Add parallel Print Page Options

18 Sinusugo kita upang idilat mo ang kanilang mga mata nang sa gayon sila ay bumalik sa ilaw mula sa kadiliman. At sila ay bumalik sa Diyos mula sa kapamahalaan ni Satanas. Sinusugo kita upang sila ay tumanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at ng mana kasama ng mga pinapaging-banal sa pamamagitan ng pananampalataya sa akin.

19 Dahil nga rito, o Haring Agripa, hindi ako naging suwail sa pangitaing mula sa langit. 20 Kundi, nangaral ako, una sa mga taga-Damasco at sa Jerusalem din naman at sa buong lupain ng Judea at gayundin sa mga Gentil. Pinangaralan ko silang magsisi at manumbalik sa Diyos na gumawa ng mga gawang karapat-dapat sa pagsisisi.

Read full chapter