Add parallel Print Page Options

Nanirahan si Isaac sa Gerar

26 Dumating ang taggutom sa lugar na tinitirhan ni Isaac, bukod pa ito sa taggutom na nangyari noong panahon ni Abraham. Kaya pumunta si Isaac kay Abimelec na hari ng mga Filisteo sa Gerar. Nagpakita sa kanya ang Panginoon at sinabi, “Huwag kang pupunta sa Egipto, manatili ka sa lugar na ituturo ko sa iyo. Dito ka lang muna manirahan dahil sasamahan kita at pagpapalain. Ibibigay ko sa iyo at sa mga lahi mo ang lahat ng lupaing ito. Tutuparin ko ang ipinangako ko sa iyong amang si Abraham. Pararamihin ko ang mga lahi mo na kasindami ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa kanila ang lahat ng lupaing ito. At sa pamamagitan nila, pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo. Gagawin ko ito dahil sumunod si Abraham sa akin, tinupad niya ang lahat ng aking kautusan at katuruan.” Kaya roon nanirahan si Isaac sa Gerar.

Kapag may nagtatanong kay Isaac na taga-Gerar tungkol sa kanyang asawa, sinasabi niyang kapatid niya si Rebeka. Maganda si Rebeka, kaya natatakot siyang sabihing asawa niya ito dahil baka siyaʼy patayin nila para makuha si Rebeka.

Matagal-tagal na ang pananatili nina Isaac doon sa Gerar. At isang araw, nagkataon na dumungaw sa bintana si Abimelec na hari ng mga Filisteo at nakita niyang naglalambingan sina Isaac at Rebeka. Kaya ipinatawag niya si Isaac at sinabi, “Asawa mo pala siya? Bakit sinabi mo na kapatid mo siya?”

Sumagot si Isaac, “Natatakot po kasi ako na baka patayin ninyo ako dahil sa kanya.”

10 Sinabi ni Abimelec, “Hindi mabuti ang ginawa mo sa amin. Kung nangyaring ang isa sa tauhan koʼy sumiping sa kanya, ikaw ang magiging dahilan ng pagkakasala namin.”

11 Binalaan agad ni Abimelec ang lahat ng tao. Sinabi niya, “Ang sinumang gagawa ng masama sa lalaking ito o sa asawa niya ay papatayin.”

12 Nang taon ding iyon nagtanim si Isaac sa lugar na iyon at masaganang-masagana ang kanyang ani, dahil pinagpala siya ng Panginoon. 13 Nagpatuloy ang pag-unlad niya hanggang sa yumaman siya nang husto. 14 Nainggit sa kanya ang mga Filisteo dahil marami na ang kanyang tupa, kambing, baka at alipin. 15 Sa inggit nila kay Isaac, tinabunan nila ng lupa ang mga balon na hinukay noon ng mga alipin ng ama niyang si Abraham.

16 Ngayon, sinabi ni Abimelec kay Isaac, “Umalis ka na rito, dahil mas makapangyarihan ka na kaysa sa amin.”

17 Kaya umalis si Isaac, at nagpatayo ng tolda niya sa Lambak ng Gerar at doon na nanirahan. 18 Ipinahukay niyang muli ang mga balon ng ama niyang si Abraham dahil tinabunan ito ng mga Filisteo nang mamatay si Abraham. Pinangalanan ni Isaac ang mga balon ng dati ring pangalan na ibinigay noon ni Abraham.

19 Doon sa lambak, naghukay ng bagong balon ang mga alipin ni Isaac at nakatagpo sila ng bukal. 20 Pero nakipagtalo ang mga pastol na taga-Gerar at mga pastol ni Isaac na kanila raw ang balon na iyon. Kaya pinangalanan ni Isaac ang balon na Esek,[a] dahil nakipagtalo ang mga taga-Gerar sa kanya.

21 Muling naghukay ang mga alipin ni Isaac ng ibang balon, pero pinag-awayan din nila ito ng mga taga-Gerar. Kaya pinangalanan ni Isaac ang balon na Sitna.[b] 22 Umalis sina Isaac doon at muling naghukay ng panibagong balon. Hindi na nila ito pinag-awayan, kaya pinangalanan ito ni Isaac na Rehobot.[c] Sapagkat sinabi niya, “Ngayoʼy binigyan tayo ng Panginoon ng malawak na lugar para lalo pa tayong dumami sa lugar na ito.”

