Mga Gawa 25
Ang Biblia (1978)
25 Nang makapasok na nga si Festo sa (A)lalawigan, pagkaraan ng tatlong araw ay umahon sa Jerusalem mula sa Cesarea.
2 At ang mga pangulong saserdote at ang mga maginoo sa mga Judio ay (B)nangagbigay-alam sa kaniya laban kay Pablo; at siya'y kanilang pinamanhikan,
3 Na humihingi ng lingap laban sa kaniya, na siya'y ipahatid sa Jerusalem; (C)na binabakayan upang siya'y mapatay sa daan.
4 Gayon ma'y sumagot si Festo, na si Pablo ay tinatanuran sa Cesarea, at siya'y paroroon sa lalong madaling panahon.
5 Kaya nga, sinabi niya, ang mga may kapangyarihan sa inyo ay magsisamang lumusong sa akin, at kung may anomang pagkakasala ang taong ito, ay isakdal siya nila.
6 At nang siya'y makatira na sa kanila na hihigit sa walo o sangpung araw, ay lumusong siya sa Cesarea: at nang kinabukasa'y lumuklok siya sa hukuman, at ipinaharap sa kaniya si Pablo.
7 At nang siya'y dumating, ay niligid siya ng mga Judio (D)na nagsilusong na galing sa Jerusalem, (E)na may dalang marami at mabibigat na sakdal laban sa kaniya, na pawang hindi nila mapatunayan;
8 Samantalang sinasabi ni Pablo sa kaniyang pagsasanggalang, (F)Laban man sa kautusan ng mga Judio, ni laban sa templo, ni laban kay Cesar, ay hindi ako nagkakasala ng anoman.
9 Datapuwa't si Festo, (G)sa pagkaibig na siya'y kalugdan ng mga Judio, ay sumagot kay Pablo, at nagsabi, (H)Ibig mo bagang umahon sa Jerusalem, at doon ka hatulan sa mga bagay na ito sa harapan ko?
10 Datapuwa't sinabi ni Pablo, Nakatayo ako sa harapan ng hukuman ni Cesar, na doon ako dapat hatulan: wala akong ginawang anomang kasamaan sa mga Judio, gaya rin naman ng pagkatalastas mong mabuti.
11 Kung ako nga'y isang makasalanan, at nakagawa ng anomang bagay na marapat sa kamatayan, ay hindi ako tumatangging mamatay; datapuwa't kung walang katotohanan ang mga bagay na ipinagsasakdal ng mga ito laban sa akin, ay hindi ako maibibigay ninoman sa kanila. Maghahabol ako (I)kay Cesar.
12 Nang magkagayon si Festo, nang makapagpanayam na sa Sanedrin, ay sumagot, Naghabol ka kay Cesar; kay Cesar ka paparoon.
13 Nang makaraan nga ang ilang mga araw, si Agripa na hari at si Bernice ay nangagsidating sa Cesarea, at nagsibati kay Festo.
14 At nang sila'y magsitira roong maraming araw, ay isinaysay ni Festo sa hari ang usapin ni Pablo, na sinasabi, (J)May isang taong bilanggo na iniwan ni Felix:
15 (K)Tungkol sa kaniya nang ako'y nasa Jerusalem, ang mga pangulong saserdote at ang mga matanda sa mga Judio ay nangagbigay-alam sa akin, na hinihinging ako'y humatol laban sa kaniya.
16 Sa kanila'y aking isinagot, na hindi kaugalian ng mga taga Roma na ibigay ang sinomang tao, hanggang hindi nahaharap (L)ang isinasakdal sa mga nagsisipagsakdal, at siya'y magkaroon ng pagkakataong makagawa ng kaniyang pagsasanggalang tungkol sa sakdal laban sa kaniya.
17 Nang sila nga'y mangagkatipon dito, ay hindi ako nagpaliban, kundi nang sumunod na araw ay lumuklok ako sa hukuman, at ipinaharap ko ang tao.
18 Tungkol sa kaniya, nang magsitindig ang mga nagsisipagsakdal, ay walang anomang sakdal na masamang bagay na maiharap sila na gaya ng aking sinapantaha;
19 Kundi (M)may ilang mga suliranin laban sa kaniya tungkol sa kanilang sariling (N)relihion, at sa isang Jesus, na namatay, na pinatutunayan ni Pablo na ito'y buhay.
20 At ako, palibhasa'y naguguluhan tungkol sa kung paano kayang mapagsisiyasat ang mga bagay na ito, ay itinanong ko kung ibig niyang pumaroon sa Jerusalem at doon siya hatulan tungkol sa mga bagay na ito.
21 Datapuwa't nang makapaghabol na si Pablo na siya'y ingatan upang hatulan ng emperador, ay ipinagutos kong ingatan siya hanggang sa siya'y maipadala ko kay Cesar.
