Genesis 28
Ang Dating Biblia (1905)
28 At tinawag ni Isaac si Jacob, at siya'y binasbasan, at siya'y pinagbilinan, na sinabi sa kaniya, Huwag kang magaasawa sa mga anak ng Canaan.
2 Tumindig ka, pumaroon ka sa Padan-aram, sa bahay ni Bethuel, na ama ng iyong ina, at magasawa ka roon sa mga anak ni Laban, na kapatid na lalake ng iyong ina.
3 At ikaw ay pagpalain nawa ng Dios na Makapangyarihan sa lahat, at ikaw ay palaguin, at ikaw ay paramihin, upang ikaw ay maging kapisanan ng mga bayan;
4 At ibigay nawa sa iyo ang pagpapala kay Abraham, sa iyo, at sangpu sa iyong binhi; upang iyong ariin ang lupaing iyong pinaglakbayan, na ibinigay ng Dios kay Abraham.
5 At pinapagpaalam ni Isaac si Jacob: at naparoon siya sa Padan-aram kay Laban, anak ni Bethuel na taga Siria, na kapatid ni Rebeca, na ina ni Jacob at ni Esau.
6 Nakita nga ni Esau na binasbasan ni Isaac si Jacob, at siya'y pinaparoon sa Padan-aram, upang doon magasawa; at nang siya'y basbasan ay ipinagbilin sa kaniya, na sinasabi, Huwag kang magaasawa sa mga anak ng Canaan.
7 At sumunod si Jacob sa kaniyang ama at sa kaniyang ina, at naparoon sa Padan-aram;
8 At nakita ni Esau na hindi nakalulugod ang mga anak ng Canaan kay Isaac na kaniyang ama;
9 At naparoon si Esau kay Ismael, at nagasawa kay Mahaleth, anak ni Ismael, na anak ni Abraham, na kapatid na babae ni Nabaioth, bukod pa sa mga asawang mayroon na siya.
10 At umalis si Jacob sa Beerseba at napasa dakong Haran.
11 At dumating sa isang dako, at nagparaan ng buong gabi roon, sapagka't lumubog na ang araw; at kumuha ng isa sa mga bato sa dakong yaon, at inilagay sa kaniyang ulunan, at nahiga sa dakong yaon upang matulog.
12 At nanaginip, at narito, ang isang hagdan, na ang puno ay nasa lupa, at ang dulo ay umaabot sa langit; at narito, ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik manaog doon.
13 At, narito, ang Panginoon ay nasa kataastaasan niyaon, at nagsabi, Ako ang Panginoon, ang Dios ni Abraham na iyong ama, at ang Dios ni Isaac: ang lupang kinahihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi;
14 At ang iyong binhi ay magiging parang alabok sa lupa, at kakalat ka sa kalunuran, at sa silanganan, at sa hilagaan, at sa timugan at sa iyo at sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng angkan sa lupa.
15 At, narito't ako'y sumasa iyo, at iingatan kita saan ka man pumaroon, at pababalikin kita sa lupaing ito sapagka't hindi kita iiwan hanggang hindi ko magawa ang sinalita ko sa iyo.
16 At nagising si Jacob sa kaniyang panaginip, at nagsabi, Tunay na ang Panginoon ay nasa dakong ito, at hindi ko nalalaman.
17 At siya'y natakot, at kaniyang sinabi, Kakilakilabot na dako ito! ito'y hindi iba kundi bahay ng Dios, at ito ang pintuan ng langit.
18 At si Jacob ay bumangong maaga ng kinaumagahan, at kinuha ang batong kaniyang inilagay sa ulunan niya, at kaniyang itinayo na pinakaalaala, at kaniyang binuhusan ng langis sa ibabaw.
19 At ang ipinangalan niya sa dakong yaon ay Betel: datapuwa't ang pangalan ng bayan nang una ay Luz.
20 At si Jacob ay nagpanata, na sinasabi, Kung sasaakin ang Dios, at ako'y iingatan sa daang ito na aking nilalakaran, at ako'y bibigyan ng tinapay na makakain, at damit na maisusuot,
21 Na ano pa't ako'y makabalik na payapa sa bahay ng aking ama, ay ang Panginoon nga ang magiging aking Dios,
22 At ang batong ito na aking itinayo na pinakaalaala ay magiging bahay ng Dios; at sa lahat ng ibigay mo sa akin ay walang pagsalang ang ikasangpung bahagi ay ibibigay ko sa iyo.
