Mga Gawa 7
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Nangaral si Esteban
7 Nagtanong ang Kataas-taasang Pari, “Totoo ba ang mga ito?” 2 Sumagot (A) si Esteban, “Mga kapatid at mga magulang, pakinggan po ninyo ako. Ang Diyos ng kaluwalhatian ay nagpakita sa ating amang si Abraham noong siya'y nasa Mesopotamia, bago siya nanirahan sa Haran. 3 Sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Iwan mo ang iyong lupain at ang iyong mga kamag-anak at pumunta ka sa lupaing ipapakita ko sa iyo.’ 4 Kaya (B) umalis siya sa lupain ng mga Caldeo at nanirahan sa Haran. Pagkamatay ng kanyang ama, pinalipat siya ng Diyos sa lupaing inyong tinitirhan ngayon. 5 Gayunma'y hindi (C) siya binigyan dito ng anumang pamana, kahit man lamang kapirasong lupa. Subalit ipinangako na ibibigay iyon sa kanya at sa kanyang binhing kasunod niya bagaman wala pa siyang anak noon. 6 Ganito (D) ang sinabi ng Diyos: ‘Ang iyong binhi ay maninirahan sa ibang lupain, at sila'y aalipinin at aapihin doon nang apatnaraang taon. 7 Ngunit (E) parurusahan ko ang bansang aalipin sa kanila,’ wika ng Diyos. ‘Pagkatapos ng mga ito ay lalabas sila at sasambahin nila ako sa dakong ito.’ 8 Pagkatapos (F) ay ibinigay niya sa kanya ang tipan ng pagtutuli. At si Abraham ay naging ama ni Isaac, at ito'y tinuli nang ikawalong araw; at si Isaac ay naging ama ni Jacob, at si Jacob ng labindalawang patriyarka.
9 “Dahil sa inggit ng mga patriyarka kay Jose, siya'y kanilang ipinagbili sa Ehipto. (G) Ngunit kasama niya ang Diyos, 10 at iniligtas siya (H)sa lahat ng kanyang kapighatian. Pinagpala siya ng Diyos at binigyan ng karunungan sa harapan ng Faraon na hari ng Ehipto. Itinalaga siyang maging tagapamahala sa Ehipto at sa buong sambahayan ng Faraon. 11 Dumating (I) noon ang taggutom at matinding paghihirap sa buong Ehipto at sa Canaan, at walang matagpuang pagkain ang ating mga ninuno. 12 Ngunit nang mabalitaan ni Jacob na may trigo sa Ehipto, una niyang pinapunta roon ang ating mga ninuno. 13 Sa ikalawang pagpunta nila (J) ay nagpakilala si Jose sa kanyang mga kapatid at nakilala ng Faraon ang sambahayan ni Jose. 14 Pagkatapos (K) ay ipinasundo ni Jose ang kanyang amang si Jacob, at ang lahat niyang kamag-anak na pitumpu't limang katao. 15 Kaya't (L) nagtungo si Jacob sa Ehipto. Doon siya namatay, gayundin ang ating mga ninuno. 16 Ibinalik sila (M) sa Shekem at inilagay sa libingang binili ni Abraham mula sa mga anak ni Hamor. 17 “Ngunit (N) nang nalalapit na ang panahong ipinangako ng Diyos kay Abraham, lumago at dumami ang ating sambayanan sa Ehipto, 18 hanggang sa nagkaroon ng hari sa Ehipto na hindi nakakakilala kay Jose. 19 Dinaya at pinagsamantalahan (O) nito ang ating lahi, pinagmalupitan ang ating mga ninuno at pinilit na itapon ang kanilang mga sanggol upang mamatay. 20 Sa (P) panahong iyon ay ipinanganak si Moises, isang batang kinalugdan ng Diyos. Tatlong buwan siyang inalagaan sa bahay ng kanyang ama. 21 Nang (Q) siya'y itapon, inampon siya ng anak na babae ng Faraon, at siya'y pinalaking parang sarili niyang anak. 22 Sinanay si Moises sa lahat ng karunungan ng mga Ehipcio, at siya'y naging makapangyarihan sa kanyang mga salita at mga gawa. 23 “Nang (R) siya'y apatnapung taong gulang na, naisipan niyang[a] tingnan ang kalagayan ng kanyang mga kapatid, na mga anak ni Israel. 