Add parallel Print Page Options

14 At nangyari sa mga kaarawan ni Amraphel, hari sa Sinar, ni Ariok hari sa Elasar, ni Chedorlaomer hari sa Elam, at ni Tidal na hari ng mga Goiim,

Na ang mga ito ay nakipagbaka laban kay Bera hari sa Sodoma, at laban kay Birsha hari sa Gomorra, kay Shinab hari sa Adma, at kay Shemeber, hari sa Zeboim, at sa hari sa Bela (na si Zoar).

Lahat ng ito'y nagkatipon sa libis ng Siddim (na siyang Dagat na Alat).

Labingdalawang taong nagsipaglingkod kay Chedorlaomer, at sa ikalabingtatlong taon ay nagsipaghimagsik.

At sa ikalabingapat na taon ay dumating si Chedorlaomer at ang mga haring kasama niya, at sinaktan ang mga Refaim sa Ashteroth-Carnaim, at ang mga Zuzita sa Ham, at ang mga Emita sa Shave-ciriataim.

At ang mga Horeo sa kanilang kabundukan ng Seir, hanggang Elparan na nasa tabi ng ilang.

At sila'y nangagbalik at nagsiparoon sa Enmispat (na siyang Cades), at kanilang sinaktan ang buong lupain ng mga Amalecita at pati ng mga Amorrheo na nagsisitahan sa Hazezon-tamar.

At nagsilabas ang hari sa Sodoma, at ang hari sa Gomorra, at ang hari sa Adma, at ang hari sa Zeboim, at ang hari sa Bela (na dili iba't si Zoar); at sila'y humanay ng pakikipagbaka laban sa kanila sa libis ng Siddim;

Laban kay Chedorlaomer, hari sa Elam, at kay Tidal na hari ng mga Goiim at kay Amraphel, hari sa Shinar, at kay Arioch, hari sa Elasar; apat na hari laban sa lima.

10 At ang libis ng Siddim ay puno ng hukay ng betun; at nagsitakas ang mga hari sa Sodoma at sa Gomorra, at nangahulog doon, at ang natira ay nagsitakas sa kabundukan.

11 At kanilang sinamsam ang lahat ng pag-aari ng Sodoma at Gomorra, at ang lahat nilang pagkain, at nagsiyaon.

12 At dinala nila si Lot, na anak ng kapatid ni Abram, na nananahan sa Sodoma at ang kaniyang mga pag-aari at sila'y nagsiyaon.

13 At dumating ang isang nakatanan, at ibinalita kay Abram na Hebreo; na tumatahan nga sa mga puno ng encina ni Mamre na Amorrheo, kapatid ni Eschol, at kapatid ni Aner; at ang mga ito ay kakampi ni Abram.

14 At pagkarinig ni Abram, na nabihag ang kaniyang kapatid ay ipinagsama ang kaniyang mga subok na lalake, na mga ipinanganak sa kaniyang bahay, na tatlong daan at labing walo, at kanilang hinabol sila hanggang sa Dan.

15 At sila'y nangagpangkatpangkat sa kinagabihan, laban sa kaaway, siya at ang kaniyang mga alipin, at kanilang sinaktan sila, at hinabol nila sila hanggang sa Hobah, na nasa kaliwa ng Damasco.

16 At iniuwi niya ang lahat ng pag-aari; at iniuwi rin niya si Lot na kaniyang kapatid, at ang kaniyang mga pag-aari, at gayon din ang mga babae at ang bayan.

17 At nilabas na sinalubong siya ng hari sa Sodoma pagkatapos na siya'y magbalik na mula sa pagpatay kay Chedorlaomer, at sa mga haring kasama niya sa libis ng Shave (na siyang libis ng hari).

