Add parallel Print Page Options

彼得約翰在公議會受審

使徒們正對群眾講話的時候,祭司、聖殿的守衛長,和撒都該人來到他們那裡。 因為使徒教訓群眾,並且傳揚耶穌從死人中復活,他們就非常惱怒, 於是下手拿住使徒。那時天已經晚了,就把他們拘留到第二天。 然而有許多聽道的人信了,男人的數目,約有五千。

第二天,猶太人的官長、長老、經學家,都聚集在耶路撒冷, 還有大祭司亞那和該亞法、約翰、亞歷山大,以及大祭司的家人,所有的人都在那裡。 他們叫使徒都站在當中,查問說:“你們憑甚麼能力,奉誰的名作這事?” 當時彼得被聖靈充滿,對他們說:“民眾的領袖和長老啊! 我們今天受審,如果是為了在那殘疾人身上所行的善事,就是這個人怎麼會好的, 10 那麼,你們各位和以色列全民都應當知道,站在你們面前這人好了,是因拿撒勒人耶穌基督的名。這位耶穌基督,你們把他釘死在十字架上, 神卻使他從死人中復活。 11 這耶穌是你們

‘建築工人所棄的石頭,

成了房角的主要石頭。’

12 除了他以外,別無拯救,因為在天下人間,沒有賜下別的名,我們可以靠著得救。”

13 他們看見彼得和約翰的膽量,也知道這兩個人是沒有學問的平民,就很驚奇;同時認出他們是跟耶穌一夥的, 14 又看見那醫好了的人,和他們一同站著,就沒有話可辯駁。 15 於是吩咐他們到公議會外面去,彼此商議, 16 說:“對這些人我們應該怎麼辦呢?因為有一件人所共知的神蹟,藉著他們行了出來,所有住在耶路撒冷的人都知道,我們也無法否認。 17 為了避免這件事在民間越傳越廣,我們應該警告他們,不許再奉這名向任何人談道。” 18 於是叫了他們來,嚴禁他們再奉耶穌的名講論教導。 19 彼得和約翰回答:“聽從你們過於聽從 神,在 神面前對不對,你們自己說吧! 20 我們看見的聽見的,不能不說!” 21 眾人因著所發生的事,都頌讚 神,於是公議會為了群眾的緣故,也因為找不到藉口懲罰他們,就恐嚇一番,把他們放了。 22 原來藉著神蹟醫好的那人,有四十多歲了。

信徒同心祈禱

23 彼得和約翰被釋放了之後,回到自己的人那裡去,把祭司長和長老說的一切,都告訴他們。 24 他們聽了,就同心向 神高聲說:“主啊,你是那創造天地、海洋和其中萬物的主宰。 25 你曾以聖靈藉著你僕人我們祖先大衛的口說:

‘列國為甚麼騷動?

萬民為甚麼空謀妄想?

26 地上的君王都起來,

首領聚在一起,

敵對主和他的受膏者。’

27 希律和本丟.彼拉多,外族人和以色列民,真的在這城裡聚集,反對你所膏立的聖僕耶穌, 28 行了你手和你旨意所預定要成就的一切。 29 主啊,他們恐嚇我們,現在求你鑒察,也賜你僕人們大有膽量,傳講你的道。 30 求你伸手醫治,藉著你聖僕耶穌的名,大行神蹟奇事。” 31 他們禱告完了,聚會的地方震動起來,他們都被聖靈充滿,放膽傳講 神的道。

信徒凡物公用

32 全體信徒一心一意,沒有一個人說自己的財物是自己的,他們凡物公用。 33 使徒大有能力,為主耶穌的復活作見證,眾人都蒙了大恩。 34 他們中間沒有一個有缺乏的,因為凡有田產房屋的都賣了,把得到的錢拿來, 35 放在使徒腳前,照著各人的需要來分配。 36 有一個人名叫約瑟,使徒稱他為巴拿巴,就是“安慰者”的意思,他是個利未人,生在塞浦路斯。 37 他賣掉了自己的田地,把錢拿來,放在使徒的腳前。

Si Pedro at si Juan sa Harap ng Sanhedrin

Nagsasalita pa sina Pedro at Juan[a] sa taong-bayan nang lumapit sa kanila ang mga pari, ang pinuno ng mga bantay sa templo, at ang mga Saduceo. Labis ang galit ng mga ito sapagkat nagtuturo sila sa mga tao, at nagpapahayag na si Jesus ay muling nabuhay, na siyang katibayan ng muling pagkabuhay ng mga patay. Kaya dinakip nila ang dalawa at ikinulong hanggang kinaumagahan sapagkat gabi na noon. Gayunma'y marami sa mga nakarinig sa kanilang ipinangaral ang sumampalataya; at umabot ang bilang nila sa may limang libong lalaki. Kinabukasan, nagtipon sa Jerusalem ang mga pinuno ng mga Judio, ang mga matatandang namamahala sa bayan at ang mga tagapagturo ng Kautusan.

Kabilang doon si Anas, na Kataas-taasang Pari, si Caifas, si Juan, si Alejandro, at ang buong angkan ng Kataas-taasang Pari. Pinatayo nila sa gitna sina Pedro at Juan, at tinanong, “Sa anong kapangyarihan, o kaninong pangalan ninyo ginagawa ito?” Kaya sumagot si Pedro na puspos ng Banal na Espiritu, “Mga pinuno at matatandang namamahala sa bayan, kung sinisiyasat ninyo kami ngayon dahil sa kabutihang ginawa namin sa isang taong may kapansanan, at tinatanong ninyo kung paano siya napagaling, 10 dapat malaman ninyong lahat at ng buong sambayanang Israel, na nakatayo ang taong ito sa inyong harapan nang walang sakit sa pamamagitan ng pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazareth, na inyong ipinako sa krus ngunit ibinangon ng Diyos mula sa kamatayan. 11 Siya,

‘ang (A) batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ng bahay
    ang siyang naging batong panulukan.’