24 Nang makita niya na pinahihirapan ang isa sa kanila, ipinagtanggol at ipinaghiganti niya ito at pinatay ang Ehipcio. 25 Inaakala niya noon na naunawaan ng kanyang mga kababayan[b] na ililigtas sila ng Diyos sa pamamagitan niya.[c] Ngunit hindi nila ito naunawaan. 26 Kinabukasan, lumapit siya sa dalawang Israelitang nag-aaway. Ibig sana niyang sila'y pagkasunduin kaya sinabing, ‘Mga ginoo, kayo'y magkapatid; bakit sinasaktan ninyo ang isa't isa?’ 27 Ngunit itinulak siya ng nanakit sa kapwa, at nagsabing, ‘Sino'ng nagsabing ikaw ay pinuno at hukom namin? 28 Gusto mo ba akong patayin, gaya ng pagpatay mo kahapon sa Ehipcio?’ 29 Nang (S) marinig ito ni Moises, tumakas siya at nanirahan na isang dayuhan sa lupain ng Midian, at doo'y nagkaroon ng dalawang anak na lalaki.
30 “Nang (T) lumipas ang apatnapung taon, nagpakita sa kanya ang isang anghel sa ilang ng bundok ng Sinai, sa ningas ng apoy sa isang mababang punongkahoy. 31 Namangha si Moises sa kanyang nakita. Nang lapitan niya ito upang tingnang mabuti, dumating ang tinig ng Panginoon: 32 ‘Ako ang Diyos ng iyong mga ninuno, ang Diyos ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob.’ Nanginig sa takot si Moises at hindi nangahas tumingin. 33 Sinabi sa kanya ng Panginoon, ‘Tanggalin mo ang iyong mga sandalyas sapagkat ang dakong iyong kinatatayuan ay lupang banal. 34 Kitang-kita ko ang pang-aapi sa aking bayang nasa Ehipto, narinig ko ang kanilang hinaing, at ako'y bumaba upang sila'y iligtas. Ngayon, lumapit ka at isusugo kita sa Ehipto.’ 35 “Ang (U) Moises na ito na kanilang itinakwil nang sabihin nilang, ‘Sino'ng nagsabing ikaw ay pinuno at hukom namin?’ ang siyang isinugo ng Diyos na maging pinuno at tagapagpalaya sa tulong ng anghel na nagpakita sa kanya sa mababang punongkahoy. 36 Ang taong ito (V) ang humango sa kanila sa kanilang kahirapan sa pamamagitan ng mga himala at mga kababalaghang ginawa niya sa Ehipto, sa Dagat na Pula, at sa ilang, sa loob ng apatnapung taon. 37 Ang (W) Moises na ito ang nagsabi sa mga anak ni Israel, ‘Mula sa inyong mga kapatid, pipili ang Diyos ng propeta para sa inyo, tulad ng pagpili niya sa akin.’ 38 Siya (X) ang kasama ng kapulungan sa ilang. Kasama siya ng anghel na nagsalita sa kanya sa Bundok ng Sinai, at kasama ng ating mga ninuno. Tumanggap siya ng mga salitang nagbibigay-buhay upang ibigay sa atin. 39 Ngunit ayaw siyang sundin ng ating mga ninuno. Sa halip, siya'y kanilang itinakwil, at sa mga puso nila'y bumalik sila sa Ehipto, 40 nang sabihin nila kay Aaron, (Y) ‘Igawa mo kami ng mga diyos na mangunguna sa amin; sapagkat hindi na namin alam ang nangyayari sa Moises na ito na naglabas sa amin sa Ehipto.’ 41 Gumawa (Z) nga sila noon ng diyus-diyosan sa anyo ng isang guya. Naghandog sila sa diyus-diyosang ito at ipinagdiwang ang gawa ng kanilang mga kamay. 42 Ngunit (AA) tinalikuran sila ng Diyos, at pinabayaan silang sumamba sa hukbo ng kalawakan.[d] Nasusulat sa aklat ng mga propeta:
‘O, sambahayan ni Israel, sa akin ba kayo nag-alay ng mga hayop na pinatay
at mga handog sa loob ng apatnapung taon sa ilang?