18 At si Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya'y saserdote ng Kataastaasang Dios.

19 At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na may-ari ng langit at ng lupa:

20 At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam.

21 At sinabi ng hari sa Sodoma kay Abram, Ibigay mo sa akin ang mga tao at kunin mo sa ganang iyo ang mga pag-aari.

22 At sinabi ni Abram sa hari sa Sodoma, Itinaas ko ang aking kamay sa Panginoong Dios na Kataastaasan, na may ari ng langit at ng lupa.

23 Isinumpa kong hindi ako kukuha maging isang sinulid, o maging isang panali ng pangyapak, o ng anomang nauukol sa iyo, baka iyong sabihin, Pinayaman ko si Abram:

24 Liban na lamang ang kinain ng mga binata at ang bahagi ng mga lalaking kinasama ko; si Aner, si Eschol, at si Mamre, ay pakunin mo ng kanilang bahagi.

'Genesis 14 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

亞伯蘭救回羅得

14 1-2 那時,示拿王暗拉非、以拉撒王亞略、以攔王基大老瑪和戈印王提達聯合攻打以下五王:所多瑪王比拉、蛾摩拉王比沙、押瑪王示納、洗扁王善以別和比拉王,即瑣珥王。 五王會師西訂谷,即鹽海。 他們受基大老瑪王統治十二年,在第十三年叛變了。 第十四年,基大老瑪聯合其他王在亞特律·加寧打敗利乏音人,在哈麥打敗蘇西人,在沙微·基列亭打敗以米人, 在西珥山打敗住在那裡的何利人,直殺到靠近曠野的伊勒·巴蘭。 然後,他們返回安·密巴,即加低斯,征服了亞瑪力全境以及住在哈洗遜·他瑪的亞摩利人。 那時,所多瑪王、蛾摩拉王、押瑪王、洗扁王和比拉王,即瑣珥王,在西訂谷擺開陣勢, 抵抗以攔王基大老瑪、戈印王提達、示拿王暗拉非和以拉撒王亞略:四王跟五王交戰。 10 西訂谷有許多柏油坑,所多瑪王和蛾摩拉王敗走的時候,有些人掉進坑裡,其他人都往山上逃命。 11 四王把所多瑪和蛾摩拉所有的財物和糧食洗劫一空, 12 並劫走亞伯蘭的侄兒羅得和他的財物,那時羅得正住在所多瑪。

13 有一個逃出來的人把這件事情告訴了希伯來人亞伯蘭。那時,亞伯蘭住在亞摩利人幔利的橡樹那裡。幔利是以實各和亞乃的兄弟,三人都是亞伯蘭的盟友。 14 亞伯蘭聽見侄兒被擄的消息,便率領家中三百一十八名訓練有素的壯丁去追趕他們,一直追到但。 15 夜裡,亞伯蘭和他的隨從分頭出擊,大敗敵人,一直追殺到大馬士革北面的何巴, 16 奪回所有被劫的財物,並救出他侄兒羅得和他的財物、婦女及其他人。

麥基洗德祝福亞伯蘭

17 亞伯蘭大敗基大老瑪及其盟軍後凱旋歸來,所多瑪王到沙微谷來迎接他們。沙微谷即王谷。 18 撒冷王麥基洗德也帶著餅和酒出來相迎,他是至高上帝的祭司。 19 他祝福亞伯蘭說:

「願創造天地的主、至高的上帝賜福給亞伯蘭!
20 將敵人交在你手中的至高上帝當受稱頌!」

於是,亞伯蘭把所得的十分之一給麥基洗德。 21 所多瑪王對亞伯蘭說:「請把我的人民交還給我,你可以把財物拿去。」 22 亞伯蘭對他說:「我向創造天地的主、至高的上帝耶和華起誓, 23 凡是你的東西,就是一根線、一條鞋帶,我都不會拿,免得你說,『我使亞伯蘭發了財!』 24 除了我的隨從已經吃用的以外,我什麼也不要。至於我的盟友亞乃、以實各和幔利所應得的戰利品,請分給他們。」