Gawa 28:7-9
Ang Salita ng Diyos
7 Sa mga kalapit ng dakong iyon ay may mga lupain ang pangulo ng pulong iyon. Ang pangalan niya ay Publio. Tinanggap niya kami at kinupkop ng tatlong araw na may kagandahang-loob. 8 Nangyari na ang ama ni Publio ay nakaratay at maysakit na lagnat at disinterya. Pumasok si Pablo at ipinanalangin siya. Ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya at siya ay pinagaling. 9 Nang mangyari nga ito, pumaroon naman ang ibang may mga karamdaman sa pulo at sila rin ay pinagaling.
Read full chapter
Mga Gawa 28:7-9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
7 Malapit sa lugar na iyon ang mga lupaing pag-aari ni Publio, ang pinuno ng pulong iyon. Malugod niya kaming tinanggap at pinatuloy sa kanyang tahanan sa loob ng tatlong araw. 8 Nagkataong nakaratay ang ama ni Publio, nilalagnat at may disenteriya, kaya't pinuntahan siya ni Pablo. Pagkatapos manalangin, ipinatong ni Pablo ang kanyang kamay sa maysakit at ito'y gumaling. 9 Dahil sa pangyayaring ito, nagdatingan ang mga may karamdamang tagaroon, at pati sila'y gumaling.
Read full chapter
Acts 28:7-9
New International Version
7 There was an estate nearby that belonged to Publius, the chief official of the island. He welcomed us to his home and showed us generous hospitality for three days. 8 His father was sick in bed, suffering from fever and dysentery. Paul went in to see him and, after prayer,(A) placed his hands on him(B) and healed him.(C) 9 When this had happened, the rest of the sick on the island came and were cured.
Copyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