12 Sa iba ay walang kaligtasan, sapagkat walang ibang pangalan sa ilalim ng langit na ibinigay ng Diyos sa mga tao na sa ati'y makapagliligtas.” 13 Namangha sila nang makita nila ang katapangan nina Pedro at Juan, lalo na nang malamang sila'y mga taong walang pinag-aralan at mga karaniwang tao lamang. Nabatid nilang sila'y nakasama ni Jesus. 14 At dahil nakikita nila ang taong pinagaling na nakatayong kasama ng mga apostol ay wala silang masabing laban sa mga ito. 15 Kaya't pinalabas muna ng Sanhedrin ang dalawa bago sila nagpulong. 16 “Ano'ng gagawin natin sa mga taong ito?” tanong nila. “Alam na ng buong Jerusalem ang pambihirang himalang nangyari sa pamamagitan nila. Hindi na natin ito maikakaila. 17 Ngunit upang huwag nang lalo pa itong kumalat sa bayan, pagbawalan natin silang magsalita pa kaninuman tungkol sa pangalang ito.” 18 Kaya't ipinatawag nila ang dalawa at inutusang kailanma'y huwag nang magsalita ni magturo sa pangalan ni Jesus. 19 Subalit sumagot sa kanila si Pedro at si Juan, “Kayo na ang humatol kung matuwid sa paningin ng Diyos na kayo ang aming sundin sa halip na ang Diyos. 20 Sapagkat hindi maaaring hindi namin sabihin ang aming nakita at narinig.” 21 Pagkatapos mahigpit na pagbantaan, pinakawalan nila ang dalawa. Wala silang makitang anumang dahilan upang parusahan sila sapagkat nagpupuri sa Diyos ang buong bayan dahil sa nangyari. 22 Mahigit apatnapung taong gulang na ang lalaking pinagaling sa pamamagitan ng himalang ito.

Ang Panalangin para sa Katapangan

23 Pagkatapos na sila'y mapalaya, pumunta sila sa kanilang mga kasamahan at ibinalita ang lahat ng sinabi sa kanila ng mga punong pari at ng matatandang tagapamahala ng bayan. 24 Nang (B) marinig nila ito, sama-sama silang tumawag sa Diyos, “Panginoon, ikaw na lumikha ng langit, ng lupa, ng dagat, at ng lahat ng naroroon, 25 ikaw (C) na nagsalita sa pamamagitan ng aming ninunong si David na iyong lingkod,[b] nang ipahayag niya sa patnubay ng Banal na Espiritu,

‘Bakit nagalit ang mga bansa,
    at nagbalak ang mga bayan ng mga walang kabuluhan?
26 Naghanda ang mga hari sa lupa upang lumaban,
    at ang mga pinuno ay nagtipon laban sa Panginoon,
    at laban sa kanyang Hinirang.’

27 Sapagkat (D) totoo ngang sa lungsod na ito nagkaisa sina Herodes at Poncio Pilato, kasama ng mga Hentil at ng mga mamamayan ng Israel laban sa iyong Banal na Lingkod[c] na si Jesus, na iyong hinirang. 28 Nagkaisa sila upang gawin ang itinakda ng iyong kamay at ng iyong kalooban na mangyayari. 29 At ngayon, Panginoon, tingnan mo po kung paano nila kami pinagbabantaan. Ipagkaloob mo po sa iyong mga alipin ang buong katapangan upang ipahayag ang iyong salita. 30 Iunat mo po ang iyong kamay upang magpagaling at gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan sa pamamagitan ng pangalan ng iyong Banal na Lingkod na si Jesus.” 31 Pagkatapos nilang manalangin, nayanig ang lugar na kanilang pinagtitipunan; napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu at buong tapang nilang ipinahayag ang salita ng Diyos.

Ang Pagtutulungan ng mga Mananampalataya

32 Lahat ng mga mananampalataya ay nagkakaisa sa puso at kaluluwa. (E) Hindi sinarili ng sinuman ang kanyang mga ari-arian, kundi lahat ng mga bagay ay kanilang pinagsasaluhan. 33 Taglay ang dakilang kapangyarihan, nagpatotoo ang mga apostol tungkol sa muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus. At sumakanilang lahat ang dakilang pagpapala ng Diyos. 34 Walang sinumang naghihikahos sa kanila sapagkat ipinagbibili ng lahat ang kanilang mga lupa at mga bahay at ipinapaubaya ang pinagbilhan ng mga ito 35 sa pamamahala ng mga apostol at ipinamamahagi naman iyon ayon sa pangangailangan ng bawat isa. 36 Ganoon nga ang ginawa ni Jose, isang Levitang taga-Cyprus. Bernabe ang tawag sa kanya ng mga apostol, na ang kahulugan ay “anak ng pagpapalakas-loob”. 37 Ipinagbili niya ang isang bukid na kanyang pag-aari, at ipinaubaya niya ang salapi sa pamamahala ng mga apostol.

Footnotes

  1. Mga Gawa 4:1 Sa Griyego sila.
  2. Mga Gawa 4:25 o anak.
  3. Mga Gawa 4:27 o Anak.