Add parallel Print Page Options

Ang pangako ng Dios kay Abram.

15 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa pangitain na nagsasabi, (A)Huwag kang matakot, Abram: ako ang iyong (B)kalasag, at ang iyong (C)ganting pala na lubhang dakila.

At sinabi ni Abram, Oh Panginoong Dios, anong ibibigay mo sa akin, kung ako'y nabubuhay na walang anak at ang magaari ng aking bahay ay itong taga Damascong si Eliezer?

At sinabi ni Abram, Narito, hindi mo ako binigyan ng anak (D)at, narito't isang ipinanganak sa aking bahay ang siyang tagapagmana ko.

At, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsabi, Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo; kundi (E)lalabas sa iyong sariling katawan ang magiging tagapagmana mo.

At siya'y inilabas at sinabi, Tumingala ka ngayon sa langit, (F)at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo: at sa kaniya'y sinabi, Magiging (G)ganiyan ang iyong binhi.

(H)At sumampalataya siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kaniya.

At sinabi sa kaniya, (I)Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo, upang ibigay sa iyo ang lupaing ito na manahin mo.

At sinabi niya, Oh Panginoong Dios, (J)paanong pagkakilala ko na aking mamanahin?

At sinabi sa kaniya, Magdala ka rito sa akin ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang, at ng isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang, at ng isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang, at ng isang inakay na batobato at ng isang inakay na kalapati.

10 At dinala niya ang lahat ng ito sa kaniya, at (K)pinaghati niya sa gitna, at kaniyang pinapagtapattapat ang kalakalahati; (L)datapuwa't hindi hinati ang mga ibon.

11 At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram.

12 At nang lulubog na ang araw, ay (M)nakatulog si Abram ng mahimbing; at, narito, ang isang kasindaksindak na malaking kadiliman ay sumakaniya.

13 At sinabi ng Dios kay Abram, Tunay na pakatalastasin mo, (N)na ang iyong binhi ay magiging taga ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at mangaglilingkod (O)sa mga yaon; at pahihirapang apat na raang taon.

14 At yaon namang bansang kanilang paglilingkuran ay aking hahatulan: (P)at pagkatapos ay aalis silang may malaking pagaari.

15 (Q)Datapuwa't ikaw ay payapang pasa sa (R)iyong mga magulang; (S)at ikaw ay malilibing sa mabuting katandaan.

16 At sa ikaapat na salin ng iyong binhi, ay magsisipagbalik rito: (T)sapagka't hindi pa nalulubos ang katampalasanan ng mga (U)Amorrheo.

17 At nangyari, na paglubog ng araw, at pagdilim, na narito, ang isang hurnong umuusok, at ang isang tanglaw na nagniningas na dumaan sa gitna ng mga hinating hayop.

18 Nang araw na yaon, ang Panginoon ay (V)nakipagtipan kay Abram, na nagsabi, (W)Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Egipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates.

19 Ang mga Cineo, at ang mga Ceneceo, at ang mga Cedmoneo,

20 At ang mga Heteo, at ang mga Pherezeo, at ang mga Refaim,

21 At ang mga Amorrheo, at ang mga Cananeo, at ang mga Gergeseo, at ang mga Jebuseo.

'Genesis 15 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

上帝与亚伯兰立约

15 这些事以后,耶和华在异象中对亚伯兰说:“亚伯兰,你不用害怕,我是你的盾牌,我要大大赏赐你。” 亚伯兰说:“主耶和华啊,你要赐我什么呢?我没有儿子,继承我家业的人是大马士革人以利以谢。” 亚伯兰又说:“你没有赐我儿子,我家中的仆人将继承我的产业。” 耶和华又对他说:“这人不会成为你的继承人,你亲生的儿子才是你的继承人。” 耶和华把亚伯兰带到外面,对他说:“你抬头看看天空,数数繁星,你能数得尽吗?你的后裔必这么多。” 亚伯兰信耶和华,耶和华便算他为义人。

耶和华又对他说:“我是耶和华,我带你离开了迦勒底的吾珥,为要把这片土地赐给你。” 亚伯兰说:“主耶和华啊,我怎么知道我会得到这片土地呢?” 耶和华说:“你要给我预备三岁的母牛、母山羊和公绵羊各一头,斑鸠和雏鸽各一只。” 10 亚伯兰一一照办,把牲畜都劈成两半,一半对着一半地摆列,但没有劈开雀鸟。 11 有鸷鸟飞到那些尸体上,亚伯兰赶走了它们。