Genesis 28
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
28 Kaya ipinatawag ni Isaac si Jacob. Pagdating niya, binasbasan niya ito at inutusan, “Huwag kang mag-aasawa ng taga-Canaan. 2 Maghanda ka at pumunta sa Padan Aram,[a] doon sa lolo mong si Betuel na ama ng iyong ina. Doon ka pumili ng iyong mapapangasawa sa isa sa mga dalagang anak ni Laban na kapatid ng iyong ina. 3 Nawaʼy pagpalain ka ng Makapangyarihang Dios at bigyan ka ng maraming anak para maging ama ka ng maraming grupo ng tao. 4 Nawaʼy ibigay din sa iyo at sa mga lahi mo ang pagpapalang ibinigay niya kay Abraham, para maging iyo ang lupaing ito na iyong tinitirhan ngayon bilang isang dayuhan. Ang lupaing ito ay ibinigay nga ng Dios kay Abraham.” 5 Agad na pinapunta ni Isaac si Jacob sa Padan Aram, sa lugar ni Laban na anak ni Betuel na Arameo. Si Laban ay kapatid ni Rebeka na ina nina Jacob at Esau.
Muling nag-asawa si Esau
6 Nalaman ni Esau na binasbasan ni Isaac si Jacob at pinapunta sa Padan Aram para roon maghanap ng mapapangasawa. Nalaman din niya na binasbasan ni Isaac si Jacob, inutusan niya ito na huwag mag-asawa ng taga-Canaan. 7 At nalaman din niyang sumunod si Jacob sa magulang nila at pumunta sa Padan Aram. 8 Dito napansin ni Esau na ayaw ng kanyang ama ang mga babaeng taga-Canaan. 9 Kaya pumunta siya sa tiyuhin niyang si Ishmael na anak ni Abraham kay Hagar at napangasawa si Mahalat na kapatid ni Nebayot at anak ni Ishmael, bukod pa sa dalawang naging asawa niya.
Nanaginip si Jacob sa Betel
10 Umalis si Jacob sa Beersheba at lumakad papuntang Haran. 11 Nang lumubog na ang araw, nakarating siya sa isang lugar at doon nanatili nang gabing iyon. Kumuha siya ng isang bato at ginawa niyang unan sa pagtulog niya. 12 Ngayon, nanaginip siya na may isang hagdan na nakatayo sa lupa na abot hanggang langit. Nakita niya ang mga anghel ng Dios na umaakyat at bumababa sa hagdan. 13 Nakita rin niya ang Panginoon na nakatayo sa itaas ng hagdan[b] at sinabi sa kanya, “Ako ang Panginoon, ang Dios ni Abraham at ni Isaac. Ibibigay ko sa iyo at sa mga lahi mo ang lupaing ito na iyong hinihigaan. 14 Ang mga lahi mo ay magiging kasindami ng alikabok sa lupa. Mangangalat sila sa ibaʼt ibang bahagi ng lupa. Sa pamamagitan mo at ng mga lahi mo, pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo. 15 Alalahanin mo palagi na kasama mo ako at iingatan kita kahit saan ka pumunta. Pababalikin kita sa lupaing ito at hindi kita pababayaan hanggang sa matupad ko ang aking ipinangako sa iyo.”
16 Biglang nagising si Jacob at sinabi niya sa kanyang sarili, “Hindi ko alam na nandito pala ang Panginoon sa lugar na ito.” 17 Kinabahan siya at sinabi, “Nakakamangha ang lugar na ito! Tirahan ito ng Dios at dito mismo ang pintuan papuntang langit.”
18 Maagang bumangon si Jacob. Kinuha niya ang batong inunan niya noong gabi at itinayo bilang isang alaala. Pagkatapos, binuhusan niya ito ng langis para maging banal. 19 Pinangalanan ni Jacob ang lugar na iyon na Betel.[c] Dati ay Luz ang pangalan ng lugar na iyon.