23 Hindi nagtagal, umalis si Isaac sa lugar na iyon at pumunta sa Beersheba. 24 Nang gabing dumating siya, nagpakita sa kanya ang Panginoon at sinabi, “Ako ang Dios ng iyong ama na si Abraham. Huwag kang matakot dahil kasama mo ako. Pagpapalain kita at bibigyan ng maraming lahi dahil kay Abraham na aking lingkod.” 25 Kaya gumawa ng altar si Isaac at sumamba sa Panginoon. Nagpatayo siya ng tolda sa lugar na iyon at nagpahukay ng balon sa kanyang mga alipin.

Ang Kasunduan nina Isaac at Abimelec

26 Pumunta si Abimelec kay Isaac mula sa Gerar kasama si Ahuzat na tagapayo niya at si Picol na pinuno ng kanyang mga sundalo. 27 Nagtanong si Isaac sa kanila, “Bakit kayo pumunta rito? Hindi baʼt galit kayo sa akin kaya pinaalis nʼyo ako sa lugar ninyo?”

28 Sumagot sila, “Napatunayan namin na ang Panginoon ay kasama mo, kaya naisip namin na dapat tayong gumawa ng kasunduan na may panata. Ipangako mo sa amin 29 na hindi mo kami gagawan ng masama, dahil hindi ka rin namin ginawan ng masama nang naroon ka pa sa amin. Inaruga ka namin nang mabuti at pinaalis ka namin nang matiwasay. Ngayon, nawaʼy pagpalain ka pa ng Panginoon.”

30 Kaya nagpahanda si Isaac para sa kanila at nagsikain sila at nag-inuman.

31 Kinabukasan, maaga silang nanumpa sa isaʼt isa. Pagkatapos, naghiwalay sila nang matiwasay.

32 Sa araw ding iyon, dumating ang mga alipin ni Isaac at ibinalita sa kanya na may tubig ang balong hinukay nila. 33 Pinangalanan ni Isaac ang balon na iyon na Shiba. Kaya hanggang ngayon, ang lugar na iyon ay tinatawag na Beersheba.[d]

Nag-asawa si Esau ng Hindi Nila Kalahi

34 Nang 40 taong gulang na si Esau, napangasawa niya si Judit na anak ni Beeri na Heteo. Naging asawa rin niya si Basemat na anak ni Elon na Heteo rin. 35 Ang dalawang babaeng ito ay nagbigay ng kalungkutan kina Isaac at Rebeka.

Footnotes

  1. 26:20 Esek: Ang ibig sabihin, pakikipagtalo.
  2. 26:21 Sitna: Ang ibig sabihin, pag-aaway.
  3. 26:22 Rehobot: Ang ibig sabihin, malawak na lugar.
  4. 26:33 Beersheba: Tingnan ang “footnote” sa 21:31.

26 At nagkagutom sa lupain, bukod sa unang pagkakagutom na nangyari ng mga araw ni Abraham. At naparoon si Isaac kay Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa Gerar.

At napakita ang Panginoon sa kaniya, at nagsabi, Huwag kang bumaba sa Egipto; matira ka sa lupaing aking sasabihin sa iyo:

Matira ka sa lupaing ito, at ako'y sasa iyo, at ikaw ay aking pagpapalain; sapagka't sa iyo at sa iyong binhi ay ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito, at pagtitibayin ko ang sumpang aking isinumpa kay Abraham na iyong ama;

At aking pararamihin ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito: at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa;

Sapagka't sinunod ni Abraham ang aking tinig, at ginanap ang aking bilin, ang aking mga utos, ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kautusan.

At tumahan si Isaac sa Gerar.

At tinanong siya ng mga taong tagaroon tungkol sa kaniyang asawa; at sinabi niya, Siya'y aking kapatid; sapagka't natakot na sabihin, Siya'y aking asawa: baka ako'y patayin, aniya, ng mga taong tagarito, dahil kay Rebeca; dahil sa siya'y may magandang anyo.