12 太阳下山的时候,亚伯兰睡得很沉,忽然有可怕的黑暗笼罩着他。 13 耶和华对他说:“你要清楚知道,你的后裔必流落异乡,被奴役、虐待四百年。 14 但我必惩罚奴役他们的国家,之后他们必带着大量的财物离开那里。 15 而你必享长寿,安然离世。 16 到了第四代[a],你的子孙必重回此地,因为亚摩利人现在还没有恶贯满盈。”

17 太阳下山后,大地黑暗,突然有冒烟的火炉和点着的火炬在肉块中经过。 18 就在那天,耶和华跟亚伯兰立约,说:“我必将这片土地赐给你的后代,使他们得到从埃及河到幼发拉底河一带的土地, 19 就是基尼人、基尼洗人、甲摩尼人、 20 赫人、比利洗人、利乏音人、 21 亚摩利人、迦南人、革迦撒人和耶布斯人的土地。”

Footnotes

  1. 15:16 ”希伯来文可能指人一生的年日。

Ang Tipan ng Diyos kay Abram

15 Pagkatapos ng mga bagay na ito, dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa isang pangitain, “Huwag kang matakot, Abram; ako ang iyong kalasag, ang iyong gantimpala ay magiging napakadakila.”

Ngunit sinabi ni Abram, “O Panginoong Diyos, anong ibibigay mo sa akin, yamang ako'y patuloy na walang anak at ang tagapagmana ng aking bahay ay si Eliezer ng Damasco?”

At sinabi ni Abram, “Hindi mo ako binigyan ng anak at isang alipin na ipinanganak sa aking bahay ang magiging tagapagmana ko.”

Ngunit ang salita ng Panginoon ay dumating sa kanya, “Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo; ang iyong sariling anak ang magiging tagapagmana mo.”

Siya'y(A) dinala niya sa labas at sinabi, “Tumingala ka ngayon sa langit, at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo.” At sinabi sa kanya, “Magiging ganyan ang iyong binhi.”

Sumampalataya(B) siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kanya.

At sinabi niya sa kanya, “Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo, upang ibigay sa iyo ang lupaing ito para angkinin.”

Sinabi niya, “O Panginoong Diyos, paano ko malalaman na mamanahin ko iyon?”

At sinabi sa kanya, “Magdala ka rito ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang, isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang, isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang, isang inakay na batu-bato, at isang inakay na kalapati.”

10 Dinala niya ang lahat ng ito sa kanya at hinati niya sa gitna, at kanyang inihanay na magkakatapat ang isa't isa subalit hindi niya hinati ang mga ibon.

11 Nang bumaba ang mga ibong mandaragit sa mga bangkay, ang mga iyon ay binugaw ni Abram.

12 Nang(C) lulubog na ang araw, nakatulog si Abram nang mahimbing; isang makapal at nakakatakot na kadiliman ang dumating sa kanya.

13 Sinabi(D) ng Panginoon kay Abram, “Tunay na dapat mong malaman na ang iyong binhi ay magiging taga-ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at sila'y magiging mga alipin doon, at sila'y pahihirapan sa loob ng apatnaraang taon;

14 ngunit(E) ang bansang kanilang paglilingkuran ay aking hahatulan; at pagkatapos ay aalis sila na may malaking ari-arian.

15 Subalit ikaw ay payapang tutungo sa iyong mga ninuno, at ikaw ay malilibing sa panahong lubos na ang iyong katandaan.

16 Sa ikaapat na salin ng iyong binhi, muli silang babalik rito sapagkat hindi pa nalulubos ang kasamaan ng mga Amoreo.”

17 Nang lumubog na ang araw at madilim na, isang hurnong umuusok at ang isang tanglaw na nagniningas ang dumaan sa gitna ng mga hinating hayop.

18 Nang(F) araw na iyon, ang Panginoon ay nakipagtipan kay Abram, na sinasabi, “Ibinigay ko ang lupaing ito sa iyong binhi, mula sa ilog ng Ehipto hanggang sa malaking ilog, ang Ilog Eufrates,

19 ang lupain ng mga Kineo, Kenizeo, at ng mga Cadmoneo,

20 ng mga Heteo, Perezeo, at Refaim,

21 at ng mga Amoreo, Cananeo, Gergeseo, at ng mga Jebuseo.”