na kambing niya at sa itim na mga kambing ni Laban. Kaya nakaipon din si Jacob ng sarili niyang mga hayop at hindi niya ito isinama sa mga hayop ni Laban. 41 Kapag nagkakastahan na ang mga hayop na maganda ang katawan doon sa pinag-iinuman, inilalagay agad ni Jacob ang mga sangang iyon sa harapan ng mga ito. 42 Pero kapag ang mga hayop na matatamlay ang nagkakastahan, hindi niya inilalagay ang mga sanga, kaya ang mga matatamlay ay kay Laban at ang mga masisigla ang katawan ay kay Jacob. 43 Sa ganitong paraan, labis na yumaman si Jacob. Dumami ang hayop niya pati na ang mga kamelyo at asno. Dumami rin ang alipin niyang lalaki at babae.
Footnotes
- 30:6 Dan: Ang ibig sabihin, kinuha niya ang aking kahihiyan.
- 30:8 Naftali: Ang ibig sabihin, mahigpit ang labanan.
- 30:11 Gad: Ang ibig sabihin, pinalad.
- 30:13 Asher: Ang ibig sabihin, masiyahin.
- 30:18 Isacar: Maaaring ang ibig sabihin, gantimpala.
- 30:20 Zebulun: Maaaring ang ibig sabihin, karangalan.
- 30:23 Jose: Maaaring ang ibig sabihin, inalis niya; o, binigyan pa ng isa.
- 30:38-39 nagkakastahan: sa Ingles, “mating season.”
Genesis 30
New Catholic Bible
Chapter 30
1 Rachel, seeing that it had not been granted to her to bear sons to Jacob, became jealous of her sister and said to Jacob, “Give me sons, or I shall die!”
2 Jacob was irritated with Rachel and said, “Am I God? He is the one who did not grant you the fruit of the womb.”
3 She answered, “Here is my servant Bilhah; sleep with her so that she may give birth upon my knees[a] and I also may have offspring through her.”
4 She gave her slave Bilhah to Jacob as a wife, and he slept with her. 5 Bilhah conceived and bore a son to Jacob. 6 Rachel said, “God has been just to me and has also listened to my voice, giving me a son.” Because of this she named him Dan.
7 Bilhah, the slave of Rachel, conceived a second time and bore another son to Jacob. 8 Rachel said, “I have undergone a great struggle with my sister and I have won.” Because of this she named him Naphtali.
9 Leah, seeing that she had ceased bearing children, took her slave Zilpah and gave her as a wife to Jacob. 10 Zilpah, the slave of Leah, bore Jacob a son. 11 Leah said, “What good luck!” And she named him Gad.
12 Zilpah, the slave of Leah, bore a second son to Jacob. 13 Leah said, “What joy! The women shall call me truly happy.” Therefore, she named him Asher.
14 Around the time of the wheat harvest, Reuben found some mandrakes,[b] and he brought them to his mother Leah. Rachel said to Leah, “Give me a little of your son’s mandrakes.”
15 But Leah answered, “Is it not enough that you have taken away my husband? Why do you want to take away my son’s mandrakes as well?” Rachel answered, “Then he can lie with you tonight in exchange for your son’s mandrakes.”
16 That night, when Jacob arrived from the fields, Leah went out to him and said to him, “You must sleep with me because I paid for the right to have you with my son’s mandrakes.” Thus, he slept with her that night. 17 God heard Leah, and she conceived and bore a fifth son to Jacob. 18 Leah said, “God has rewarded me for having given my slave to my husband.” This is why she named him Issachar.
19 Leah conceived and bore a sixth son to Jacob. 20 Leah said, “God gave me a beautiful gift. This time my husband will prefer me because I have borne him six sons.” She therefore named him Zebulun.
21 She then bore a daughter and named her Dinah.
22 God also remembered Rachel. He listened to her and opened her womb. 23 She conceived and bore a son and said, “God has removed my dishonor.” 24 She named him Joseph saying, “May the Lord grant me another son.”
25 Jacob’s Means of Becoming Prosperous.[c] After Rachel had borne Joseph, Jacob said to Laban, “Let me go and return to my homeland. 26 Give me my wives, for whom I have served you, and my children, so that I can leave. You know how I served you.”
27 Laban said to him, “If I have found favor with you, please stay, for through divination I have come to know that the Lord has blessed me because of you.” 28 He added, “Establish your salary and I will give it to you.”
29 He answered, “You know how I served you and how your possessions have multiplied through my work. 30 What little you had before I arrived has grown beyond measure, and the Lord has blessed you since my arrival. But now, when will I be able to work for myself as well?”
31 Laban then said, “What must I do for you?” Jacob answered, “You do not have to do anything if you will do the following for me. I will return to pasture your flock and watch over it. 32 Today I will pass through all the animals. I will separate every dark animal from among the sheep and every goat that is spotted or speckled. This will be my salary. 33 In the future, let my honesty answer for me. When you come to verify my salary, every animal that is not speckled or spotted from among the goats and those that are not dark from among the sheep, if you find them with me, will be considered to have been robbed.”
34 Laban said, “Good, let it be as you have said.” 35 That day he removed the speckled and spotted he-goats and the speckled and spotted she-goats, all of those that had some white on them, and every sheep that was a dark color. He placed the flock in the care of his sons, 36 and he determined that there should be a distance of a three days’ journey by camel from Jacob’s flock. Jacob cared for the rest of Laban’s flock.
37 But Jacob took fresh shoots of poplar, almond, and plane trees, and he made white[d] stripes in them by peeling the bark back down to the white core of the shoots. 38 He then took the shoots from which he had peeled the bark and he placed them in the channels, that is, in the watering troughs where the animals came to drink. They were placed where the animals could see them, and the animals mated when they came to drink. 39 Thus, the animals mated in the sight of the shoots, and the goats had kids that were streaked, speckled, and spotted.[e]
40 As for the sheep, Jacob separated them and had them face the animals that were streaked or fully dark of the flock of Laban. He put his own flock in a separate place; he did not put them together with Laban’s flock. 41 Every once in a while, the healthier animals mated, and Jacob would put the shoots in the trough where the animals could see them, so that they would mate in the sight of the shoots. 42 When the animals were weak, he did not put them there. Thus, the weak animals belonged to Laban, and those that were healthy belonged to Jacob. 43 He grew rich beyond measure and possessed great numbers of flocks, male and female slaves, and camels and donkeys.
Footnotes
- Genesis 30:3 Upon my knees: after birth a father customarily took a child on his lap to indicate it was his. Rachel appeals to this custom to show that Bilhah’s child is hers.
- Genesis 30:14 Mandrakes: the ancients regarded the mandrake or mandragora as an aphrodisiac and capable of promoting pregnancy.
- Genesis 30:25 For a long time, Laban has exploited the services of his nephew; now, despite their agreement, he deprives him of the speckled sheep and dark-colored goats to prevent him from obtaining a flock for himself. But Jacob has a trick or two up his sleeve.
- Genesis 30:37 Poplar . . . white: the Hebrew terms for these words are puns on the name Laban. As Jacob had gotten the best of Esau (whose other name, Edom, means “red”) by means of red stew (Gen 25:30), so he now tries to get the best of Laban (whose name means “white”) by means of white branches. In effect, Jacob is using Laban’s own tactic (deception) against him.
- Genesis 30:39 Jacob’s scheme works—but only because of God’s intervention (see Jacob’s own admission in Gen 31:9), not because of Jacob’s superstition.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