At nangyari nang siya'y naroong mahabang panahon, na dumungaw si Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa isang durungawan, at tumingin, at narito't si Isaac ay nakikipaglaro kay Rebeca na kaniyang asawa.

At tinawag ni Abimelech si Isaac, at sa kaniya'y sinabi, Narito, tunay na siya'y iyong asawa: at bakit sinabi mo, Siya'y aking kapatid? At sumagot sa kaniya si Isaac, Sapagka't sinabi ko, Baka ako'y mamatay dahil sa kaniya.

10 At sinabi ni Abimelech, Ano itong ginawa mo sa amin? hindi malayong ang sinoman sa bayan ay nakasiping sa iyong asawa, at sa gayon ay pinapagkasala mo kami.

11 At ibinilin ni Abimelech sa buong bayan, na sinabi, Ang gumalaw sa lalaking ito o sa kaniyang asawa ay tunay na papatayin.

12 At si Isaac ay naghasik sa lupaing yaon, at umani siya ng taong yaon, ng tigisang daan at pinagpala siya ng Panginoon.

13 At naging dakila ang lalake at lalo't lalong naging dakila hanggang sa naging totoong dakila.

14 At siya'y may tinatangkilik na mga kawan, at mga tinatangkilik na mga bakahan, at malaking sangbahayan: at kinainggitan siya ng mga Filisteo.

15 Lahat ng mga balon ngang hinukay ng mga bataan ng kaniyang ama, nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama, ay pinagtabunan ng mga Filisteo, na mga pinuno ng lupa.

16 At sinabi ni Abimelech kay Isaac; Humiwalay ka sa amin, sapagka't ikaw ay makapupong matibay kay sa amin.

17 At umalis si Isaac doon, at humantong sa libis ng Gerar, at tumahan doon.

18 At muling hinukay ni Isaac ang mga balon ng tubig na kanilang hinukay nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama; sapagka't pinagtabunan ng mga Filisteo, pagkamatay ni Abraham: at kaniyang mga pinanganlan ng ayon sa mga pangalang inilagay ng kaniyang ama.

19 At humukay sa libis ang mga bataan ni Isaac, at nangakasumpong doon ng isang balon ng tubig na bumubukal.

20 At nakipagtalo ang mga pastor ni Gerar sa mga pastor ni Isaac, na sinasabi, Amin ang tubig; at kaniyang tinawag ang pangalan ng balon, na Esec; sapagka't ipinakipagkaalit sa kaniya.

21 At sila'y humukay ng ibang balon; at kanilang pinagtalunan din: at kaniyang tinawag ang pangalan na Sitnah.

22 At bumunot siya roon, at humukay ng ibang balon; at hindi nila pinagtalunan: at kaniyang tinawag ang pangalan na Rehoboth; at kaniyang sinabi, Sapagka't ngayo'y binigyan tayo ng Panginoon ng kaluwagan, at lalago tayo sa lupain.

23 At mula roon ay umahon siya sa Beerseba.

24 At napakita sa kaniya ang Panginoon ng gabi ring yaon, at nagsabi, Ako ang Dios ni Abraham na iyong ama: huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo, at ikaw ay aking pagpapalain, at aking pararamihin ang iyong binhi, alangalang kay Abraham na aking lingkod.

25 At si Isaac ay nagtayo roon ng isang dambana, at kaniyang sinambitla ang pangalan ng Panginoon, at itinindig niya roon ang kaniyang tolda: at humukay roon ang mga bataan ni Isaac ng isang balon.

26 Nang magkagayo'y si Abimelech ay naparoon sa kaniya mula sa Gerar, at si Ahuzath na kaniyang kaibigan, at si Phicol na kapitan ng kaniyang hukbo.

27 At sinabi sa kanila ni Isaac, Bakit kayo naparirito sa akin, dangang kayo'y nangapopoot sa akin at pinalayas ninyo ako sa inyo?

28 At sinabi nila, Malinaw na aming nakita, na ang Panginoon ay sumasaiyo: at aming sinabi, Magkaroon ng pagsusumpaan tayo, kami at ikaw at makipagtipan kami sa iyo:

29 Na hindi ka gagawa sa amin ng masama, gaya naman namin na hindi ka namin ginalaw, at wala kaming ginawa sa iyong di mabuti, at pinayaon ka naming payapa: ikaw ngayon ang pinagpala ng Panginoon.