43 Dinala ninyo ang tolda ni Moloc,
at ang bituin ng diyos ninyong si Refan,
ang mga larawang ginawa ninyo upang inyong sambahin;
at itatapon ko kayo sa kabila pa ng Babilonia.’
44 “Nasa (AB)ating mga ninuno sa ilang ang tolda ng patotoo, na ipinagawa ng Diyos na nagsalita kay Moises, ayon sa huwarang kanyang nakita. 45 Dinala (AC) rin ito ng ating mga ninunong kasama ni Josue nang kanilang sakupin ang mga bansang pinalayas ng Diyos sa kanilang harapan. Nanatili ito roon hanggang sa panahon ni David. 46 Kinalugdan ng Diyos si David, (AD) at hiniling niyang makakita ng isang tahanan para sa Diyos ni Jacob.[e] 47 Subalit (AE) si Solomon ang nagtayo ng bahay para sa kanya. 48 Gayunman, ang Kataas-taasang Diyos ay hindi nananahan sa mga bahay na gawa ng tao. Sabi nga ng propeta,
49 ‘Ang (AF) langit ang aking luklukan,
at ang lupa ang aking tuntungan.
Sabi ng Panginoon, ‘Sa aki'y anong uri ang itatayo ninyong bahay,
o anong dako ang aking pahingahan?
50 Hindi ba kamay ko ang gumawa ng lahat ng mga ito?’
51 “Kayong (AG) matitigas ang ulo at mga bingi sa katotohanan![f] Lagi kayong sumasalungat sa Banal na Espiritu. Kung ano ang ginawa ng inyong mga ninuno, gayundin ang ginagawa ninyo. 52 Sino sa mga propeta ang hindi inusig ng inyong mga ninuno? Pinatay nila ang mga nagpahayag noong una tungkol sa pagdating ng Matuwid, na inyo namang ipinagkanulo at ipinapatay. 53 Tinanggap ninyo ang Kautusan ayon sa pangangasiwa ng mga anghel, ngunit hindi ninyo ito tinupad.”
Pinagbabato si Esteban
54 Nang marinig nila ang mga ito, nagalit sila at nagngalit ang kanilang mga ngipin laban kay Esteban.[g] 55 Subalit si Esteban, na puspos ng Banal na Espiritu, ay tumitig sa langit, at nakita niya ang kaluwalhatian ng Diyos, at si Jesus na nakatayo sa kanan ng Diyos. 56 Sinabi niya, “Tingnan ninyo! Nakikita kong bukás ang kalangitan at ang Anak ng Tao na nakatindig sa kanan ng Diyos.” 57 Subalit nagtakip sila ng kanilang mga tainga at nagsigawan nang malakas at sama-samang sumugod sa kanya. 58 Pagkatapos, siya'y kinaladkad nila palabas ng lungsod at doo'y pinagbabato. Inilagay ng mga saksi ang kanilang mga damit sa paanan ng isang kabataang lalaki na ang pangalan ay Saulo. 59 Habang binabato nila si Esteban ay nananalangin siya, “Panginoong Jesus, tanggapin mo po ang aking espiritu.” 60 Siya'y lumuhod at sumigaw nang malakas, “Panginoon, huwag mo po silang papanagutin sa kasalanang ito.” Pagkasabi nito, siya'y namatay.[h]
Footnotes
- Mga Gawa 7:23 Sa Griyego, dumating sa kanyang puso na.
- Mga Gawa 7:25 Sa Griyego, kapatid.
- Mga Gawa 7:25 Sa Griyego, ng kamay niya.
- Mga Gawa 7:42 Sa Griyego, hukbo ng langit.
- Mga Gawa 7:46 Sa ibang manuskrito bahay ni Jacob.
- Mga Gawa 7:51 Sa Griyego hindi tuli ang puso't mga tainga.
- Mga Gawa 7:54 Sa Griyego, sa kanya.
- Mga Gawa 7:60 Sa Griyego, natulog siya.
