Add parallel Print Page Options

16 Si Sarai nga na asawa ni Abram ay hindi nagkaanak sa kaniya; at siya'y may isang alilang babae na taga Egipto, na nagngangalang Agar.

At sinabi ni Sarai kay Abram, Narito, ngayon, ako'y hinadlangan ng Panginoon na ako'y magkaanak; ipinamamanhik ko sa iyong sumiping ka sa aking alilang babae; marahil ay magkakaanak ako sa pamamagitan niya. At dininig ni Abram ang sabi ni Sarai.

At kinuha ni Sarai na asawa ni Abram, si Agar na taga Egipto, na kaniyang alila, pagkaraan ng sangpung taon na makatahan si Abram sa lupain ng Canaan, at ibinigay kay Abram na kaniyang asawa upang maging asawa niya.

At siya'y sumiping kay Agar, at naglihi: at nang makita niyang siya'y naglihi, ay niwalang halaga niya ang kaniyang panginoong babae sa kaniyang paningin.

At sinabi ni Sarai kay Abram, Ang aking pagkaapi ay sumaiyo: idinulot ko ang aking alila sa iyong sinapupunan; at nang makita niyang siya'y naglihi, ay niwalan akong kabuluhan sa kaniyang paningin: ang Panginoon ang humatol sa akin at sa iyo.

Datapuwa't sinabi ni Abram kay Sarai, Narito, ang iyong alila ay nasa iyong kamay; gawin mo sa kaniya ang iyong minamagaling sa iyong paningin. At dinuwahagi siya ni Sarai, at si Agar ay tumakas mula sa kaniyang harap.

At nasumpungan siya ng anghel ng Panginoon sa tabi ng isang bukal ng tubig sa ilang, sa bukal na nasa daang patungo sa Shur.

At sinabi, Agar, alila ni Sarai, saan ka nanggaling? at saan ka paroroon? at kaniyang sinabi, Ako'y tumatakas mula sa harap ni Sarai na aking panginoon.

At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Magbalik ka sa iyong panginoon, at pahinuhod ka sa kaniyang mga kamay.

10 At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Pararamihin kong mainam ang iyong binhi, na hindi mabibilang dahil sa karamihan.

11 At sinabi sa kaniya ng anghel ng Panginoon, Narito't ikaw ay nagdadalang-tao at ikaw ay manganganak ng isang lalake; at ang itatawag mo sa kaniyang ngalan ay Ismael, sapagka't diningig ng Panginoon ang iyong kadalamhatian.

12 At siya'y magiging parang asnong bundok sa gitna ng mga tao; ang kaniyang kamay ay magiging laban sa lahat, at ang kamay ng lahat ay laban sa kaniya; at siya'y tatahan sa harap ng lahat niyang mga kapatid.

13 At kaniyang tinawagan ang ngalan ng Panginoon na nagsalita sa kaniya, Ikaw ay Dios na nakakakita: sapagka't sinabi niya, Namasdan ko rin ba rito ang likuran niyaong nakakakita sa akin?

14 Kaya't nginalanan ang balong yaon Balon ng Nabubuhay na nakakakita sa akin; narito't ito'y nasa pagitan ng Cades at Bered.

15 At nanganak si Agar ng isang lalake kay Abram at ang itinawag ni Abram, na pangalan sa kaniyang anak na ipinanganak ni Agar, ay Ismael.

16 At si Abram ay may walong pu't anim na taon nang ipanganak si Ismael ni Agar kay Abram.

Si Hagar at si Ishmael

16 Si Sarai na asawa ni Abram ay hindi magkaanak. May alipin siyang babae na taga-Egipto na ang pangalan ay Hagar. Sinabi ni Sarai kay Abram, “Dahil hindi pinahintulutan ng Panginoon na magkaanak ako, mabuti pa sigurong sumiping ka sa alipin kong babae, baka sakaling magkaroon tayo ng anak sa pamamagitan niya.”

Pumayag si Abram sa sinabi ng kanyang asawa. Kaya ibinigay ni Sarai si Hagar kay Abram para maging asawa nito. (Nangyari ito matapos manirahan si Abram sa Canaan ng sampung taon.) At nagbuntis nga si Hagar.

Nang malaman ni Hagar na buntis siya, hinamak niya si Sarai. Dahil dito, sinabi ni Sarai kay Abram, “Ngayong buntis na si Hagar hinahamak na niya ako. Ikaw ang dapat sisihin. Ibinigay ko siya sa iyo at ikaw dapat ang sumaway sa kanya. Ang Panginoon na ang humatol kung sino sa atin ang tama.”

