Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
Read Scripture without ads. Study with fewer distractions with Bible Gateway Plus.
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Finding your way around? Take the tour.
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • News
  • Explore
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
    • Take a Tour
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
ABTAG1978
Version
Bible Books Bible Books
ABTAG1978
Version
Read
Study
News
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
Print PrintSettingsSettingsShare ShareParallelParallelExpandExpandCollapse

Genesis 15  Ang Biblia (1978)

Ang pangako ng Dios kay Abram.

15 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay dumating ang salita ng Panginoon kay Abram sa pangitain na nagsasabi, (A)Huwag kang matakot, Abram: ako ang iyong (B)kalasag, at ang iyong (C)ganting pala na lubhang dakila.

2 At sinabi ni Abram, Oh Panginoong Dios, anong ibibigay mo sa akin, kung ako'y nabubuhay na walang anak at ang magaari ng aking bahay ay itong taga Damascong si Eliezer?

3 At sinabi ni Abram, Narito, hindi mo ako binigyan ng anak (D)at, narito't isang ipinanganak sa aking bahay ang siyang tagapagmana ko.

4 At, narito, ang salita ng Panginoon ay dumating sa kaniya, na nagsabi, Hindi ang taong ito ang magiging tagapagmana mo; kundi (E)lalabas sa iyong sariling katawan ang magiging tagapagmana mo.

5 At siya'y inilabas at sinabi, Tumingala ka ngayon sa langit, (F)at iyong bilangin ang mga bituin, kung mabibilang mo: at sa kaniya'y sinabi, Magiging (G)ganiyan ang iyong binhi.

6 (H)At sumampalataya siya sa Panginoon; at ito'y ibinilang na katuwiran sa kaniya.

7 At sinabi sa kaniya, (I)Ako ang Panginoon na nagpaalis sa iyo sa Ur ng mga Caldeo, upang ibigay sa iyo ang lupaing ito na manahin mo.

8 At sinabi niya, Oh Panginoong Dios, (J)paanong pagkakilala ko na aking mamanahin?

9 At sinabi sa kaniya, Magdala ka rito sa akin ng isang dumalagang bakang tatlong taon ang gulang, at ng isang babaing kambing na tatlong taon ang gulang, at ng isang lalaking tupang tatlong taon ang gulang, at ng isang inakay na batobato at ng isang inakay na kalapati.

10 At dinala niya ang lahat ng ito sa kaniya, at (K)pinaghati niya sa gitna, at kaniyang pinapagtapattapat ang kalakalahati; (L)datapuwa't hindi hinati ang mga ibon.

11 At binababa ng mga ibong mangdadagit ang mga bangkay, at binubugaw ni Abram.

12 At nang lulubog na ang araw, ay (M)nakatulog si Abram ng mahimbing; at, narito, ang isang kasindaksindak na malaking kadiliman ay sumakaniya.

13 At sinabi ng Dios kay Abram, Tunay na pakatalastasin mo, (N)na ang iyong binhi ay magiging taga ibang bayan sa lupaing hindi kanila, at mangaglilingkod (O)sa mga yaon; at pahihirapang apat na raang taon.

14 At yaon namang bansang kanilang paglilingkuran ay aking hahatulan: (P)at pagkatapos ay aalis silang may malaking pagaari.

15 (Q)Datapuwa't ikaw ay payapang pasa sa (R)iyong mga magulang; (S)at ikaw ay malilibing sa mabuting katandaan.

16 At sa ikaapat na salin ng iyong binhi, ay magsisipagbalik rito: (T)sapagka't hindi pa nalulubos ang katampalasanan ng mga (U)Amorrheo.

17 At nangyari, na paglubog ng araw, at pagdilim, na narito, ang isang hurnong umuusok, at ang isang tanglaw na nagniningas na dumaan sa gitna ng mga hinating hayop.

18 Nang araw na yaon, ang Panginoon ay (V)nakipagtipan kay Abram, na nagsabi, (W)Sa iyong binhi ibinigay ko ang lupaing ito, mula sa ilog ng Egipto hanggang sa malaking ilog, na ilog Eufrates.

19 Ang mga Cineo, at ang mga Ceneceo, at ang mga Cedmoneo,

20 At ang mga Heteo, at ang mga Pherezeo, at ang mga Refaim,

21 At ang mga Amorrheo, at ang mga Cananeo, at ang mga Gergeseo, at ang mga Jebuseo.

Cross references

  1. 15:1 : Gen. 26:24; Dan. 10:12; Luc. 1:13, 30.
  2. 15:1 : Awit 3:3; 5:12; 119:114.
  3. 15:1 : Kaw. 11:18.
  4. 15:3 : Gen. 14:14.
  5. 15:4 : 2 Sam. 7:12.
  6. 15:5 : Awit 147:4.
  7. 15:5 : Gen. 22:17; Rom. 4:18.
  8. 15:6 : Rom. 4:3; 9:22; Gal. 3:6; Sant. 2:23.
  9. 15:7 : Gen. 11:28, 31; 12:1.
  10. 15:8 : Gen. 24:13, 14; Huk. 6:17, 37; 2 Hari 20:8; Luc. 1:18.
  11. 15:10 : Jer. 34:18, 19.
  12. 15:10 : Lev. 1:17.
  13. 15:12 : Gen. 2:21.
  14. 15:13 : Gawa 7:6.
  15. 15:13 : Ex. 1:11.
  16. 15:14 : Ex. 21:36; Awit 105:37.
  17. 15:15 : Job 5:26.
  18. 15:15 : Gawa 13:36.
  19. 15:15 : Gen. 25:8.
  20. 15:16 : Dan. 8:23; Mat. 23:32; 1 Tes. 2:16.
  21. 15:16 : 1 Hari 21:26.
  22. 15:18 : Gen. 24:7.
  23. 15:18 : Gen. 12:7; 13:15; 26:4; Ex. 23:31; Blg. 34:3; Deut. 1:7; 11:24; 34:4; Jos. 1:4; 1 Hari 4:21; 2 Cron. 9:26; Neh. 9:8; Awit 105:11; Is. 27:12.
Next
Genesis 14
Genesis 16
Next
dropdown
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
  • Classic Bible Gateway