20 Sumumpa agad si Jacob na nagsabi, “Panginoon, kung sasamahan po ninyo ako at bibigyan po ng pagkain at damit, 21 at kung makakabalik po akong muli sa bahay ng aking ama na walang masamang nangyari sa akin, kikilalanin ko po kayong aking Dios. 22 Ang bato pong ito na itinayo ko bilang isang alaala ay magpapatunay ng inyong presensya sa lugar[d] na ito. At ibibigay ko po sa inyo ang ikasampung bahagi ng lahat ng ibibigay nʼyo sa akin.”
Genesis 28
New Catholic Bible
Chapter 28
1 Isaac called to Jacob and blessed him and gave him this command: “You must not take a wife from among the daughters of Canaan. 2 Up, go to Paddan-aram, to the house of Bethuel, the father of your mother, and take a wife from there, from among the daughters of Laban, the brother of your mother. 3 May God Almighty bless you; may he make you fruitful and multiply you, so that you become a multitude of people. 4 May he give you the blessing of Abraham, to you and your descendants, so that you may possess the land in which you have dwelt as an alien, the land that God gave to Abraham.” 5 Thus, Isaac sent Jacob away. He went to Paddan-aram, to Laban, the son of Bethuel the Aramean, and the brother of Rebekah, the mother of Jacob and Esau.
6 Esau saw that Isaac had blessed Jacob and had sent him to Paddan-aram to find a wife, and that when he had blessed him, he had commanded him, “You must not take a wife from among the Canaanites.” 7 Jacob obeyed his father and mother and left for Paddan-aram. 8 Esau then understood that Isaac disapproved of the daughters of Canaan. 9 He therefore went to Ishmael and, besides the wives he already had, he took as wife Mahalath, the daughter of Abraham’s son Ishmael and the sister of Nebaioth.
10 Jacob’s Dream at Bethel.[a] Jacob left from Beer-sheba and traveled toward Haran. 11 He came upon a certain place and spent the night there for the sun was setting. He took a stone and used it as a pillow and slept in that place. 12 He had a dream. There was a ladder resting on the earth with its top reaching to heaven. The angels of God were ascending and descending upon it.
13 And the Lord stood before him and said, “I am the Lord, the God of Abraham your father and the God of Isaac. The land on which you are lying shall be given to you and your descendants. 14 Your descendants shall be like the dust of the earth and shall extend to the west and the east, the north and the south. All the nations of the earth shall be blessed through you and through your descendants. 15 I am with you and I will protect you wherever you go. I will make you return to this country, for I will not abandon you without having done all that I have promised you.”
16 Jacob woke from sleep and said, “Truly, the Lord is in this place, and I did not know it.” 17 He was filled with fear and said, “How terrible this place is! This is truly the house of God, this is the gate to heaven.”
18 In the morning Jacob arose early, took the rock that he had used as a pillow, and erected it as a pillar pouring oil on top of it. 19 He named the place Bethel,[b] although the city had previously been called Luz.
20 Jacob made a vow, “If God remains with me and protects me in this journey that I am making and gives me bread to eat and clothes to cover me, 21 and if I return in peace to my father’s house, the Lord will be my God. 22 This stone that I am erecting as a pillar shall be a shrine to God. I will offer you one-tenth of everything that you give me.”
Footnotes
- Genesis 28:10 God does not delay in giving the refugee signs of his goodwill toward him, and the Mesopotamian period of Jacob’s life is set between two important theophanies (the second is in 32:25-31). Upon him is to be built the ladder that he saw in a vision and that unites earth with heaven. The Mesopotamian temple towers were monuments of this kind; by means of them human beings expressed their dream of making the divinity come down to them. Jacob honors the place of the unexpected vision; it will become a sanctuary visited by people until it begins to rival the official sanctuary in Jerusalem (1 Ki 12:26-32; etc.). Jesus Christ, a descendant of Jacob, will tell his first apostles that the heavens will open and that the ladder of the vision is becoming a reality in his person (Jn 1:51). Our liturgy makes the patriarch’s exclamation (Gen 28:17) its own when it celebrates the dedication of a church, which is the sign of the Christian community that prolongs the presence of the Savior on earth.
- Genesis 28:19 Bethel: i.e., “House of God.”
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
