Add parallel Print Page Options

28 Kaya nga, ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan. Sa kanila ay itinalaga kayong mga tagapangasiwa ng Banal na Espiritu upang pangalagaan ninyo ang iglesiya ng Diyos na binili niya ng sarili niyang dugo. 29 Ito ay sapagkat nalalaman ko ito, na sa pag-alis ko ay papasukin kayo ng mga mabagsik na lobo na walang patawad na sisila sa kawan. 30 Titindig mula sa mga kasamahan ninyo ang mga lalaking magsasalita ng mga bagay na lihis. Ang layunin nila ay upang ilayo ang mga alagad para sumunod sa kanila.

Read full chapter

28 Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, sapagkat itinalaga kayo ng Banal na Espiritu na mga tagapangasiwa upang pangalagaan ninyo ang iglesya ng Diyos[a] na tinubos niya ng kanyang sariling dugo. 29 Alam kong pag-alis ko'y papasok sa gitna ninyo ang mababangis na asong-gubat at walang patawad na pupuksain ang kawan. 30 Mula na rin sa inyong mga kasamahan ay lilitaw ang mga taong magsasalita ng mga kasinungalingan, upang akitin ang mga alagad na sumunod sa kanila.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 20:28 Diyos, Sa ibang manuskrito Panginoon.

28 Be on guard for yourselves and for all the flock among which the Holy Spirit has appointed you as overseers, to shepherd the church of God which he obtained through the blood of his own Son.[a] 29 I know that after my departure fierce wolves will come in among you, not sparing the flock. 30 And from among you yourselves men will arise, speaking perversions of the truth[b] in order to draw away the disciples after them.

Read full chapter

Footnotes

  1. Acts 20:28 Or “through his own blood”; the Greek construction can be taken either way, with “Son” implied if the meaning is “through the blood of his own”
  2. Acts 20:30 Literally “crooked things”