Add parallel Print Page Options

At sinabi sa kaniya ng Dios sa panaginip: Oo, talastas ko, na sa katapatang loob ng iyong puso ay ginawa mo ito, at hinadlangan din naman kita sa pagkakasala ng (A)laban sa akin: kaya't hindi ko ipinahintulot sa iyong galawin mo siya.

Ngayon nga'y isauli mo ang asawa ng lalaking ito; sapagka't siya'y profeta, (B)at ikaw ay ipananalangin niya, at mabubuhay ka: at kung di mo siya isauli, ay talastasin mong walang pagsalang mamamatay ka, ikaw at ang (C)lahat ng iyo.

At si Abimelech ay bumangong maaga ng kinaumagahan at tinawag ang lahat niyang bataan, at sinabi sa kanilang pakinig ang lahat ng bagay na ito: at ang mga tao'y natakot na mainam.

Read full chapter