30 At pinaghandaan niya sila, at sila'y nagkainan at naginuman.

31 At sila'y gumising ng madaling araw, at sila'y nagpanumpaan: at sila'y pinagpaalam ni Isaac, at nagsialis na payapa sa kaniya.

32 At nangyari, nang araw ding yaon, na nagsidating ang mga bataan ni Isaac, at siya'y binalitaan tungkol sa balon nilang hinukay, at sinabi sa kaniya, Nakasumpong kami ng tubig.

33 At tinawag niyang Seba: kaya't ang pangalan ng bayang yaon ay Beerseba hanggang ngayon.

34 At nang si Esau ay may apat na pung taon ay nagasawa kay Judit, na anak ni Beeri na Heteo, at kay Basemat na anak ni Elon na Heteo:

35 At sila'y nakasama ng loob kay Isaac at kay Rebeca.

'Genesis 26 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Si Isaac sa Gerar.

26 At nagkagutom sa lupain, bukod sa (A)unang pagkakagutom na nangyari ng mga araw ni Abraham. At naparoon si Isaac kay (B)Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa Gerar.

At napakita ang Panginoon sa kaniya, at nagsabi, Huwag kang bumaba sa Egipto; (C)matira ka sa lupaing aking sasabihin sa iyo:

(D)Matira ka sa lupaing ito, (E)at ako'y sasa iyo, at ikaw ay aking pagpapalain; sapagka't sa iyo at sa iyong binhi ay (F)ibibigay ko ang lahat ng lupaing ito, (G)at pagtitibayin ko ang sumpang aking isinumpa kay Abraham na iyong ama;

At aking (H)pararamihin ang iyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito: (I)at pagpapalain sa iyong binhi ang lahat ng bansa sa lupa;

(J)Sapagka't sinunod ni Abraham ang aking tinig, at ginanap ang aking bilin, ang aking mga utos, ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kautusan.

Nilinlang ni Isaac si Abimelech.

At tumahan si Isaac sa Gerar.

At tinanong siya ng mga taong tagaroon tungkol sa kaniyang asawa; (K)at sinabi niya, Siya'y aking kapatid; (L)sapagka't natakot na sabihin, Siya'y aking asawa: baka ako'y patayin, aniya, ng mga taong tagarito, dahil kay Rebeca; (M)dahil sa siya'y may magandang anyo.

At nangyari nang siya'y naroong mahabang panahon, na dumungaw si Abimelech, na hari ng mga Filisteo sa isang durungawan, at tumingin, at narito't si Isaac ay nakikipaglaro kay Rebeca na kaniyang asawa.

At tinawag ni Abimelech si Isaac, at sa kaniya'y sinabi, Narito, tunay na siya'y iyong asawa: at bakit sinabi mo, Siya'y aking kapatid? At sumagot sa kaniya si Isaac, Sapagka't sinabi ko, Baka ako'y mamatay dahil sa kaniya.

10 At sinabi ni Abimelech, Ano itong ginawa mo sa amin? hindi malayong ang sinoman sa bayan ay nakasiping sa iyong asawa, at sa gayon ay (N)pinapagkasala mo kami.

11 At ibinilin ni Abimelech sa buong bayan, na sinabi, (O)Ang gumalaw sa lalaking ito o sa kaniyang asawa ay tunay na papatayin.

12 At si Isaac ay naghasik sa lupaing yaon, at umani siya ng taong yaon, ng tigisang (P)daan (Q)at pinagpala siya ng Panginoon.

13 At naging dakila ang lalake at lalo't lalong naging dakila hanggang sa naging totoong dakila.

14 At siya'y may tinatangkilik na mga kawan, at mga tinatangkilik na mga bakahan, at malaking sangbahayan: at kinainggitan siya ng mga Filisteo.

15 Lahat ng mga balon ngang hinukay ng mga (R)bataan ng kaniyang ama, nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama, ay pinagtabunan ng mga Filisteo, na mga pinuno ng lupa.