Sumagot si Abram, “Kung ganoon, ibabalik ko siya sa iyo bilang alipin mo at bahala ka kung ano ang gusto mong gawin sa kanya.” Simula noon, hindi naging maganda ang pakikitungo ni Sarai kay Hagar, kaya lumayas na lamang ito.

Nakita si Hagar ng anghel ng Panginoon doon sa bukal ng tubig sa ilang. Ang bukal na ito ay malapit sa daan na papuntang Shur. Tinanong siya ng anghel, “Hagar, alipin ni Sarai, saan ka ba nanggaling at saan ka pupunta?”

Sumagot siya, “Lumayas po ako sa amo kong si Sarai.”

Sinabi ng anghel sa kanya, “Bumalik ka sa amo mo at magpakumbaba ka sa kanya.” 10 Pagkatapos, sinabi pa ng anghel,

“Pararamihin ko ang lahi mo na ang dami nilaʼy hindi mabibilang.”

11 At sinabi pa ng anghel ng Panginoon sa kanya,

“Buntis ka na at hindi magtatagal ay magkakaanak ka ng lalaki. Pangangalanan mo siyang Ishmael,[a] dahil pinakinggan ng Panginoon ang pagtawag mo sa kanya dahil sa iyong pagtitiis.
12 Pero ang anak mo ay mabubuhay na katulad ng isang asnong-gubat. Kakalabanin niya ang lahat, at ang lahat ay lalaban sa kanya. Kahit ang mga kamag-anak niya ay lalaban sa kanya.”

13 Tinawag ni Hagar na “Dios na Nakakakita” ang pangalan ng Panginoon na nakipag-usap sa kanya, dahil sinabi niya, “Tunay bang nakita ko ang Dios na nakakakita sa akin sa lugar na ito?” 14 Iyon ang bukal na naroon sa gitna ng Kadesh at Bered na tinatawag na Beer Lahai Roi.[b]

15 Bumalik si Hagar kay Sarai, at dumating ang panahon na nanganak siya ng isang lalaki. Pinangalanan ni Abram ang bata na Ishmael. 16 Nasa 86 na taong gulang si Abram nang ipinanganak si Ishmael.

Footnotes

  1. 16:11 Ishmael: Ang ibig sabihin, nakikinig ang Dios.
  2. 16:14 Beer Lahai Roi: Ang ibig sabihin, Balon ng buhay na Dios na nakakakita sa akin.

夏甲與以實瑪利

16 亞伯蘭的妻子撒萊,沒有為他生孩子。撒萊卻有一個婢女,是埃及人,名叫夏甲。 撒萊對亞伯蘭說:“請看,耶和華使我不能生育,求你去親近我的婢女,或者我可以從她得孩子。”亞伯蘭就聽從了撒萊的話。 亞伯蘭在迦南地住滿了十年,他的妻子撒萊,把自己的婢女埃及人夏甲,給了她的丈夫亞伯蘭為妾。 亞伯蘭與夏甲親近,夏甲就懷了孕。夏甲見自己有了孕,就輕看她的主母。 撒萊對亞伯蘭說:“我因你受屈;我把我的婢女送到你的懷中,她見自己有了孕,就輕看我。願耶和華在你我之間主持公道。” 亞伯蘭對撒萊說:“你的婢女在你手中,你看怎樣好,就怎樣待她吧。”於是撒萊虐待夏甲,她就從撒萊面前逃走了。

耶和華的使者在曠野的水泉旁邊,就是在到書珥路上的水旁邊,遇到了她, 就問她:“撒萊的婢女夏甲啊,你從哪裡來?要到哪裡去?”夏甲回答:“我從我的主母撒萊面前逃出來。” 耶和華的使者對她說:“回到你主母那裡去,服在她的手下!” 10 耶和華的使者又對她說:“我必使你的後裔人丁興旺,多到不可勝數。” 11 耶和華的使者再對她說:

“看哪,你已經懷了孕,

你要生一個兒子;

你要給他起名叫以實瑪利,

因為耶和華聽見了你的苦情。

12 他將來為人,

必像野驢。

他的手要攻打人,

人的手也要攻打他。

他必住在眾兄弟的東面。”

13 於是,夏甲給那對她說話的耶和華,起名叫“你是看顧人的 神”,因為她說:“在這裡我不是也看見了那位看顧人的嗎?” 14 因此,這井名叫庇耳.拉海.萊,是在加低斯和巴列之間。

15 夏甲給亞伯蘭生了一個兒子,亞伯蘭就給夏甲所生的兒子,起名叫以實瑪利。 16 亞伯蘭八十六歲的時候,夏甲給他生了以實瑪利。

'Genesis 16 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.