Add parallel Print Page Options

21 Dahil sa mga bagay na ito, hinuli ako ng mga Judio sa templo at pinagsisikapang patayin. 22 Nang tanggapin ko nga ang tulong na mula sa Diyos, nanatili ako hanggang sa araw na ito. Nagpapatotoo ako sa mga hindi dakila at gayundin sa mga dakila. Wala akong sinasabing anuman kundi ang sinabi ng mga propeta at gayundin ni Moises na malapit nang mangyari. 23 Kung paanong ang Mesiyas ay kailangang magdusa at kung paanong siya ang unang bubuhaying muli mula sa mga patay, matatanyag ang ilaw sa mga tao at gayundin sa mga Gentil.

Read full chapter