Add parallel Print Page Options

18 Nang araw na yaon, ang Panginoon ay (A)nakipagtipan kay Abram, na nagsabi, (B)Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Egipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates.

Read full chapter

31 (A)At aking itatatag ang iyong hangganan na mula sa Dagat na Mapula hanggang sa dagat ng Filistia at mula sa ilang hanggang sa Ilog ng Eufrates: (B)sapagka't aking ibibigay ang mga nananahan sa lupain sa iyong kamay, at iyo silang palalayasin sa harap mo.

Read full chapter

(A)At inyong hahantungan ang dakong timugan mula sa ilang ng Zin hanggang sa gilid ng Edom, at ang inyong hangganang timugan ay magiging mula sa dulo ng (B)Dagat na Alat sa dakong silanganan:

At ang inyong hangganan ay paliko sa dakong timugan sa (C)sampahan ng Acrabbim, at patuloy hanggang sa Zin: at ang mga labasan niyaon ay magiging sa dakong timugan ng (D)Cades-barnea; at mula rito ay pasampa sa (E)Hasar-addar, at patuloy sa Asmon:

At ang hangganan ay paliko mula sa Asmon (F)hanggang sa batis ng Egipto, at ang magiging mga labasan niyaon ay sa dagat.

At ang magiging inyong hangganang kalunuran ay ang malaking dagat at ang baybayin niyaon: ito ang magiging inyong hangganang kalunuran.

At ito ang magiging inyong hangganang hilagaan mula sa malaking dagat ay inyong gagawing palatandaan ang bundok ng (G)Hor:

Mula sa bundok ng Hor ay inyong gagawing palatandaan ang (H)pasukan ng Hamath; at ang magiging mga labasan ng hangganan ay sa (I)Sedad;

At ang magiging hangganan ay palabas sa Ziphron, at ang magiging mga labasan niyaon, ay ang (J)Hasar-enan: ito ang magiging inyong hangganang hilagaan.

10 At inyong gagawing palatandaan ang inyong hangganang silanganan mula sa Hasar-enan hanggang Sepham:

11 At ang hangganan ay pababa mula sa Sepham hanggang sa (K)Ribla, sa dakong silanganan ng Ain; at ang hangganan ay pababa at abot hanggang sa gilid ng dagat ng (L)Cinnereth sa dakong silanganan:

12 At ang hangganan ay pababa sa Jordan, at ang magiging mga labasan niyaon ay abot sa (M)Dagat na Alat: ito ang magiging inyong lupain, ayon sa mga hangganan niyaon sa palibot.

Read full chapter