Acts 7
New International Version
Stephen’s Speech to the Sanhedrin
7 Then the high priest asked Stephen, “Are these charges true?”
2 To this he replied: “Brothers and fathers,(A) listen to me! The God of glory(B) appeared to our father Abraham while he was still in Mesopotamia, before he lived in Harran.(C) 3 ‘Leave your country and your people,’ God said, ‘and go to the land I will show you.’[a](D)
4 “So he left the land of the Chaldeans and settled in Harran. After the death of his father, God sent him to this land where you are now living.(E) 5 He gave him no inheritance here,(F) not even enough ground to set his foot on. But God promised him that he and his descendants after him would possess the land,(G) even though at that time Abraham had no child. 6 God spoke to him in this way: ‘For four hundred years your descendants will be strangers in a country not their own, and they will be enslaved and mistreated.(H) 7 But I will punish the nation they serve as slaves,’ God said, ‘and afterward they will come out of that country and worship me in this place.’[b](I) 8 Then he gave Abraham the covenant of circumcision.(J) And Abraham became the father of Isaac and circumcised him eight days after his birth.(K) Later Isaac became the father of Jacob,(L) and Jacob became the father of the twelve patriarchs.(M)
9 “Because the patriarchs were jealous of Joseph,(N) they sold him as a slave into Egypt.(O) But God was with him(P) 10 and rescued him from all his troubles. He gave Joseph wisdom and enabled him to gain the goodwill of Pharaoh king of Egypt. So Pharaoh made him ruler over Egypt and all his palace.(Q)
11 “Then a famine struck all Egypt and Canaan, bringing great suffering, and our ancestors could not find food.(R) 12 When Jacob heard that there was grain in Egypt, he sent our forefathers on their first visit.(S) 13 On their second visit, Joseph told his brothers who he was,(T) and Pharaoh learned about Joseph’s family.(U) 14 After this, Joseph sent for his father Jacob and his whole family,(V) seventy-five in all.(W) 15 Then Jacob went down to Egypt, where he and our ancestors died.(X) 16 Their bodies were brought back to Shechem and placed in the tomb that Abraham had bought from the sons of Hamor at Shechem for a certain sum of money.(Y)
17 “As the time drew near for God to fulfill his promise to Abraham, the number of our people in Egypt had greatly increased.(Z) 18 Then ‘a new king, to whom Joseph meant nothing, came to power in Egypt.’[c](AA) 19 He dealt treacherously with our people and oppressed our ancestors by forcing them to throw out their newborn babies so that they would die.(AB)
20 “At that time Moses was born, and he was no ordinary child.[d] For three months he was cared for by his family.(AC) 21 When he was placed outside, Pharaoh’s daughter took him and brought him up as her own son.(AD) 22 Moses was educated in all the wisdom of the Egyptians(AE) and was powerful in speech and action.
23 “When Moses was forty years old, he decided to visit his own people, the Israelites. 24 He saw one of them being mistreated by an Egyptian, so he went to his defense and avenged him by killing the Egyptian. 25 Moses thought that his own people would realize that God was using him to rescue them, but they did not. 26 The next day Moses came upon two Israelites who were fighting. He tried to reconcile them by saying, ‘Men, you are brothers; why do you want to hurt each other?’
