Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
A new Bible Gateway experience is here. Spot something unexpected? Tell us what needs a closer look.
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Study resources + Scripture = deeper understanding.
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • News
  • Explore
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Take a Tour
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
ABTAG1978
Version
Bible Books Bible Books
ABTAG1978
Version
Read
Study
News
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
Print PrintSettingsSettingsShare ShareParallelParallelExpandExpandCollapse

Genesis 20  Ang Biblia (1978)

Pinaglalangan ni Abraham si Abimelech.

20 (A)At mula roon ay naglakbay si Abraham sa dakong lupain ng Timugan, (B)at tumahan sa pagitan ng Cades at Shur; (C)at siya'y nakipamayan sa Gerar.

2 At sinabi ni Abraham tungkol kay Sara na kaniyang asawa, Siya'y (D)aking kapatid; at si Abimelech na hari sa Gerar, ay nagsugo at kinuha si Sara.

3 Datapuwa't naparoon ang (E)Dios kay Abimelech (F)sa panaginip sa gabi, at sa kaniya'y sinabi, Narito, ikaw ay dili iba't isang patay dahil sa babaing iyong kinuha; sapagka't siya'y asawa ng isang lalake.

4 Nguni't si Abimelech ay hindi pa, nakasisiping sa kaniya: at nagsabi, Panginoon, (G)papatayin mo ba pati ng isang bansang banal?

5 Hindi ba siya rin ang nagsabi sa akin, Siya'y aking kapatid? at si Sara man ay nagsabi, Siya'y aking kapatid; sa katapatang loob ng aking puso, at kawalang sala ng aking mga kamay, ay ginawa ko ito.

6 At sinabi sa kaniya ng Dios sa panaginip: Oo, talastas ko, na sa katapatang loob ng iyong puso ay ginawa mo ito, at hinadlangan din naman kita sa pagkakasala ng (H)laban sa akin: kaya't hindi ko ipinahintulot sa iyong galawin mo siya.

7 Ngayon nga'y isauli mo ang asawa ng lalaking ito; sapagka't siya'y profeta, (I)at ikaw ay ipananalangin niya, at mabubuhay ka: at kung di mo siya isauli, ay talastasin mong walang pagsalang mamamatay ka, ikaw at ang (J)lahat ng iyo.

8 At si Abimelech ay bumangong maaga ng kinaumagahan at tinawag ang lahat niyang bataan, at sinabi sa kanilang pakinig ang lahat ng bagay na ito: at ang mga tao'y natakot na mainam.

9 Nang magkagayo'y tinawag ni Abimelech si Abraham, at sa kaniya'y sinabi, Anong ginawa mo sa amin? at sa ano ako nagkasala laban sa iyo, na dinalhan mo ako at ang aking kaharian ng isang malaking kasalanan? Ginawan mo ako ng mga gawang di marapat gawin.

10 At sinabi ni Abimelech kay Abraham, Anong nakita mo na ginawa mo ang bagay na ito?

11 At sinabi ni Abraham, Sapagka't inisip ko. Tunay na (K)walang takot sa Dios sa dakong ito: (L)at papatayin nila ako dahil sa aking asawa.

12 (M)At saka talagang siya'y kapatid ko, na anak ng aking ama, datapuwa't hindi anak ng aking ina; at siya'y naging asawa ko:

13 (N)At nangyari, na nang ako'y palayasin ng Dios sa bahay ng aking ama, na sinabi ko sa kaniya, Ito ang magandang kalooban mo na maipakikita sa akin; sa lahat ng dakong ating datnin, ay (O)sabihin mo tungkol sa akin, Siya'y aking kapatid.

14 At si Abimelech ay (P)kumuha ng mga tupa at mga baka, at mga aliping lalake at babae, at ipinagbibigay kay Abraham, at isinauli sa kaniya si Sara na kaniyang asawa.

15 At sinabi ni Abimelech, (Q)Narito ang lupain ko ay nasa harapan mo: tumahan ka kung saan mo magalingin.

16 At kay Sara'y sinabi niya, Narito, nagbigay ako ng isang libong putol na pilak sa (R)iyong kapatid: narito, ito sa iyo'y (S)piring sa mga mata ng lahat ng kasama mo; at sa harap ng lahat ay nagbangong puri ka.

17 At nanalangin si Abraham sa Dios; at pinagaling ng Dios si Abimelech, at ang kaniyang asawa, at ang kaniyang mga aliping babae, na ano pa't nagkaanak sila.

18 Sapagka't (T)sinarhang lubos ng Panginoon ang lahat ng bahay-bata sa bahay ni Abimelech, dahil kay Sara, na asawa ni Abraham.

Cross references

  1. 20:1 : Gen. 18:1.
  2. 20:1 : Gen. 16:7, 14.
  3. 20:1 : Gen. 26:6.
  4. 20:2 : Gen. 12:13; 26:7.
  5. 20:3 : Awit 105:14.
  6. 20:3 : Job 33:5.
  7. 20:4 : Gen. 18:23.
  8. 20:6 : Gen. 39; Awit 51:4.
  9. 20:7 : 1 Sam. 7:5; Job 42:8.
  10. 20:7 : Blg. 16:32, 33.
  11. 20:11 : Kaw. 16:6.
  12. 20:11 : Gen. 12:12; 26:7.
  13. 20:12 : Gen. 11:29.
  14. 20:13 : Gen. 12:1, 9, 11.
  15. 20:13 : Gen. 12:13.
  16. 20:14 : Gen. 12:16.
  17. 20:15 : Gen. 13:9.
  18. 20:16 : tal. 5.
  19. 20:16 : Gen. 24:65.
  20. 20:18 : Gen. 12:17.
Next
Genesis 19
Genesis 21
Next
dropdown
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway