Add parallel Print Page Options

22 “各位父老弟兄,請聽聽我現在對你們的申辯。” 他們聽見保羅用希伯來語說話,就更加安靜了。保羅說: “我是猶太人,生在基利家的大數,在城裡長大,按照我們祖宗律法的嚴格要求,在迦瑪列門下受教,我為 神熱心,好像你們大家今天一樣。 我曾經迫害信奉這道的人直至死地,把男男女女都捆綁起來,送進監獄, 這是大祭司和全公議會都可以給我作證的。我也從他們那裡得到了寫給眾弟兄的信,就去大馬士革,要把那裡的人捆綁起來,帶到耶路撒冷接受懲罰。

保羅自述信主經過

“約在正午,當我走近大馬士革的時候,忽然有大光從天上向我四面照射, 我仆倒在地上,聽見有聲音對我說:‘掃羅,掃羅,你為甚麼迫害我?’ 我回答:‘主啊,你是誰?’他說:‘我就是你所迫害的拿撒勒人耶穌。’ 跟我在一起的人,只看見那光,卻聽不清楚那位對我說話的聲音。 10 我說:‘主啊,我應當作甚麼呢?’主說:‘起來,進大馬士革去,在那裡有人會把指定給你作的一切事告訴你。’ 11 因為那光太強烈,我的眼睛就瞎了,跟我在一起的人就牽著我的手,進了大馬士革。

12 “有一個人名叫亞拿尼亞的,他是一個虔誠而遵守律法的人,當地所有的猶太人都稱讚他。 13 他來見我,站在我旁邊,對我說:‘掃羅弟兄,你現在可以看見了。’我立刻往上一看,看見了他。 14 他又說:‘我們祖先的 神選派了你,讓你明白他的旨意,看見那義者,聽見他口中的聲音。 15 因為你要把所看見所聽見的,向萬人為他作見證。 16 現在你為甚麼還耽擱呢?起來受洗,求告他的名,洗淨你的罪吧。’

保羅蒙差遣向外族人傳福音

17 “後來,我回到耶路撒冷,在殿裡禱告的時候,魂遊象外, 18 看見主對我說:‘你要快快離開耶路撒冷,因為你為我作的見證,他們是不會接受的。’ 19 我說:‘主啊,他們知道我曾把信你的人監禁起來,又在各會堂拷打他們, 20 並且你的見證人司提反受害流血的時候,我也親自在場,表示同意,並且為殺他的人看守衣服。’ 21 他對我說:‘你走吧,我要派你到遠方的外族人那裡去。’”

保羅與千夫長

22 眾人聽見他說到這句話,就高聲說:“這樣的人應該從地上除掉,不應該活著!” 23 大家正在喊叫著,拋擲衣服,向空中揚灰撒土的時候, 24 千夫長下令把保羅帶到營樓去,吩咐人用鞭子拷問他,要知道群眾為甚麼這樣向他喊叫。 25 士兵正用皮帶綁他的時候,保羅對站在旁邊的百夫長說:“你們鞭打一個還沒有定罪的羅馬公民,是合法的嗎?” 26 百夫長聽了,就去報告千夫長,說:“這個人是羅馬公民,你要怎麼辦呢?” 27 千夫長就來問保羅:“告訴我,你是羅馬公民嗎?”他說:“是的。” 28 千夫長說:“我花了一大筆錢,才取得羅馬籍。”保羅說:“我生下來就是羅馬公民。” 29 於是那些要拷問他的人,立刻離開他走了。千夫長既知道他是羅馬公民,又因捆綁過他,就害怕起來。

保羅在公議會面前申辯

30 第二天,千夫長為要知道猶太人控告保羅的真相,就解開他,召集了祭司長和公議會全體在一起,把保羅帶下來,叫他站在他們面前。

22 “Mga magulang at mga kapatid, pakinggan ninyo ang pagtatanggol na gagawin ko ngayon sa inyong harapan.” Nang marinig nilang siya'y nagsasalita sa wikang Hebreo, lalo pa silang tumahimik. Nagpatuloy si Pablo, “Ako'y (A) isang Judio na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia, ngunit pinalaki rito sa Jerusalem. Sa ilalim ng pagtuturo ni Gamaliel ay mahigpit akong sinanay ayon sa Kautusan ng ating mga ninuno. Masigasig ako sa paglilingkod sa Diyos, tulad ninyong lahat ngayon. Pinag-usig ko (B) ang mga tagasunod ng Daang ito hanggang sila'y mapatay. Ipinagapos ko sila at ipinabilanggo, maging lalaki at babae. Ang Kataas-taasang Pari at ang buong kapulungan ng mga matatandang pinuno ng bayan ang makapagpapatotoo tungkol dito. Binigyan pa nga nila ako ng mga sulat para sa mga kasamahan nila sa Damasco at nagpunta ako roon upang dakpin ang mga tagasunod ng Daang ito at ibalik sila sa Jerusalem upang parusahan.

Ang Salaysay ni Pablo ng Kanyang Pagbabagong-loob(C)

“Habang ako'y naglalakbay at papalapit na sa Damasco, nang magtatanghaling-tapat ay biglang kumislap sa aking paligid ang isang matinding liwanag mula sa langit. Bumagsak ako sa lupa, at narinig ko ang isang tinig na nagsasabi sa akin, ‘Saulo, Saulo, bakit mo ako inuusig?’ Sumagot ako, ‘Sino po kayo, panginoon?’ At sinabi niya sa akin, ‘Ako'y si Jesus na taga-Nazareth na iyong inuusig.’ Nakita ng mga kasamahan ko noon ang liwanag, ngunit hindi nila narinig ang tinig ng nagsalita sa akin. 10 Sinabi ko, ‘Ano po'ng gagawin ko, Panginoon?’ Tumugon siya sa akin, ‘Tumayo ka at pumunta sa Damasco, at sasabihin sa iyo doon ang lahat ng dapat mong gawin.’ 11 Hindi ako makakita dahil sa kaningningan ng liwanag na iyon, kaya't inakay na lamang ako ng aking mga kasamahan patungong Damasco.

12 “Doon ay may lalaking ang pangalan ay Ananias. Masipag siya sa kabanalan, sumusunod sa kautusan, at iginagalang ng mga Judio na naninirahan doon. 13 Pinuntahan niya ako, tumayo sa aking tabi at sinabi sa akin, ‘Kapatid na Saulo, tanggapin mong muli ang iyong paningin!’ Noon di'y bumalik ang aking paningin at nakita ko siya. 14 Pagkatapos ay sinabi ni Ananias sa akin, ‘Hinirang ka ng Diyos ng ating mga ninuno upang mabatid mo ang kanyang kalooban, makita ang kanyang Matuwid na Lingkod, at marinig ang kanyang tinig. 15 Sapagkat magiging saksi ka niya sa lahat ng mga tao tungkol sa mga bagay na iyong nakita at narinig. 16 At ngayon, ano pa'ng hinihintay mo? Tumindig ka, tumawag ka sa kanyang pangalan at magpabautismo, magpahugas ng iyong mga kasalanan.’

Isinugo si Pablo sa mga Hentil

17 “Pagbalik ko sa Jerusalem, habang ako'y nananalangin sa templo ay nagkaroon ako ng pangitain. 18 Nakita ko ang Panginoon na nagsasabi sa akin, ‘Magmadali ka at umalis agad sa Jerusalem, sapagkat hindi nila tatanggapin ang iyong patotoo tungkol sa akin.’ 19 At aking sinabi, ‘Panginoon, sila mismo ang nakaaalam na sa bawat sinagoga ay ibinilanggo ko at hinampas ang mga sumampalataya sa iyo. 20 Nang (D) patayin si Esteban na iyong saksi, ako mismo ay nakatayo sa malapit at sumang-ayon pa sa ginawa nila. Ako pa nga ang nagbantay sa mga damit ng mga pumatay sa kanya.’ 21 Ngunit sinabi ng Panginoon sa akin, ‘Humayo ka, sapagkat susuguin kita sa malayo, sa mga Hentil.’ ”

Si Pablo at ang Opisyal na Romano

22 Pinakinggan siya ng mga tao hanggang sa sandaling ito. Ngunit pagkatapos ay sumigaw sila, “Alisin sa mundo ang ganyang uri ng tao! Hindi siya dapat mabuhay!” 23 Habang nagpapatuloy sila sa pagsisigawan, sa paghahagis ng kanilang mga damit, at pagsasabog ng alikabok sa hangin, 24 ipinag-utos ng kapitan na ipasok si Pablo sa himpilan at ipahagupit habang sinisiyasat upang malaman niya kung bakit ganoon na lamang ang sigawan ng mga tao laban sa kanya. 25 Ngunit nang siya'y kanilang magapos na ng mga panaling-balat, sinabi ni Pablo sa senturyong nakatayo sa malapit, “Ayon ba sa batas na hagupitin ninyo ang isang mamamayang Romano, kahit wala pang hatol ang hukuman?” 26 Nang marinig iyon ng senturyon, pumunta siya sa kapitan at sinabi, “Paano ito? Ang taong ito ay mamamayang Romano!” 27 Lumapit ang kapitan at tinanong si Pablo, “Sabihin mo sa akin, ikaw ba'y mamamayang Romano?” At sinabi niya, “Opo.” 28 Sumagot ang kapitan, “Malaki ang nagastos ko upang maging mamamayang Romano.” Sumagot si Pablo, “Ngunit ako'y isinilang na mamamayang Romano.” 29 Kaya't agad na lumayo sa kanya ang mga magsisiyasat sa kanya. Natakot din ang kapitan sapagkat ipinagapos niya si Pablo, gayong ito pala ay isang Romano.

Si Pablo sa Harap ng Sanhedrin

30 Kinabukasan, dahil nais matiyak ng pinuno ang tunay na dahilan kung bakit isinakdal ng mga Judio si Pablo, iniutos niya sa mga punong pari at sa buong Sanhedrin na magpulong ang mga ito. Pinawalan naman niya si Pablo, pinababa at iniharap sa kanila.