22 At sinabi ni Agripa kay Festo, Ibig ko rin sanang mapakinggan ang tao. Bukas, sinasabi niya, siya'y mapapakinggan mo.
23 Kaya't nang kinabukasan, nang dumating si Agripa, at si Bernice, na may malaking karilagan, at nang mangakapasok na sila sa hukuman na kasama ang mga pangulong kapitan at ang mga maginoo sa bayan, sa utos ni Festo ay ipinasok si Pablo.
24 At sinabi ni Festo, Haring Agripa, at lahat ng mga lalaking nangariritong kasama namin, nakikita ninyo ang taong ito, na tungkol sa kaniya'y nagsasakdal sa akin sa Jerusalem at dito naman ang buong karamihan ng mga Judio, na nangagsisigawang (O)hindi marapat na siya'y mabuhay pa.
25 Datapuwa't aking nasumpungang siya'y (P)walang anomang ginawang marapat sa kamatayan: at sapagka't (Q)siya rin ay naghabol sa emperador ay ipinasiya kong siya'y ipadala.
26 Tungkol sa kaniya'y wala akong alam na tiyak na bagay na maisusulat sa aking panginoon. Kaya dinala ko siya sa harapan ninyo, at lalong-lalo na sa harapan mo, haring Agripa, upang, pagkatapos ng pagsisiyasat, ay magkaroon ng sukat na maisulat.
27 Sapagka't inaakala kong di katuwiran, na sa pagpapadala ng isang bilanggo, ay hindi magpahiwatig naman ng mga sakdal laban sa kaniya.
Acts 25
New International Version
Paul’s Trial Before Festus
25 Three days after arriving in the province, Festus(A) went up from Caesarea(B) to Jerusalem, 2 where the chief priests and the Jewish leaders appeared before him and presented the charges against Paul.(C) 3 They requested Festus, as a favor to them, to have Paul transferred to Jerusalem, for they were preparing an ambush to kill him along the way.(D) 4 Festus answered, “Paul is being held(E) at Caesarea,(F) and I myself am going there soon. 5 Let some of your leaders come with me, and if the man has done anything wrong, they can press charges against him there.”
6 After spending eight or ten days with them, Festus went down to Caesarea. The next day he convened the court(G) and ordered that Paul be brought before him.(H) 7 When Paul came in, the Jews who had come down from Jerusalem stood around him. They brought many serious charges against him,(I) but they could not prove them.(J)
8 Then Paul made his defense: “I have done nothing wrong against the Jewish law or against the temple(K) or against Caesar.”
9 Festus, wishing to do the Jews a favor,(L) said to Paul, “Are you willing to go up to Jerusalem and stand trial before me there on these charges?”(M)
10 Paul answered: “I am now standing before Caesar’s court, where I ought to be tried. I have not done any wrong to the Jews,(N) as you yourself know very well. 11 If, however, I am guilty of doing anything deserving death, I do not refuse to die. But if the charges brought against me by these Jews are not true, no one has the right to hand me over to them. I appeal to Caesar!”(O)
12 After Festus had conferred with his council, he declared: “You have appealed to Caesar. To Caesar you will go!”
Festus Consults King Agrippa
13 A few days later King Agrippa and Bernice arrived at Caesarea(P) to pay their respects to Festus. 14 Since they were spending many days there, Festus discussed Paul’s case with the king. He said: “There is a man here whom Felix left as a prisoner.(Q) 15 When I went to Jerusalem, the chief priests and the elders of the Jews brought charges against him(R) and asked that he be condemned.
16 “I told them that it is not the Roman custom to hand over anyone before they have faced their accusers and have had an opportunity to defend themselves against the charges.(S) 17 When they came here with me, I did not delay the case, but convened the court the next day and ordered the man to be brought in.(T) 18 When his accusers got up to speak, they did not charge him with any of the crimes I had expected. 19 Instead, they had some points of dispute(U) with him about their own religion(V) and about a dead man named Jesus who Paul claimed was alive. 20 I was at a loss how to investigate such matters; so I asked if he would be willing to go to Jerusalem and stand trial there on these charges.(W) 21 But when Paul made his appeal to be held over for the Emperor’s decision, I ordered him held until I could send him to Caesar.”(X)
22 Then Agrippa said to Festus, “I would like to hear this man myself.”
He replied, “Tomorrow you will hear him.”(Y)
Paul Before Agrippa(Z)
23 The next day Agrippa and Bernice(AA) came with great pomp and entered the audience room with the high-ranking military officers and the prominent men of the city. At the command of Festus, Paul was brought in. 24 Festus said: “King Agrippa, and all who are present with us, you see this man! The whole Jewish community(AB) has petitioned me about him in Jerusalem and here in Caesarea, shouting that he ought not to live any longer.(AC) 25 I found he had done nothing deserving of death,(AD) but because he made his appeal to the Emperor(AE) I decided to send him to Rome. 26 But I have nothing definite to write to His Majesty about him. Therefore I have brought him before all of you, and especially before you, King Agrippa, so that as a result of this investigation I may have something to write. 27 For I think it is unreasonable to send a prisoner on to Rome without specifying the charges against him.”
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

