Genesis 26:24
Ang Biblia (1978)
24 At napakita sa kaniya ang Panginoon ng gabi ring yaon, at nagsabi, (A)Ako ang Dios ni Abraham na iyong ama: (B)huwag kang matakot, sapagka't (C)ako'y sumasaiyo, at ikaw ay aking pagpapalain, at aking pararamihin ang iyong binhi, alangalang kay Abraham na aking lingkod.
Read full chapter
Genesis 28:13
Ang Biblia (1978)
13 (A)At, narito, ang Panginoon ay nasa kataastaasan niyaon, at nagsabi, (B)Ako ang Panginoon, ang Dios ni Abraham na iyong ama, at ang Dios ni Isaac: (C)ang lupang kinahihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi;
Read full chapter
Mga Hebreo 11:16
Ang Biblia (1978)
16 Nguni't ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, sa makatuwid baga'y ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng (A)Dios (B)na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda (C)sila ng isang bayan.[a]
Read full chapterFootnotes
- Mga Hebreo 11:16 o ciudad.
Mga Hebreo 11:16
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
16 Ngunit ang ninanais nila ay higit na mabuting lupain, isang lupaing makalangit. Kaya't hindi ikinahiya ng Diyos na siya'y tawaging Diyos nila, sapagkat sila'y ipinaghanda niya ng isang lungsod.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.