Genesis 20
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Si Abraham at si Abimelec
20 Umalis sina Abraham sa Mamre at pumunta sa Negev. Doon sila tumira sa kalagitnaan ng Kadesh at Shur. Hindi nagtagal, lumipat sila sa Gerar. 2 Habang naroon sila, ang pakilala ni Abraham kay Sara sa mga tao ay kapatid niya ito. Kaya ipinakuha si Sara ni Haring Abimelec ng Gerar.
3 Isang gabi, nagpakita ang Dios kay Abimelec sa pamamagitan ng isang panaginip. Sinabi niya, “Mamamatay ka dahil kinuha mo ang babaeng iyan na may asawa na.” 4 Pero dahil hindi pa nagagalaw ni Abimelec si Sara, sinabi niya, “Panginoon, bakit nʼyo po ako papatayin at ang mga tauhan ko? Wala po akong kasalanan. 5 Sinabi po kasi ni Abraham na kapatid niya si Sara at sinabi rin ni Sara na kapatid niya si Abraham. Inosente po ako at wala akong masamang balak sa pagkuha kay Sara.”
6 Sinabi pa sa kanya ng Dios sa panaginip, “Oo, alam kong wala kang masamang balak, kaya hindi ko ipinahintulot na magalaw mo siya para hindi ka magkasala sa akin. 7 Pero dapat mo siyang ibalik sa asawa niya dahil ang asawa niya ay isang propeta, at ipapanalangin ka niya para hindi ka mamatay. Pero kapag hindi mo siya naibalik, binabalaan kita na mamamatay ka pati ang lahat ng tauhan mo.”
8 Kinabukasan, maagang ipinatawag ni Abimelec ang lahat ng opisyal niya at sinabi sa kanila ang tungkol sa kanyang panaginip. At labis silang natakot. 9 Pagkatapos, ipinatawag ni Abimelec si Abraham at tinanong, “Ano ang ginawa mong ito sa amin? Ano ba ang kasalanan ko sa iyo na inilagay mo sa kapahamakan ang buong kaharian ko? Hindi tama ang ginawa mo. 10 Bakit mo ito ginawa?” 11 Sumagot si Abraham, “Akala ko po wala ni isa man dito na gumagalang sa Dios, kaya naisip ko na baka patayin nʼyo ako para makuha nʼyo ang asawa ko. 12 Totoo po na magkapatid kami, pero sa ama lang at hindi sa ina; at napangasawa ko po siya. 13 Nang sinabihan po ako ng Dios na umalis sa tahanan ng aking ama, sinabi ko kay Sara na ipakilala niya na magkapatid kami kahit saan kami pumunta. Sa ganito pong paraan, maipapakita niya ang pagmamahal niya sa akin.”
14 Ibinalik ni Abimelec si Sara kay Abraham, at binigyan pa niya si Abraham ng mga tupa, baka, at mga aliping babae at lalaki. 15 Pagkatapos, sinabi niya kay Abraham, “Payag akong patirahin kayo sa aking lupain. Tumira kayo kahit saan ninyo gusto.” 16 Sinabi rin niya kay Sara, “Bibigyan ko ang kapatid mo ng 1,000 pirasong pilak bilang katibayan sa lahat ng kasamahan ninyo na hindi kita nagalaw at para hindi sila mag-isip na nakagawa ka ng masama.”
17-18 Dahil sa pagkuha kay Sara, niloob ng Panginoon na hindi magkakaanak ang lahat ng babae sa sambahayan ni Abimelec. Kaya nanalangin si Abraham sa Dios, at pinagaling ng Dios ang asawa ni Abimelec at ang mga alipin niyang babae para muli silang magkaanak. Pinagaling din ng Dios si Abimelec sa kanyang karamdaman.
Genesis 20
New King James Version
Abraham and Abimelech
20 And Abraham journeyed from (A)there to the South, and dwelt between (B)Kadesh and Shur, and (C)stayed in Gerar. 2 Now Abraham said of Sarah his wife, (D)“She is my sister.” And Abimelech king of Gerar sent and (E)took Sarah.
3 But (F)God came to Abimelech (G)in a dream by night, and said to him, (H)“Indeed you are a dead man because of the woman whom you have taken, for she is [a]a man’s wife.”
4 But Abimelech had not come near her; and he said, “Lord, (I)will You slay a righteous nation also? 5 Did he not say to me, ‘She is my sister’? And she, even she herself said, ‘He is my brother.’ (J)In the [b]integrity of my heart and innocence of my hands I have done this.”
6 And God said to him in a dream, “Yes, I know that you did this in the integrity of your heart. For (K)I also withheld you from sinning (L)against Me; therefore I did not let you touch her. 7 Now therefore, restore the man’s wife; (M)for he is a prophet, and he will pray for you and you shall live. But if you do not restore her, (N)know that you shall surely die, you (O)and all who are yours.”
8 So Abimelech rose early in the morning, called all his servants, and told all these things in their hearing; and the men were very much afraid. 9 And Abimelech called Abraham and said to him, “What have you done to us? How have I [c]offended you, (P)that you have brought on me and on my kingdom a great sin? You have done deeds to me (Q)that ought not to be done.” 10 Then Abimelech said to Abraham, “What did you have in view, that you have done this thing?”
11 And Abraham said, “Because I thought, surely (R)the fear of God is not in this place; and (S)they will kill me on account of my wife. 12 But indeed (T)she is truly my sister. She is the daughter of my father, but not the daughter of my mother; and she became my wife. 13 And it came to pass, when (U)God caused me to wander from my father’s house, that I said to her, ‘This is your kindness that you should do for me: in every place, wherever we go, (V)say of me, “He is my brother.” ’ ”
14 Then Abimelech (W)took sheep, oxen, and male and female servants, and gave them to Abraham; and he restored Sarah his wife to him. 15 And Abimelech said, “See, (X)my land is before you; dwell where it pleases you.” 16 Then to Sarah he said, “Behold, I have given your brother a thousand pieces of silver; (Y)indeed this [d]vindicates you (Z)before all who are with you and before everybody.” Thus she was [e]rebuked.
17 So Abraham (AA)prayed to God; and God (AB)healed Abimelech, his wife, and his female servants. Then they bore children; 18 for the Lord (AC)had closed up all the wombs of the house of Abimelech because of Sarah, Abraham’s wife.
Footnotes
- Genesis 20:3 Lit. married to a husband
- Genesis 20:5 innocence
- Genesis 20:9 sinned against
- Genesis 20:16 Lit. is a covering of the eyes for you to all
- Genesis 20:16 Or justified
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.