16 At sinabi ni Abimelech kay Isaac; Humiwalay ka sa amin, (S)sapagka't ikaw ay makapupong matibay kay sa amin.

17 At umalis si Isaac doon, at humantong sa libis ng Gerar, at tumahan doon.

18 At muling hinukay ni Isaac ang mga balon ng tubig na kanilang hinukay nang mga kaarawan ni Abraham na kaniyang ama; sapagka't pinagtabunan ng mga Filisteo, pagkamatay ni Abraham: at kaniyang mga (T)pinanganlan ng ayon sa mga pangalang inilagay ng kaniyang ama.

19 At humukay sa libis ang mga bataan ni Isaac, at nangakasumpong doon ng isang balon ng tubig na bumubukal.

20 At (U)nakipagtalo ang mga pastor ni Gerar sa mga pastor ni Isaac, na sinasabi, Amin ang tubig; at kaniyang tinawag ang pangalan ng balon, na Esec; sapagka't ipinakipagkaalit sa kaniya.

21 At sila'y humukay ng ibang balon; at kanilang pinagtalunan din: at kaniyang tinawag ang pangalan na Sitnah.

22 At bumunot siya roon, at humukay ng ibang balon; at hindi nila pinagtalunan: at kaniyang tinawag ang pangalan na Rehoboth; at kaniyang sinabi, Sapagka't ngayo'y binigyan tayo ng Panginoon ng kaluwagan, at lalago tayo sa lupain.

23 At mula roon ay umahon siya sa Beer-seba.

24 At napakita sa kaniya ang Panginoon ng gabi ring yaon, at nagsabi, (V)Ako ang Dios ni Abraham na iyong ama: (W)huwag kang matakot, sapagka't (X)ako'y sumasaiyo, at ikaw ay aking pagpapalain, at aking pararamihin ang iyong binhi, alangalang kay Abraham na aking lingkod.

25 At si Isaac ay (Y)nagtayo roon ng isang dambana, at kaniyang sinambitla ang pangalan ng Panginoon, at itinindig niya roon ang kaniyang tolda: at humukay roon ang mga bataan ni Isaac ng isang balon.

Ang tipan ni Isaac kay Abimelech.

26 Nang magkagayo'y si Abimelech ay naparoon sa kaniya mula sa Gerar, at si Ahuzath na kaniyang kaibigan, at si (Z)Phicol na kapitan ng kaniyang hukbo.

27 At sinabi sa kanila ni Isaac, Bakit kayo naparirito sa akin, dangang kayo'y nangapopoot sa akin (AA)at pinalayas ninyo ako sa inyo?

28 At sinabi nila, Malinaw na aming nakita, (AB)na ang Panginoon ay sumasaiyo: at aming sinabi, Magkaroon ng pagsusumpaan tayo, kami at ikaw at makipagtipan kami sa iyo:

29 Na hindi ka gagawa sa amin ng masama, gaya naman namin na hindi ka namin ginalaw, at wala kaming ginawa sa iyong di mabuti, at pinayaon ka naming payapa: ikaw ngayon ang (AC)pinagpala ng Panginoon.

30 At pinaghandaan niya sila, at sila'y nagkainan at naginuman.

31 At sila'y gumising ng madaling araw, (AD)at sila'y nagpanumpaan: at sila'y pinagpaalam ni Isaac, at nagsialis na payapa sa kaniya.

32 At nangyari, nang araw ding yaon, na nagsidating ang mga bataan ni Isaac, at siya'y binalitaan tungkol sa balon nilang hinukay, at sinabi sa kaniya, Nakasumpong kami ng tubig.

33 At tinawag niyang Seba:[a] (AE)kaya't ang pangalan ng bayang yaon ay Beer-seba[b] hanggang ngayon.

Mga asawa ni Esau.

34 At nang si Esau ay may apat na pung taon ay (AF)nagasawa kay Judit, na anak ni Beeri na Heteo, at kay Basemat na anak ni Elon na Heteo:

35 (AG)At sila'y nakasama ng loob kay Isaac at kay Rebeca.

Footnotes

  1. Genesis 26:33 Sumpa.
  2. Genesis 26:33 Balon ng sumpa.