Add parallel Print Page Options

Ipinagpag niya ang hayop sa apoy at siya ay hindi nasaktan. Nang magkagayon ay hinintay nilang mamaga na siya o bigla na lamang mabuwal na patay. Ngunit nang matagal na silang naghihintay at nakitang walang nangyaring masama sa kaniya, nagbago sila ng akala. Sinabi nilang siya ay isang diyos.

Sa mga kalapit ng dakong iyon ay may mga lupain ang pangulo ng pulong iyon. Ang pangalan niya ay Publio. Tinanggap niya kami at kinupkop ng tatlong araw na may kagandahang-loob.

Read full chapter

Subalit ipinagpag ni Pablo ang ulupong sa apoy at hindi man lamang siya nasaktan. Naghintay ang mga tao na mamaga si Pablo, o kaya'y biglang mabuwal at mamatay. Ngunit nang matagal na silang naghihintay, at nakitang walang masamang nangyari sa kanya, nagbago ang kanilang isip at nagsabing siya'y isang diyos. Malapit sa lugar na iyon ang mga lupaing pag-aari ni Publio, ang pinuno ng pulong iyon. Malugod niya kaming tinanggap at pinatuloy sa kanyang tahanan sa loob ng tatlong araw.

Read full chapter