27 “But the man who was mistreating the other pushed Moses aside and said, ‘Who made you ruler and judge over us?(AF) 28 Are you thinking of killing me as you killed the Egyptian yesterday?’[e] 29 When Moses heard this, he fled to Midian, where he settled as a foreigner and had two sons.(AG)
30 “After forty years had passed, an angel appeared to Moses in the flames of a burning bush in the desert near Mount Sinai. 31 When he saw this, he was amazed at the sight. As he went over to get a closer look, he heard the Lord say:(AH) 32 ‘I am the God of your fathers,(AI) the God of Abraham, Isaac and Jacob.’[f] Moses trembled with fear and did not dare to look.(AJ)
33 “Then the Lord said to him, ‘Take off your sandals, for the place where you are standing is holy ground.(AK) 34 I have indeed seen the oppression of my people in Egypt. I have heard their groaning and have come down to set them free. Now come, I will send you back to Egypt.’[g](AL)
35 “This is the same Moses they had rejected with the words, ‘Who made you ruler and judge?’(AM) He was sent to be their ruler and deliverer by God himself, through the angel who appeared to him in the bush. 36 He led them out of Egypt(AN) and performed wonders and signs(AO) in Egypt, at the Red Sea(AP) and for forty years in the wilderness.(AQ)
37 “This is the Moses who told the Israelites, ‘God will raise up for you a prophet like me from your own people.’[h](AR) 38 He was in the assembly in the wilderness, with the angel(AS) who spoke to him on Mount Sinai, and with our ancestors;(AT) and he received living words(AU) to pass on to us.(AV)
39 “But our ancestors refused to obey him. Instead, they rejected him and in their hearts turned back to Egypt.(AW) 40 They told Aaron, ‘Make us gods who will go before us. As for this fellow Moses who led us out of Egypt—we don’t know what has happened to him!’[i](AX) 41 That was the time they made an idol in the form of a calf. They brought sacrifices to it and reveled in what their own hands had made.(AY) 42 But God turned away from them(AZ) and gave them over to the worship of the sun, moon and stars.(BA) This agrees with what is written in the book of the prophets:
“‘Did you bring me sacrifices and offerings
forty years in the wilderness, people of Israel?
43 You have taken up the tabernacle of Molek
and the star of your god Rephan,
the idols you made to worship.
Therefore I will send you into exile’[j](BB) beyond Babylon.
44 “Our ancestors had the tabernacle of the covenant law(BC) with them in the wilderness. It had been made as God directed Moses, according to the pattern he had seen.(BD) 45 After receiving the tabernacle, our ancestors under Joshua brought it with them when they took the land from the nations God drove out before them.(BE) It remained in the land until the time of David,(BF) 46 who enjoyed God’s favor and asked that he might provide a dwelling place for the God of Jacob.[k](BG) 47 But it was Solomon who built a house for him.(BH)
48 “However, the Most High(BI) does not live in houses made by human hands.(BJ) As the prophet says:
49 “‘Heaven is my throne,
and the earth is my footstool.(BK)
What kind of house will you build for me?
says the Lord.
Or where will my resting place be?
50 Has not my hand made all these things?’[l](BL)
51 “You stiff-necked people!(BM) Your hearts(BN) and ears are still uncircumcised. You are just like your ancestors: You always resist the Holy Spirit! 52 Was there ever a prophet your ancestors did not persecute?(BO) They even killed those who predicted the coming of the Righteous One. And now you have betrayed and murdered him(BP)— 53 you who have received the law that was given through angels(BQ) but have not obeyed it.”
The Stoning of Stephen
54 When the members of the Sanhedrin heard this, they were furious(BR) and gnashed their teeth at him. 55 But Stephen, full of the Holy Spirit,(BS) looked up to heaven and saw the glory of God, and Jesus standing at the right hand of God.(BT) 56 “Look,” he said, “I see heaven open(BU) and the Son of Man(BV) standing at the right hand of God.”
57 At this they covered their ears and, yelling at the top of their voices, they all rushed at him, 58 dragged him out of the city(BW) and began to stone him.(BX) Meanwhile, the witnesses(BY) laid their coats(BZ) at the feet of a young man named Saul.(CA)
59 While they were stoning him, Stephen prayed, “Lord Jesus, receive my spirit.”(CB) 60 Then he fell on his knees(CC) and cried out, “Lord, do not hold this sin against them.”(CD) When he had said this, he fell asleep.(CE)
Footnotes
- Acts 7:3 Gen. 12:1
- Acts 7:7 Gen. 15:13,14
- Acts 7:18 Exodus 1:8
- Acts 7:20 Or was fair in the sight of God
- Acts 7:28 Exodus 2:14
- Acts 7:32 Exodus 3:6
- Acts 7:34 Exodus 3:5,7,8,10
- Acts 7:37 Deut. 18:15
- Acts 7:40 Exodus 32:1
- Acts 7:43 Amos 5:25-27 (see Septuagint)
- Acts 7:46 Some early manuscripts the house of Jacob
- Acts 7:50 Isaiah 66:1,2
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.